TL 8

1615 Words
(Anicka) Masaya kaming nagkukwentuhan ni Anthony, isa syang veterinarian at halos linggong- linggo nyang tsini- check- up ang kalagayan ng mga kabayo sa hacienda. Pareho kaming kumakain ng sapin- sapin na luto nang magaling na tagapagluto ng mga kakanin na tauhan din sa hacienda. Napatigil ako sa pagsubo at napatigil naman sa pagsasalita si Anthony nang may malakas na tikhim kaming narinig. Sabay kaming napatingin sa kung sino ang gumawa nung at si Gregory ang nakita namin. Nakangiting humakbang si Gregory palapit sa amin, pero sabog na sabog naman ang kanyang kilay na parang wala sa mood. "Good morning sweetheart!" Ani ni Gregory, sabay ng mabilis na halik sa aking labi. Naiwan na nakaawang ang aking labi sa kanyang ginawa. Piping nagtatanong ang mga mata ni Anthony nang napatingin ako sa kanya. I inhaled to back my right senses. "Anthony, ito nga pala si Gregory Deo Gracia, ang apo ni Don Eduardo, at sya narin ang mamahala sa hacienda kalaunan." pakilala ko kay Gregory sa kay Anthony. Mainam nang magkakilala silang dalawa dahil sila narin dalawa ang magkakaharap sa mga susunod na buwan, kung tuluyan nang mamahala si Gregory dito sa hacienda. "Anthony Castro, ako ang tagapangalaga sa kalusugan ng mga kabayo dito sa hacienda." pakilala ni Anthony na nakangiti pa. "Gregory Deo Gracia, Anicka's husband." Ani ni Gregory sabay akbay sa akin. Mulagat akong napatingin sa kanya. Hindi ko lubos akalain na ipakilala nya ang kanyang sarili bilang asawa ko. Sinadya kong wag banggitin na asawa ko sya dahil hindi ko naman alam kung kailangan ko ba yon ipagmalaki, gayun may Hannah ang aking asawa sa kanyang buhay. Isang taon palang dito sa hacienda si Anthony, kaya wala syang kaalam- alam sa tungkol sa amin ni Gregory. Ang alam lang nya na may asawa ako, pero hindi nya alam sa kung sino ang aking asawa. Nagpaalam din kaming agad ni Anthony sa isa't- isa. Kailangan na din nyang pumunta sa kanyang clinic. "Why you wouldn't tell that man that I am your husband?" tanong agad ni Gregory sa akin nang nakaalis na si Anthony. "Do you think it's necessary Greg, mas madaming makakaalam na asawa kita, mas lalo lang akong mapahiya pag hinihiwalayan mo na ako para pakasalan si Hannah." naisambit ko. Hindi ko napaghandaan ang salitang aking nabitawan, pero pinilit ko parin ngumiti sa napaurong na sya. Nagpasiuna na ako sa paghakbang sa kanya. Sumunod sya sa akin, hanggang sa nagpasiuna sya at hinarangan nya ako. "What?" kunot- noo kong tanong. "I'll be going to Manila next week, pero babalik ako dito. Hintayin mo ako at may aayusin lang ako doon. May mga ilang bagay din akong aakasuhin dun." aniya. "Hindi naman ako aalis Gregory, nandito lang naman ako lagi sa hacienda." mahina akong napatawa, pero seryoso naman ako sa aking sinabi. "Pangako Anicka, babalik ako. Babalikan kita." Napaawang ang aking labi. Tila may bumara sa aking lalamunan dahil sa katagan na kanyang binitawan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nyang sabihin ang salitang binigkas nya ngayon. "H-Hihintayin kita." Ngumiti sya sa aking sinabi. Buong araw na naman kaming magkasama ni Gregory na tulad ng laging nangyayari mula nang tinuruan ko sya sa mga gawain dito sa hacienda. Kinahapunan, bitbit ang isang picnic mat at basket na may nakapaloob na mga pagkain, inimbita ako ni Gregory na mamasyal sa medyo bukirin na bahagi na ng hacienda kung saan makikita ang buong kagandahan ng hacienda Deo Gracia. Sakay ng kanyang- kanya mga kabayo, narating namin ang lugar. "This place is breathtaking beautiful Anicka. Naalala ko, the last time that I was here nung pa yatang 15 years old ako. Naalala mo, kasama ka din namin ni Lolo nung." bulalas nya. Napangiti ako. Paano ko naman makakalimutan ang araw na yon? Yon ang unang araw na nakita ko si Gregory sa personal. Sampung taon ako nung nang dinala ako ni Don Eduardo sa mansyon, at mula nang nakita ko ang malaking kwadro na may larawan ni Gregory, ay lihim ko na syang hinahangaan. Hanggang sa isang buwan ang nakakalipas, bumisita sya sa Lolo nya. Bawat punta nya sa hacienda, hindi nya ako pinapansin o kinakausap man lamang, baka ni sulyap, hindi nya ginawa sa akin. Kaya laking gulat ko nung, hiniling nya kay Lolo na pakasalan ako, I was 18 at the time. Isang napakaengrande ang kasal namin, pero ni hawak ay hindi man lamang nya ginawa sa akin nung ikinasal kami. At pagkatapos mismo ng seremonya sa kasal namin, iniwan nya ako at ni minsan, hindi man lamang nya ako tinatawagan o kinukumusta. Hanggang sa bumalik nga sya at kasama na nya si Hannah. Tumabi sya sa pagkakaupo sa akin dito sa picnic mat. Namayani sa aming dalawa ang katahimikan. Saka sya napalingon sa akin, nagkatama ang mga paningin namin kasi sa kanyang ako nakatingin. Nag- init ang aking pisngi sa pagkapahiya. "Ang tagal na pala natin magkakilala Anicka. Ilang taon na ba?" napatanong sya. "13 years." matipid kong sagot. "Really?" namilog ang kanyang mga mata na sambit. "At sa mga panahon lang na 'to tayo nagkasama at nagkausap na ganito." Hindi mo kasi ako pinapansin. Ni sulyap ay hindi mo ginawa sa akin. "Mahiyain kasi ako." bagkus sambit ko. Hindi sya sumagot, napatitig lang sya sa akin. "You're beautiful Anicka." sambit nya na titig na titig sa akin. "How did I forget that I have a wife that is so beautiful as you?" Lihim akong napalunok sa kanyang tanong. Hindi ko napaghandaan ang kanyang binigkas. "You didn't just forget Gregory, you just don't care." bulalas ko. Naramdaman ko ang paninigas nya, kaya tumawa ako para maibsan ang tension na nasa pagitan namin. Napatigil din ako sa aking pagtawa nang nakita na seryosong- seryoso ang kanyang mukha. Titig na titig parin sya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang makadama ng nerbiyos. "I'm sorry!" sambit nya sa seryosong- seryoso mukha. Pinilit kong ngumiti. Ako ang klasi ng tao na hindi nagtatanim ng galit sa aking puso. "It's okay." Ani ko. "Naintindihan kita. Alam ko naman na hindi mo ako mahal. At saka nagkaroon din naman ako ng magandang buhay dahil sa naging asawa mo ako." Totoo naman nito, ang maging legal na bahagi ng Deo Gracia, ay naging dahilan kaya halos nirespeto ako ng nakakarami dito sa San Ignatius. Lumipat sya ng upo sa aking harapan, kaya napaisod ako. "But not until now Anicka." titig parin sya sa akin, ang kanyang mga mata ay parang may gustong sabihin sa akin. Hinawakan nya ang aking kamay at itinapat nya ito sa kanyang puso. "I think I have fallin' inlove with you, Anicka." Aniya na nagpalaki ng aking mga mata. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso, na para na akong mabibingi nito. Anong sabi nya? Tama ba ang rinig ko? Totoo ba ang kanyang sinabi o niloloko lang nya ako? Pero ano man mga katanungan ko ay nabura nalang nang agad nyang inangkin ang aking labi. Gusto ko syang itulak pero wala akong lakas para gawin ang bagay na yon. Tila ako nanghihina sa kanya matamis na labi. Malumanay ang kanyang paghalik sa akin, pero naging mapusok din ito nang hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumugon ako sa kanyang halik. Para akong nalulunod sa kanyang halik at ayaw kong umahon. Masarap ang malunod sa kanyang halik at magpapakulong sa kanyang bisig. Maya't maya lang naramdaman ko ang paglapat ng aking likod sa matigas na lupa na natatabunan lang ng isang beach mat. Dinaganan nya ako, habang patuloy parin ang paghahalikan naming dalawa. Ibinaba nya ang kanyang halik hanggang sa aking leeg pababa sa humpungan ng aking dibdib. Pumisil- pisil narin ang kanyang kamay sa aking dibdib na natatabunan parin sa suot kong blouse at panloob. Naramdaman ko ang paninigas ng aking u***g. Hinubad nya ang kanyang suot na T- shirt. Napalunok ako habang nakatingin sa kanyang katawan. Ngumiti muna sya sa akin bago nya siniil muli ng halik ang aking labi. Na agad ko din naman tinugunan. Naramdaman ko ang kanyang kamay na humaplos sa aking hita pataas sa aking dibdib, at pinisil- pisil nya muli ito. Gumapang pababa ang kanyang kamay hanggang sa aking baywang, habang patuloy parin ang paghahalikan naming dalawa. Tama ba itong ginawa namin? Tama ba ang magpaubaya ako kay Gregory? Asawa ko naman sya at sinabi naman nya na mahal nya ako, pero bakit parang may mali? Bakit parang wala parin kasiguraduhan ang lahat kung alam kong may Hannah parin sa kanyang buhay. Napaka- impossible naman na natutunan nya akong mahalin sa loob lamang ng ilang linggo. At nakalimutan na nya si Hannah, gayun mahal na mahal nya ito. Gumapang ang kamay ni Gregory papasok sa loob ng aking suot na jeans, pero bago pa nyang tuluyan naipasok ang kanyang kamay, nagawa ko syang itulak. Mahal ko sya pero hindi ako dapat magpadala sa bugso ng aking damdamin. Totoo man nya akong mahal pero kailangan mo na nyang tapusin ang tungkol sa kanila ni Hannah. Napatigil sya at piping nagtatanong ang kanyang mga mata. Rumihistro ang frustration sa kanyang mga mata. "I'm sorry but I think, this isn't right, Gregory." Ani ko, at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagbangon at tumayo ako. "I'm sorry!" Humakbang ako para iwanan sya. Hindi naman ako galit sa kanya. Sa aking sarili ako galit kasi muntikan na akong nagpadala sa kanya. "Anicka!" tawag nya sa aking pangalan. "I'm sorry Gregory." Ani ko nang nilingon ko sya. "Hangga't may Hannah pa sa buhay mo, hindi tamang gawin natin ang bagay na yon kahit asawa pa kita. I will signed the annulment paper kung papermahin mo ako dahil hindi ko naman ipagpipilitan ang aking sarili sa isang tao. Pero, mananatili akong dalisay para sa lalaking buong puso akong mamahalin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD