TL 6

1243 Words
Kausap ngayon ni Gregory ang kasintahan na si Hannah sa kanyang cellphone. "Kailan mo ba ako planong sundan dito Greg?"galit na tanong nito. "Just give me one month. And everything will be fine." sagot nya sa kasintahan. "What do you mean by that?" Halata ang kalituhan sa boses nito. May sinabi sya dito dahilan para mapatawa ito. "You're a bad boy Gregory Deo Gracia. So, after that one month, sigurado kana ba na tuluyan ng ipamana ng Lolo mo sayo ang hacienda?" Paniniguro ng nasa kabilang linya. "That was he said. Pagbibigyan ko lang sya ng isang buwan na pakisamahan ang ampon nya. Without knowing that what he asked for me could be the downfall of his favorite Anicka." Nakangisi nyang sambit habang nakatingin ngayon sa babaeng walang tigil sa pagtulong sa mga tauhan ng hacienda. Mabait at maayos ang pakikisama nya ngayon dito, hindi dahil sa kahilingan ng kanyang lolo kundi dahil sa plano nya para dito. Siguraduhin nyang pagsisisihan nito kung bakit nakasamuha pa nito ang isang tulad nya. A trash like her should be disposed properly para hindi na makahawa pa ang dumi nito. ------ (Anicka) Isang linggo na ang nakakalipas mula nang umalis si Hannah sa hacienda. Buong akala ko na aalis din si Gregory para sundan ang kanyang kasintahan pero nanatili sya sa hacienda. At sinubukan nyang makipaglapit sa akin. Nung una, hindi ko pa alam kung paano sya pakisamahan pero kalaunan, mas pinili kong pakisamahan ang aking asawa na para lamang isang kaibigan. Tulad ng hiling nya sa akin, tinuruan ko sya sa mga gawain sa hacienda. Kailangan din naman nyang matutunan ang mga pasikot- sikot dito dahil sya lang naman ang nag- iisang tagapagmana ng hacienda Deo Gracia. Sa bawat araw na magkasama kaming dalawa, unting- unti ko din naman nakikita ang mga magandang katangian ni Gregory na katulad kay Don Eduardo. Habang tinititigan ko nga sya, parang nakikita ko sa kanya ang hitsura ni Don Eduardo kung magka- edad lang silang dalawa. Malaki ang hawig nya sa kanyang abuelo. Galing kami ni Gregory sa tubuhan. Nakasakay kami sa kanyang kotse habang binabaybay namin ang daan pauwi sa mansyon Deo Gracia. “Hindi pala nakakabored ang trahabo sa tubuhan, nakakapagod lang.” ani nya na nasa pagmamaneho ang pokus. “Oo. Madalas akong tumutulong ni tatay noon sa pangunguha ng tubo. Masarap ang tubo natin dito, matatamis, kaya marami ang umaangkat.” napakwento ako sa kanya. “Pansin ko nga! Bising- bisi kasi ang mga tauhan natin. Pati na ikaw kanina. Hindi kaba napapagod?” sandali syang napalingon sa akin. “Hindi nman! Nakasanayan ko na ‘to.” Sumamdal ako sa sandalan ng upuan. Medyo sumasakit kasi ang aking likod. Dahil ito sa walang tigil na gawain sa hacienda at kailangan ang tulong ko. Hindi pa kasi masyadong sanay si Gregory sa mga pasikot- sikot sa trabaho ng hacienda. “Masakit ba ang likod mo?” tanong nya sa akin. Itinigil nya ang kotse saka sya napatingin sa akin. “Mawawala din ito mamaya.” Matipid na sagot ko sa kanya. Naipikit ko ang aking mga mata. Medyo inaantok narin kasi ako. “Gusto mo mamasahiin kita?” Tanong nya dahilan para maibuka ko muli ang aking mga mata. “A—Ano---“kinalma ko ang nagwawala kong puso. Bahagya na kasi nya akong pinasadahan.“Wag nah! Okay lang talaga ako.” Gusto ko sanang umayos ng upo pero nakadukwang syang sa akin, at medyo malapit ang kanyang mukha sa aking mukha. “Are you sure? Magaling akong magmasahe.” Namilyo ang kanyang ngiti. Lihim akong napalunok. Mas lalo syang naging guapo dahil sa pilyong nyang ngiti. “Oo. Pwedeng umalis kana. Uupo ako ng maayos.” Hindi ko na napigilan sambitin. Buti nalang, ginawa din nya ang sinabi ko. Pangiti- ngiti sya habang muling nagmaneho. “Are you afraid of me, Anicka?” Napaurong ako sa kanyang tanong. Hindi ko kasi ito napaghandaan. Hindi naman ako takot sayo Gregory, hindi ko lang kayang kalmahin ang sobrang pagwawala ng puso ko pag sobra mong inilapit ang sarili mo sa akin. Ang awkward ng sitwasyon natin. Piping sabi ng aking isip. “Hindi ako takot sayo, Gregory.” Kaswal na sagot ko sa kanya. Itinuon ko ang aking paningin sa harapan bintana ng kotse. “So naiilang ka sa akin?” “Hindi mo naman siguro ako masisisi, diba?!” mas pinili ko ang magpakatotoo sa kanya. Naramdaman ko ang paglanghap nya ng hangin. “Oo nga naman! Ang awkward nga naman ng sitwasyon natin. But---“ he paused. “—were going to work of this, Anicka. Sa sitwasyong natin ngayon, wala na tayong ibang kailangan gawin kundi ang makisabay.” Hindi ko alam ang nais nyang ipakahulugan. Nais ba nya na ayusin ang aming pagsasama dahil pareho naman kaming walang pagpipilian? Pero, paano ang girlfriend nyang si Hannah? Pinili ba nya ako kaysa kay Hannah? ---- Ilang araw pa ang lumipas...... “Your lolo will be glad to know this.” Nakangiting sabi ko kay Gregory. Nasa study room kami, kasalukuyan kaming nag-uusap sa kung ano pa ang plano nyang gawin sa malawak na lupain ng Deo Gracia. “Sa tingin ko kasi, maganda ang isang chateau. Para maging attraction naman itong probinsya natin.”nakangiti nyang sambit. Magkaharap kaming naupo sa sofa. “Sa tingin mo ba talaga, magugustuhan ni lolo ang plano ko?” “Bakit hindi? Maganda ang plano mo Gregory, konkreto at para sa ikakabuti at ikauunlad ng hacienda.” Hindi ko maialis ang aking mga mata sa blueprint na gawa nya. Sa pagkakaalam ko, isang Civil Engineer ang aking asawa. Ito talaga ang pangarap nya. Tinupad nya ang pangarap nyang maging engineer muna, kaya sya umalis noon. “Kaya lang, baka hindi magustuhan ni lolo. Baka isipin pa nya na sinira ko na naman ang pamana ng angkan namin. Minsan, ayaw pa naman nya sa mga renovation at modern development.” Napareckline sya. Tama naman si Gregory sa bagay na to. Pero, sigurado naman ako na makikinig si Don Eduardo sa kanyang apo. “Dapat mong ipaliwanag sa kanya ang plano mo. I know maintindihan karin nya.” ani ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti sya. “You know what, I wanted to treat you.” Aniya kalaunan. “Treat me? Ano naman?” pangiti- ngiti kong tanong. Umayos sya sa kanyang pagkakaupo. Saka kinuha nya ang blueprint na hawak- hawak ko. Bahagya akong napapitlag nang ikinulong ng dalawang palad nya ang aking dalawang kamay. Agad akong nakadama ng paggapang ng kuryente sa loob ng aking katawan. Ang laki ng kanyang mga palad. Kaya lang ikinulong nito ang maliliit kong kamay. Natural lamang iyon, malaking tao naman kasi sya. Hanggang kilikili nga lang nya ako. At ang ganda pa ng kanyang pangangatawan. Dahil siguro ito sa madalas na pag-gi-gym, may sarili gym itong mansion. At saka natural na talaga sa kanyang angkan ang malaking bulas at magandang lahi. “How about pupunta tayo sa isang beach resort this weekend?” may lambing ang kanyang boses. Beach resort? Iniimbita nya ako na pumunta sa isang beach? Halos hindi ako makapaniwala sa aking narinig. “Are you sure?” paniniguro ko. “Oo.” Nakangiting sagot nya. “Magrelaks muna tayo. Masyado yata natin iginugul ang ating sarili sa mga trabaho dito sa hacienda, lalo na ikaw.” "O- okay!" Matipid kong sagot habang nakatago ang aking ngiti. Makakasama ko sya na hindi trabaho ang inaatupag at kami lang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD