TL4

1202 Words
(Anicka) "How dare you? Isusumbong kita kay Greg." Halos hindi maipinta ang mukha ni Hannah sa aking sinabi, saka padabog nya akong tinalikuran at nagmartsa paalis para tuluyan akong iwan. Nasundan ko lang sya ng tingin. Hindi ko ugali ang pumatol lalo na sa mga bagay na wala naman katuturan pero sinagi na nya ang aking pasensya. Sumusobra na sya, okay lang naman sa akin kung ang hitsura ko ang iinsultuhin nya, kasi iba't- iba naman talaga ang opinyon ng tao. Beauty is in the eye of the beholder, ika nga. Pero, ang pagdungis nya sa aking dangal bilang babae, ay hindi ko kayang sikmurahin. Sapagkat alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun. Sadyang madumi lang ang kanyang isip. Isusumbong nya daw ako sa aking asawa? Kailangan ko na sigurong ihanda ang aking sarili sa galit nito. Panigurado, isang pangingisulto na naman ang aabutin ko mula sa aking asawa. Humakbang ako para umalis na sana nang nakita ko si Lolo, na tila kanina pa nakamasid sa akin. "Lolo!" sambit ko. Narinig kaya nya ang usapan namin kanina ni Hannah? "That's my girl, wag kang magpapaapi. I didn't send you to school and have your degree para apihin lang. You have to know your place." Ang lapad ng ngiti ni Lolo. Humakbang sya palapit sa akin. "Pero, isusumbong daw ako Lolo." Pabiro kong sabi, na sinabayan ko pa ng tawa. Kahit pa nakadama na ako ng munting kaba. Hindi ko kasi alam na kaya ko bang labanan si Gregory, gayun sarili kong puso ang kalaban ko. "You know what to do, Anicka. Basta ang lagi mong tandaan. Kung hahayain mo lang ang apo ko na insultuhin ka, paulit- ulit nyang gawin ang bagay yan sayo." Tumahimik na kami ni Lolo. Pareho malayo ang mga paningin. "Nung bata palang ako, naalala ko na naging ganito din ako. Nakatayo sa pwestong ito habang pinasadahan ng tingin ang buong hacienda. Dalawa lang kaming magkakapatid at babae ang bunso ko. Alam ko balang araw ako din ang mamahala at magmamana sa hacienda, dahil ako ang lalaki at panganay. Tahimik ang hacienda, lagi kong pinangarap na sana balang araw, mapupuno din ang halakhak ang buong lugar ng mga batang naglalaro. Pero, isa lang ang naging anak namin ng aking asawa, maaga kasing namatay ang aking asawa. Maaga din namatay ang ama ni Gregory kaya hindi na nagkaroon ng kapatid si Gregory." Napatingin sya sa akin. "Nakikita ko na Anicka ang katuparan ng pangarap ko noon. Parang nakikita ko na ang mga anak nyo ni Gregory na masayang naglalaro sa bakuran nitong hacienda, parang naririnig ko na ang halakhak ng mga ito." Maganda pakinggan ang mga salitang binibigkas ni lolo, pero nagdulot naman ito ng sakit sa aking puso, sapagkat alam kong kailanman, hindi na mangyayari ang kanyang sinabi. "I know that Gregory will going to annul our marriage, to marry Hannah. Kaya napaka- impossible po na mangyari yan mga sinasabi mo." Nilakasan ko lang ang aking loob para masambit ng tama ang mga salitang aking binibigkas. Kahit pa ay nagsimula nang nangilid ang aking luha. Pinunasan ko ito bago pa mahalata ni Lolo. "That's because, he didn't see yet the things that I saw in you. He didn't see yet how special you are." Paano nga ba makikita ni Gregory ang sinasabi ni Lolo na pagiging espesyal ko kung laging si Hannah lang ang espesyal sa kanyang mga mata? Marami pa kaming pinag- uusapan ni Lolo. Mahilig syang magkwento tungkol sa kanyang kabataan, at kahit ilang beses ko nang naririnig ang mga kwento nya, hindi parin ako nagsasawa. ------ Papanhik na sana ako patungo sa aking kwarto nang napatigil ako dahil tila naghihintay sa akin si Gregory, madilim ang kanyang anyo habang nakatingin sa akin. "Sinabi ni Hannah sa akin ang mga pinagsasabi mo tungkol sa kanya kanina. Wala kang karapatan na pagsalitaan ng mga masasakit na salita ang babaeng mahal ko at pakakasalan ko." Nasaktan ako sa namutawi sa kanyang bibig pero pinatili kong kalmado ang aking sarili. "Sana naman ang totoo lang ang sinabi nya sayo, Gregory at hindi na nya dinagdagan pa." "Whatever she say is, wala kang karapatan na salungatin sya at pagsalitaan sya ng kung ano't- ano, lalo na ang tawagin syang kabit. I love her and I'm just using you para makawala ako sa obligasyon ko dito sa hacienda nung." "Hindi mo naman kailangan ulit- ulitin ang isang katotohanan na alam ko na. At bakit mo nasabi na wala akong karapatan? Wala ba akong karapatan na ipagtanggol ang aking sarili na ilang beses na niyurakan ng girlfriend mo? Alam kong hindi ako kauri nyo, dahil mayaman kayo, pero tao din ako na napagpasyahan na ipagtanggol ang aking sarili dahil sumusobra na si Hannah. Alam mo na matalas ang dila ng girlfriend mo, pero hinayaan mo ito. Hindi ko naman sinabi na ipagtanggol mo ako, dahil kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Kung ayaw ni Hannah na makatikim din sa akin, then pagsabihan mo naman sya. Hindi lang kasi ako tatayo sa isang tabi at hayaan na api- apihin lang." Sunod- sunod kong sambit. Nilakasan ko lang talaga ang aking loob. Kahit pa nanghihina ako dahil sa matalim na titig nya sa akin. "Ang yabang mo! Ano bang ipinagyayabang mo? Dahil ba kinakampihan ka ni lolo? Ano bang ipinakain mo sa lolo ko at ganun nalang sya kahibang sayo? Ginagamit mo ba sya?" Pagalit nyang sambit. Kanina pa, gustong magbagsakan ng aking luha, pero pinigilan ko ito. "Kahit ipagtanggol ko man ang aking sarili laban sa mga katagan na binibigkas mo, wala naman din mangyayari dahil sadyang sarado ang yon isip at madumi din ito. Mahal ko si Lolo at wala akong pakialam kung anong klasing pagmamahal ang nasa isip mo. Bagay kayo ni Hannah, pareho kayong mapanghusga." Tila naman naumid ang kanyang dila sa aking sinabi. "Goodnight Gregory, sana makatulog kayo ng mabuti ni Hannah, at hindi kayo inuusig ng konsensya nyo." Humakbang ako at nilampasan ko sya. Agad na tumulo ang aking luha nang tuluyan na akong nakapasok sa aking kwarto. Ang sikip dito sa dibdib ko kahit pa sabihin na nagawa ko naman ipagtanggol ang aking sarili. ------- Hindi parin nakakilos si Gregory kahit tuluyan nang nakapasok si Anicka sa loob ng kwarto nito. Madali syang makapag- isip ng katwiran. Never in his life na napanganga sya at parang tinakasan ng kanyang salita. Ngayon palang at sa babae pa parang sisiw, na akala nila hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Agad syang pumasok sa kwarto nila ni Hannah na katapat lang sa kwarto ni Anicka. "Ano na? Nahabag ba ang buntot ng mayabang na Anicka na yon? Akala mo kung sinong makapagsalita." Salubong agad sa kanya ni Hannah. "Just leave here alone, Hannah!" Hindi ko napigilan sambit. "What? Bakit ko titigilan ang mayabang na yon? Wag ka ngang maging kampante Greg. Baka magising ka nalang isang araw na wala nang natira sayo, at nasa pangalan na ni Anicka lahat ng kayamanan nyong mga Deo Gracia. Dahil may palagay talaga ako na inaakit nya ang lolo mo at sinamantala nya ang katandaan nito." Ani ni Hannah na nagpaisip sa akin. Hindi nga malayong ganun si Anicka. Baka isa itong golddigger. Tinatago lang sa inosenteng mukha nito ang masamang hangarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD