KABANATA 7 — MGA ANINONG NAGSISIMULA

896 Words
Matuling lumipas ang buong magdamag, at gaya ng palaging eksena sa mansyon ng mga Veracruz ay halos sabay sabay na gumigising ang mga kasambahay,tila ba nasanay na sila sa ganoong routine,kanya kanyang gawain ayon sa tagubilin ng kanilang head servant. Samantala ay abala na si Jessica sa pag-aayos ng mga kurtina sa main living area. Nakamasid si Liza sa kaniya, parang may gustong sabihin pero nag-aalangan. “Liza, may kailangan ka ba?” tanong ni Jessica, hindi inaalis ang tingin sa pinupunasan. toæ “Wala naman…” sagot ni Liza, sabay iling. “Pero Jess… ‘yung kagabi, nakita kong… tinulungan ka ni Sir Jayden sa laundry room. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ipagsasabi. Pero mag-ingat ka, ha?” Napalingon si Jessica. May bahagyang takot at kaba sa mga mata niya. “Wala naman ‘yon, Liza. Nadulas lang kasi ako, kaya—” “Hindi mo kailangang magpaliwanag sa ‘kin,” sabat ni Liza. “Pero kilala mo si Ma’am Veronica. May mga bagay na hindi niya pinapalampas kahit maliit lang.” Tahimik. Bumigat ang hangin sa pagitan nila. At sa sandaling iyon, dumating si Ma’am Veronica mula sa hagdanan—elegante, nakaayos, may dalang folder at cellphone. Matalim ang tingin pero pormal ang bawat galaw. “Jessica,” malamig nitong wika, “pakitimpla nga ako ng kape sa study. May tawag akong aasikasuhin.” “Opo, Ma’am,” magalang na tugon ni Jessica. Ngunit bago ito tuluyang tumalikod, saglit siyang tiningnan ni Veronica mula ulo hanggang paa—para bang sinusukat, tinitimbang kung hanggang saan aabot ang isang tulad niya sa bahay na iyon. Hindi kailangang magsalita ni Veronica; sapat na ang titig para iparamdam na may hangganang hindi dapat tawirin. “ Ma'am Veronica eto na po ang kape ninyo” magalang na sabi ni Jessica, iminuwestra lang ni Veronica na ilapag niya ito sa may mesa ni hindi manlang niya tinapunan ng tingin si Jessica,naging ugali narin nitong hindi magpasalamat sa mga maid. Nang makaalis sa harapan niya si Jessica ay saka niya tinikman ang kape,ito ang pangalawang pagkakataon na dinulutan siya nito ng black coffee at hindi niya maitatanggi na nasasarapan siya sa timplida ng kape. “ Pambihira, kuha niya talaga ang panlasa ko” bulong nito sa sarili. --- Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba si Jayden mula sa silid. Naka-puting polo, bahagyang nakabukas ang unang butones, mukhang bagong ligo. Nakita niya si Jessica sa kusina, abala sa pag-aayos ng tray. “Morning,” mahinang bati ni Jayden. Napapitlag si Jessica. “Sir Jayden… good morning po.” “Late na akong nagising,” aniya habang inaabot ang isang baso ng tubig. “Si Mama, umalis na?” “Sa study po. May tawag daw po sa business partner niya.” Tumango si Jayden. “Good. Then maybe we can have breakfast together sa veranda.” “Sir, baka—” “Jessica,” putol nito, may ngiti sa labi. “Hindi ako humihingi ng permiso. Nag-aanyaya ako.” Hindi na nakasagot si Jessica. Sa veranda, naupo sila sa isang sulok na tanaw ang hardin—puno ng rosas at mamahaling halaman. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at mahinang tunog ng mga tasa ang maririnig. Minsan silang nagkasabay ng tingin, at sa isang iglap, bumalik ang alaalang pilit nilang nililimot—ang gabing nagtagpo ang mga labi nila sa dilim ng laundry room. “Sir…” mahina niyang sambit. “Baka po—” “Baka marinig tayo?” tanong ni Jayden, bahagyang nakangiti. “Hindi mo naman kailangang matakot sa isang bagay na totoo.” “Totoo?” “Oo. Kasi kahit anong iwas natin, Jessica, hindi natin kayang itago kung anong nararamdaman.” Ngunit bago pa niya masagot, bumukas ang pinto ng study. Lumabas si Veronica, hawak ang cellphone, kausap pa sa Ingles ang isang kasosyo. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Jayden—mula sa lalaking marahan at malambing, biglang naging pormal at malamig. Umayos ng upo si Jessica at agad tinago ang tingin. “Jayden,” tawag ni Veronica. “Nakausap ko na ang mga kapatid mo. Lilipad sila mula London next week. I want you to prepare the guest rooms.” Tumango si Jayden. “Yes, Ma.” At bago ito umalis, sumulyap si Veronica kay Jessica. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya—hindi dahil masaya siya, kundi dahil may napansin siyang kakaiba. Parang kutob na may nagaganap na hindi niya pa lubos nauunawaan. -- Kinagabihan, habang inaayos ni Jessica ang mga linen sa hallway, dumaan si Jayden. Tahimik silang nagkasalubong ng tingin—mabilis, ngunit puno ng emosyon. Isang segundo lang, pero sapat para maramdaman ang t***k ng pusong pareho nilang pinipigilan. “Sir Jayden…” mahina niyang sabi. “Jessica…” Nagtagal ang kanilang mga mata. At bago siya makaalis, marahan siyang hinawakan nito sa kamay—saglit lang, ngunit sapat para ipaalala na sa gitna ng katahimikan, may apoy na patuloy na naglalagablab. --- At sa kabilang bahagi ng mansyon, si Veronica ay tahimik na nakaupo sa kanyang silid, hawak ang isang baso ng alak. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin—at sa kanyang mga mata, may halong galit at pagtataka. Hindi pa niya alam kung bakit, pero sa bawat ngiti ni Jessica, parang may bahagyang kirot sa kanyang dibdib. At iyon ang simula ng mga aninong magpapadilim sa tahanang minsang puno ng pagmamahal at karangyaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD