Ang buong mansyon ng mga Veracruz ay kumikislap sa mga ilaw nang gabing iyon. Ang marmol na sahig ay kasing kinis ng yelo, at bawat hakbang ay may tunog ng kapangyarihan. Sa gitna ng bulwagan, may mga vases na punô ng imported orchids—ang paborito ni Ma’am Veronica, tanda ng kanyang pagnanais ng perpektong imahe. Dumating sina Amber at Rafael, suot ang mga mamahaling damit na tila hinabi ng sariling kayamanan. Ang kanilang mga ngiti ay maganda, ngunit may halong yabang—parang sanay na silang sambahin sa mundo. “Mom,” bati ni Amber, sabay halik sa pisngi ni Veronica. “Finally, we’re home.” “Welcome back, darling,” sagot ni Veronica, malamig pero mapanuring nakangiti. “You both look… successful.” “Of course,” sabat ni Rafael, habang tinitingnan ang paligid. “Nothing much has changed here

