TL3

1395 Words
(Third Person POV) Agad na itinali ni Anicka sa katawan ng puno ang tali ng kabayong si Whistle. Nasa gitnang kagubatan sya na nasa lupain parin ng mga Deo Gracia, kung saan matatagpuan ang isang malinaw at napakalinis na batis. Bata palang sya ay madalas na sya sa lugar na 'to. Kung may problema sya, dito sya pumupunta. Nakakagaan kasi ng loob nya ang kagandahan ng lugar at ang tunog ng lagaslas ng tubig sa batis. May dinaramdam pa naman sya ngayon. Halos isang linggo na ang nakakalipas mula nang bumalik ang kanyang asawa kasama ang babaeng planong pakasalan nito. At sa loob ng isang linggo na yon ay parang tinu- torture ang kanyang puso. Katulad nalang nung isang araw, nakita nyang nagsusubuan sina Gregory at Hannah, sweet na sweet ang dalawa, isang sa mga pinangarap na mangyari sa kanilang dalawa ni Gregory pero alam nyang kahit hilingin man nya sa lahat ng fallin' star, ay hindi mangyayari. Kailan man, hindi sya magugustuhan ng nag- iisang Gregory Deo Gracia. Kasabay ng pagkawasak ng kanyang puso ay ang kahihiyan na nadarama, sapagkat hindi kasi kayang itago nina Hannah at Gregory ang kanilang relasyon, respeto nalang sana sa kanya bilang tao. Alam na alam pa naman ng lahat na ikinasal sya kay Gregory bago umalis ang lalaki nung. Hanggang ngayon pabalik- balik parin sa kanyang isip ang sinabi ni Hannah sa mga katulong nila sa mansyon. "Ako na ang magiging asawa ni Greg, kaya respetuhin nyo ako kung ayaw nyong mawalan ng trabaho. At yon ugly duckling na ma'am Anicka nyo, gagawin ko din katulong yon. Kasi mga kauri nyo lang naman sya. Nabihisan man, naaamoy ko parin ang amoy ng basura sa kanya. " Matalas ang mga dila ni Hannah. Sobrang sakit ng mga salita na nanulas sa kanyang labi. At hindi man lamang kinontra ni Gregory ni isang beses ang mga pinagsasabi ng kanyang girlfriend. Noon paman, sinabihan na sya ng mga katulong nila na sadyang matapobre si Gregory, isang katangian na namana nito sa ina. Nung ikinasal nga sila ni Gregory, isa ang ina nito sa tumutol dahil sa kadahilanan na mahirap lamang sya pero kalaunan pumayag narin ito lalo na si Gregory ang nakikiusap dito. Alam nyang hindi sya mahal ni Gregory at ginamit lang sya nito, pero ang hiwalayan sya sa pagbalik nito, yon ay wala syang ideya. Maganda ang tubig sa batis, na tila nag- anyaya sa kanya para maligo. Madalas syang maligo dito, hindi naman sya natatakot na may makakita sa kanya kasi kalimitan lang naman na may maligaw sa party na to ng kagubatan. Agad nyang hinubad ang kanyang suot na blouse, naiwan nalang ang kanyang sando at ang panloob na kasuutan, hindi nya hinubad ang suot nyang short, saka sya lumusob sa tubig. ------ Pagkatapos masiguro ni Gregory na maayos ang pagkakatali ng tali ng kabayo sa puno, agad syang humakbang sa medyo gitnang bahagi ng kagubatan kung saan may narinig syang lagaslas ng tubig. Sa plano nyang makapag- relax, dahil medyo nakadama na sya ng irritasyon sa pangungulit ni Hannah sa kanya na bumalik na sa Manila, napadpad sya sa bahagi na to ng kagubatan. Ngayon palang sya nakapunta sa lugar na to dahil hindi naman talaga nya binibigyan pansin ang hacienda ng kanyang pamilya. Ni minsan, hindi nya naisip na maging haciendero sya at titira sya dito sa San Ignatius, na isang probinsya. He has a life there in Manila, meron din syang night life doon, at never nyang iniisip na tumira sa tahimik na lugar na ito with a wife that he didn't even love at hindi nga din nya alam kung matutunan ba nyang mahalin. Hindi sya mahilig sa mga babae na parang manang kung manamit at walang kadating- dating. Napaka- plain ni Anicka at sa tingin nya kailan man, hindi nya hahangaan ang hitsura nito. Paano naman sya makadama ng pagnanasa sa kanyang asawa kung wala itong kada-----. Napatigil sya sa paghakbang nang nakita nya ang isang babae na parang diyosa na umahon sa tubig ng batis. Napalunok sya nang tuluyan tumambad sa harapan nya ang halos perpektong katawan nito na hindi natatabunan sa suot nitong sando. Hindi nya alam kung bakit sinusundan pa talaga nya ang bawat galaw nito. Bawat galaw ng balakang nito na mas lalong nakadagdag sa kagandahan ng katawan nito. Napanganga sya nang pinunasan nito ng tuwalya ang basang- basa katawan. Tuloy parang naiinggit sya sa tuwalya. Napamura sya sa kanyang isip nang napagmasdan nyang maige ang mukha nang babae na pinagmamasdan nya ngayon, sapagkat ang babaeng hinahangaan nya mula ulo hanggang paa, ay ang asawang nilait- lait nya kanina sa kanyang isip. Mabilis syang napatago sa katawan ng malaking puno nang napatingin ito sa bungad nya. Muntikan na tuloy syang natapilok dahil sa medyo may kalakihan na bato na hindi nya napansin. Sunod- sunod ang mura nya sa kanyang isip. ----- Marahan inilapag ni Anicka ang tuwalyang dala sa malaking bato. Pagkatapos nyang gawin ang bagay na 'to, agad syang humiga at ipinikit nya ang kanyang mga mata. Ngunit agad din nyang naibuka ang kanyang mga mata nang tila may nakamasid sa kanya. "Gregory!" hindi makapaniwalang bulalas nya. Madilim ang anyo nito na nakatingin sa kanya. Mukhang galit ito. "B- Bakit ka nandito?"tanong nito sa pagalit na tono. "H- Ha?" Napakalma sya sa sarili. "B- Bawal bang pumunta dito?" Baka pinagbabawal na nito ang pagpunta dito. Pagmamay- ari parin nito ang lugar na to. Mabilis syang bumangon at tumayo. "Paano kung may makakita sayo dito? At pag- interesan kapa." Napaawang ang labi nya. Hindi sya halos makapaniwala sa namutawi sa labi nito. "W- Wala naman sigurong magka- interest sa akin. Kilala naman ako ng halos lahat dito. At saka mula pa nung bata ako Gregory, pumupunta na ako dito. Wala pa naman nangyaring masama sa akin." Pangangatwiran nya. "So, hihintayin mo pa na may mangyari na masama sayo bago mo maisipan na delikado para sa isang tulad mo ang lugar na to. Paano kung may maligaw na hindi ka kilala at masamang tao?" "Wala naman siguro malili----" "We're not sure about that! Sa panahon ngayon---we have to be very careful, lalo na ang isang tulad mong babae." Parang gustong magbunyi ang kanyang puso nang napatanto na tila nag- alala sa kanya si Gregory. "Salamat at sa pag- alala mo Gregory but----" "Me? Nag- alala sayo?" Napatawa ito na parang pang- uyam. "You wrong at there, Anicka. I'm not concern with you. Wala akong pakialam kung may masamang mangyari sayo. Si Lolo ang inalala ko at hindi ikaw." Padabog nitong sambit at tinalikuran sya. Nasundan nya ito ng tingin hanggang sa nakalayo na ito. Napalis ang pag- asa nya kanina na baka may halaga din sya dito kahit papaano. Hindi na din sya nagtagal at napagpasyahan lang nya ang umuwi narin. Halos sabay silang dumating ni Gregory sa mansyon na parehong sakay ng kabayo, kaya nang nakita sila ni Hannah ay sobrang panlilisik ang mga mata nito. "Malandi ka!" Nasa may hardin sya nang galit na lumapit sa kanya si Hannah. "Magkasama ba kayo ni Gregory kanina? Inaakit mo ba ang boyfriend ko?" Ayaw ko syang patulan pero talagang sumusobra na sya. Isang linggo ko nang pinalalampas ang mga pang- iinsulto nya sa akin. "Hindi ko inaakit ang asawa ko, Hannah. At saka hindi ko sya kasama, nagkataon lang na nagkita kami sa may gubat." Sagot ko sa kung ano ang totoo. "s**t you! Malandi! Gregory loves me kaya tigilan mo na ang panlalandi mo sa kanya. Kung hindi, talagang ikikiskis ko yan kalandian mo sa lupa." Pinatili kong pormal ang aking mukha sa kanya. "You are an educated Hannah, pero kung makapagsalita ka para kang walang pinag- aralan." Nakangiti kong sambit. "What did you say?" Bulyaw nya sa akin. "Narinig mo naman, diba! At saka, akala ko ba, hindi ka na- insecure sa akin. Bakit galit na galit ka dyan na parang inagawan kita ng laruan? Na parang takot na takot ka? Kung nagmamahalan nga kayo ni Gregory, dapat nagtitiwala ka sa kanya." "I trust him, sayo ako,walang tiwala. Kilala ko ang mga tipo mo." Hindi nya pinansin ang pangingisulto na naman nito. Hilaw syang ngumiti. "Lamang ka ng sampung paligo sa akin Hannah, kaya kung secure ka sa kagandahan mo at sa pagmamahal ni Gregory sayo, hindi ka dapat magkakaganyan. Tandaan mo. Asawa ako at kabit kalang. Sino kaya sa tingin mo ang malandi sa ating dalawa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD