TL5

1286 Words
(Third Person POV) "Kung ibebenta mo itong buong hacienda nyo, sigurado akong ilang billion ang maging halaga nito and then we can start our own business there in Manila.” Ani ni Hannah sa kanya. Nakaunan ito sa dibdib nya. Isang kumot lang ang nakatakip sa hubad nilang katawan. “Honey, how many times do I have to tell you that this is my family legacy. Hindi ito dapat ibenta.” Pinigilan nya ang mairita. Pabalik- balik nalang sila sa laging sinasabi nya dito. Lagi syang kinukulit nito na ibenta ang hacienda at babalik nalang sila sa Manila. Hindi nya pwedeng gawin yon, maliban sa parang iniinsulto nya ang pamilyang Deo Gracia, nangako pa sa kanyang ama na aalagaan nya ang pamana na mula pa sa kauna- unahang Deo Gracia na napadpad nito sa Pilipinas, mga ilang henerasyon narin ang nakakalipas. “What?” ani nito. Bumalikwas ito mula sa pagkahiga sa dibdib nya at napatunghay ito sa kanya. “So, anong ibig mong sabihin? Are you going to live here? In this damn rural area?” Halata sa mga mata nito ang galit. “Hannah, we talk about this. Akala ko ba pag matapos na ang kasal natin, okay lang sayo na dito titira.” Nainis narin sya. “Oo nga! 1 month to 6 months, I can live here but not forever. Are you insulting me Gregory? Sa tingin mo, bagay sa akin ang lugar na ‘to?” Tuluyang na itong umalis mula sa kama. Hindi pinansin nito ang kahubaran nito. Muli nito sinuot ang mga damit na nahubad kanina. Magtatatlong linggo na sila nito sa hacienda. “Babe, please listen.” Napaupo sya sa kama. “Ayaw kong sirain ang legacy ng pamilya namin. Ang hacienda na ang pinagkukunan yaman ng pamilya ko mula pa noon. Kung ibebenta ko ito, para ko narin iniinsulto ang angkan ko.” Paliwanag nya dito na sana naintindihan nito. Pero, mukhang hindi sya naintindihan nito dahil naniningkit na ang mata nito na nakatingin sa kanya. “s**t! s**t with that damn legacy!” galit na pagkakasabi nito. “I thought you’re an urban boy. Ang baduy ng angkan na pinagmulan mo!” Napabuga sya ng hangin para kalmahin ang kanyang sarili. This is the problem of Hannah, hindi ito marunong makinig. Kung ano ang gusto nito, yon lang ang dapat masunod. “Shut up, Hannah! Wala kang alam. Hindi mo dapat iniin---“ “Tama ka! I don’t know anything.” Tinumbasan nito ang bahagya nyang galit. “I can’t live here Greg, I will die kahit isang taon lang akong mananatili dito.” Lumapit ito sa closet at isa- isang kinuha nito ang mga damit nito mula doon. “Anong ginagawa mo?” kunot- noong tanong nya dito. “I am leaving Greg. Kung mahal mo talaga ako, susundan mo ako sa Manila at doon tayo maninirahan. I love you but I won’t sacrifice my own life for you. I have a life to live for.” Ipinasok na nito ang mga damit nito sa isang maleta. “Alam mo naman na modelo ako at hindi ako pwede sa isang probinsya na katulad nito.” Papalabas na ito sa kwarto habang bitbit ang maleta. “Hannah!” tawag nya sa katipan. “Don’t follow me, Greg! Pag-isipan mo itong mabuti. Are you going to sold this property and be with me in Manila? Or are you going to live here forever, kapiling ang ugly duckling na pathetic na probinsyana mong asawa?” Padabog na binuksan at isinara nito ang pinto ng kwarto nya. Maang lang sya na nasundan ito ng tingin. ------ Taas noo naman naglakad si Hannah. Alam kasi nya na hindi sya kayang tiisin ni Gregory. Mahal na mahal sya nito. Baka bukas din, sinundan na sya nito sa Manila at susuyuin na naman sya. Kailangan lang nyang mag- inarte. Uwing- uwi na sya sa Manila, pero mukhang walang plano si Gregory na bumalik na dun. Hindi na nya kayang tumagal pa sa baduy na lugar na ito. Sa tingin nya, lahat ng tao sa lugar na ito ay hindi nya kauri, mga basura ang tingin nya sa lahat ng naninirahan dito. Lalo na yon malanding Anicka, na sa tingin nya opportunista at malandi. ------- Paakyat naman si Anicka sa opisina ni Don Eduardo na nasa ikalawang palapag ng bahay nang nakasalubong nya si Hannah. Galit na galit ito na pababa ng hagdanan at may dala itong maleta. Napakunot- noo sya. Anong nangyari? Nag-away ba ang mga ito at si Gregory? Napahinto sya, pinauna nya ito. “What are you looking at?” taas- kilay na bulyaw nito sa kanya. “Bullshit!” Padabog syang nilampasan nito. Nasundan nya ito ang tingin. Napailing nalang sya, wala syang pakialam dito. Ano ngayon kung nag- away nga ang dalawa? ------ “Bakit parang galit na galit yon si Hannah na umalis? What happened?” tanong agad ng lolo nya. Naabutan nya ito na nakaupo sa sofa na nasa malaking sala. “Awayan lang bilang magsyota lolo.” Kaswal na sagot ni Gregory. Hanggang ngayon, hindi parin sya makapaniwala na nilayasan sya ng tuluyan ni Hannah. Akala siguro nito na susundan nya ito. Alam nyang mahal sya nito, hindi sya matitiis nito. “Guess, hindi nya nakayanan ang isipin na titira sya dito sa hacienda. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang babae na katulad ni Hannah?” Bahagya na syang nainis sa abuelo, pero itinago lang nya. Alam nyang galit ito sa kanya dahil sa ginawa nyang pagdadala ni Hannah dito, at sa plano nyang e-annul ang kasal nila ni Anicka. Hindi nya alam kung ano ang ipinakain ni Anicka sa abuelo nya at gustong- gusto nito ang babae. “Lolo please, not now!” may halong pakiusap nya. Masyadong masakit ang ulo nya ngayon dahil sa ginawa ng katipan. At ayaw nyang mas pasakitin pa ang kanyang ulo. “All l want to say Gregory, no other woman na kasing tindi magmahal ni Anicka sa hacienda. You marry a nice woman. Kaya nung sinabi mong pakasalan mo sya, hindi ako nagreklamo. Matagal ko nang pangarap na maging tunay na Deo Gracia si Anicka. She loves this place the same way as I do.” Mahabang sabi nito na bahagya nyang ikinapikon. Ayaw nyang pag-usapan ngayon ang kahit ano, lalo na at tungkol kay Anicka at sa hibang nilang kasal. “Lo, please,---------“ “I marry your grandmother dahil naramdaman ko na mahal nya ang hacienda. Hindi ko din sya mahal nung pinakasalan ko sya, pero kinilala ko sya at natutunan ko din syang mahalin kalaunan.” Bumugtong- hininga ito. “I tell you this, para sabihin sayo na maaari mo parin matutunan mahalin si Anicka. She is interesting and a nice woman. Mukha lang syang mahina pero isa sya sa pinakamalakas na babae na nakilala ko.” “Lo, why you telling this?” nahaluan na nya ng inis ang boses. “Wag ka munang magmadali Gregory. Kilalanin mo muna si Anicka kahit isang buwan lang, saka ka magdesisyon. Ano man ang desisyon mo, hindi kita pipigilan. You are the only successor of hacienda Deo Gracia. Tuluyan ko na itong ipamana sayo. Nasa sayo na kung ano ang maging plano mo.” Huling sinabi nito saka ito tumayo, at humakbang ito palabas ng mansion. Nasundan nya ito tingin. At isang plano ang nabuo sa kanyang isip. Okay Lolo, I will follow what you say. At sisiguraduhin ko na pagsisihan ng Anicka mo kung bakit pa nya ako pinakasalan. Pagkatapos ng isang buwan, I will make sure she will be in hell. Dahil ang isang katulad nyang basura ay hindi nababagay sa katulad ko. I will make her leave this place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD