TL 7

1238 Words
(Anicka) Just like I expected, Gregory and I stayed in different room. Kahit pa kasi legal kong asawa si Gregory, hindi pa kasi namin ginawa ang bagay na yon na ginawa lamang ng mag- asawa. Mahinang katok sa pinto ng aking kwarto ang dahilan kaya naputol ang sandali kong pagka- idlip. Agad akong lumapit sa pinto para buksan ito. “Hi!” nakangiting si Gregory ang aking napagbuksan. “Tired? Maligo tayo sa dagat!” He is wearing a swimming trunks at aaminin ko, nadidistract ako sa kanyang magandang katawan, kaya iniwas ko ang aking paningin sa kanyang katawan at nagpokus ako sa kanyang mukha. Malapad ang kanyang ngiti sa akin. “Okay.” Sinuklian ko ang ngiti nya. “Hintayin mo lang ako. Magbibihis lang ako sandali." "Maghihintay lang ako sa labas." Isinara ko muli ang pinto. Ilang minuto na akong nakatingin sa tatlong swimwear na dala ko. Wala kasi akong mapili na isuot sa mga ito. Para kasing mabubusuhan ako sa mga dala ko. Ang kaibigan ko na isang bakla ang kasama ko sa pamimili ng mga swimwear. Ngayon ko lang napansin na napaka-revealing pala ng mga dala ko. Sa bandang huli, pinili kong isuot ang isang one piece swimsuit na kulay blue. Hiyang- hiya ako na lumabas mula sa aking kwarto. Hindi kasi nakatakas sa aking paningin ang ginawang paghagod ng tingin ni Gregory sa akin mula ulo hanggang paa. At alam ko kung bakit nya ito ginawa? Siguro, hinahanapan nya ako ng maipintas. Sadyang laitero pa naman sya. Malayong- malayo pa naman ang katawan ko sa katawan ni Hannah. Maliban pa dun, napakatangkad din ni Hannah. “You’re not comfortable.” Ani ni Gregory sa akin. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa dagat. “I- I’m sorry! First time kong nagsuot ng ganito.” Nakayuko kong sambit. Sa tingi ko, pulang- pula ang buo kong katawan. Mahina syang napatawa. "You have a nice body! Bring it with confidence!” Lihim akong napangiti sa kanyang sinabi. “Come here!” aniya na hinawakan ang aking kamay. Ang sarap ng aking pakiramdam ngayon hawak- hawak nya ang aking kamay habang palapit kami sa dagat. “Gusto mong magfloating?” tanong nya. Ilang minuto na ang nakakalipas na nasa dagat na kaming dalawa. "Sorry, hindi ako marunong, ang paglangoy lang ang alam ko." “C’mon, I teach you!” aniya at lumapit sya sa akin. Oh my God! Halos hindi na ako makahinga. Hinawakan kasi nya ang aking baywang, at tinulungan nga nya akong humiga sa tubig. “Relaks Anicka! You’ll be fine." nakangiti nyang sambit. Sunod- sunod ang lihim kong palunok hanggang sa tuluyan na akong naka- float sa tubig “T-Takot ako!” hindi ko mapigilan sambitin. “Nandito lang ako. Isipin mo na nakahiga ka sa ulap.” Malumanay na pagkakasabi nya. Lumanghap muna ako ng hangin. Nirelaks ko ang aking sarili, saka ko ipinikit ang aking mga mata. Iniisip ko na nakahiga ako sa ulap. Ang sarap pala sa pakiramdam, para akong nakalutang. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang nasa harapan ko lahat ng kasiyahan sa mundo. Kasama ko kasi si Gregory. Gregory, ikaw ang langit ko, at ang bawat pagtibok ng puso ko. Alam kong impossible pero sana matutunan mo rin akong mahalin. Bahagya kong ibinuka ang aking mga mata. Nakangiting si Gregory ang sumalubong sa aking paningin. “Nasisilaw ako!” reklamo ko. Nasisilaw talaga ako sa liwanag ng araw. “Sa kaguapuhan ko?" nakatawa nyang tanong. Hindi ako makasagot sa tanong nya. Tila may bumara sa aking lalamunan. Nagfloating din sya at tumabi sya sa akin. Para tuloy kaming magkatabi na nakahiga sa ulap. Ang ganda ng aking pakiramdam. May babaunin na ako na magandang alaala kasama si Gregory. Masayang- masaya din kami na nagtatampisaw sa tubig dagat kalaunan. Para kaming mga bata na nagsasabuyan ng tubig. Ang lakas ng tawanan namin na para bang kami lang dalawa ang tao sa buong paligid. -------- Pagkatapos namin kumain ni Gregory sa isang seafood restaurant nang resort, napagpasyahan namin pareho na magpahinga muna. Patihaya akong nahiga sa malambot na kama. Ipinikit ko ang aking mga mata, sinubukan ko ang makatulog. Pero, ang guapong mukha ni Gregory ang rumihistro laging rumihistro sa aking isip, kaya hindi tuloy ako makatulog. Ang saya- saya ko kanina habang kasama ko ang mahal kong asawa. Sana naman hindi puro pagkukunwari lang ang ipinapakita nyang kasiyahan kanina. Sa halos dalawang linggo na nagkasama kami ni Gregory at sinubukan namin na makilala ang isa't- isa, ngayon masasabi ko na hindi na kami masyadong naiilang sa isa't- isa. Sana maging tuloy- tuloy na ang samahan namin. Minsan hindi ko mapigilan ang maitanong kung kumusta na ang relasyon nito kay Hannah? Wala naman akong galit kay Gregory nung nagdala sya ng babae sa hacienda kahit pa may asawa na sya. Dahil alam ko naman na hindi nya ako mahal, at hindi ko naman ipagpilitan ang aking sarili sa lalaking ayaw sa akin. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Lolo na wag ko munang permahan ang annulment paper namin ni Gregory baka matagal na akong nakaperma. Siguro nagtampo lang ako dahil nabigla lang ako sa pagdadala nya ng babae, at sa pagbibigay nya ng karapatan sa babae nya na insultuhin ako. ------- “Nag-eenjoy kaba?” tanong ni Gregory sa akin. Ito na ang huling gabi naming dalawa dito sa resort, kaya napagpasyahan namin pareho ang maglakad- lakad sandali sa tabing dagat. Maliwanag ang buwan kaya parang brilyante tignan ang dagat. Maganda ang gabi kaya napakaganda rin tignan ng mga bituin. Maraming bituin ngayon gabi. “Oo. Salamat!” nakangiting kong sambit. Huminto kami at parehong nakatingin sa tubig dagat. Hindi masyadong maalon. Iilang nalang ang mga taong nasa dalampasigan. “Ako din.” Aniya. “Nag-eenjoy din ako. Salamat at sinamahan mo ako.” “Ako nga ang dapat magpasalamat sayo dahil isinama mo ako.” Mahina akong napatawa na kalaunan, sinabayan din nya. Medyo komportable na kami sa isa't- isa at nagawa na namin ang magbiruan. Humarap sya sa akin. Nagkatama ang mga paningin naming dalawa. Lakas loob akong nakipagtitigan sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata nang itinaas nya ang isang kamay pahaplos sa isang bahagi ng aking pisngi. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makakilos nang unting- unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Tila ako nahihipotismo sa kanyang mga titig at hindi ko magawang ilayo ang aking sarili mula sa kanya. Sandaling nanlaki ang aking mga mata nang tuluyang tinawid ng kanyang labi ang pagitan ng mga labi naming dalawa. Parang may tulayan ng libong- libo bultahe ng kuryente sa loob ng aking katawan. Ang sarap ng kanyang labi na ngayon ko lang natikman. Kalaunan, I found myself responding his possessive kiss. Kaya mas tumindi ang intensidad ng paghalik nya sa akin. Mas naging mapang-angkin ang kanyang mga labi. He started plunging his tongue inside my mouth at sinalubong naman ng dila ko ang kanyang dila. Sabay kaming napaungol na dalawa. Iniyakap ko ang aking braso sa kanyang leeg, hinapit nya ang aking katawan para mas lalo itong mapalapit sa kanyang katawan. Niyakap nya ang aking baywang. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Halos habol namin pareho ang hininga ng naghiwalay ang mga labi naming dalawa. Nagkatinginan kaming dalawa. "I'm sorry Anicka." aniya, hindi ko napaghandaan ang paghingi nya ng sorry. "Pangako, aayusin ko ang lahat." dagdag nya na nagpakunot sa aking noo, bago nya ako ikinulong sa kanyang mga bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD