Ang buong compound ng mansyon ay kumikislap sa liwanag ng umaga, handa na sa isang party na tila sa pelikula lang madalas makita. Ang mga bisita—mga anak at apo ng mayayamang pamilya—ay dahan-dahang pumapasok, suot ang kanilang pinakamagagarang damit, may mga baso ng champagne sa kamay at mga ngiti na may halong kumpiyansa at pagmamataas. Si Jessica, suot ang kanyang simpleng uniporme, ay abala sa pag-aayos ng mga prutas at inumin sa buffet table, kasama si Liza at ng iba pang helper ng bahay at mga crew ng isang kilalang catering services. Habang hinihiwa ni Jessica ang mansanas, marahang nasugatan ang daliri niya sa gilid at gaya ng nakaugalian nito sa probinsiya ay naisubo niya ang kanyang daliri para maampat ang dugo, napatingin kay Liza, at napansin ang bahagyang kaba sa mata nito ng

