Isang linggo pagkatapos ng “great return.” Veracruz mansion, 7:00 PM. Walang formal dinner. Walang long table. Sa halip… may string lights sa buong hardin, white curtains na nakasabit sa mga puno, at isang mahabang wooden table na puno ng mga kandila at bulaklak na star-gazer lilies — paborito ni Jessica. Lahat ng katulong, kasama si Liza at Teresa, naka-off duty pero naka-best dress. Si Rafael, naka-white linen shirt, nakangiti sa gilid habang nag-aayos ng playlist. Si Veronica, naka-simple beige dress, hindi na matapobre ang aura — may ngiti na hindi peke. At sa gitna ng lahat… si Jessica, suot ang off-shoulder white lace dress na hanggang tuhod, buhok nakabraid sa gilid, walang sapatos — paa lang sa damuhan. Parang diyosa ng hardin. Si Jayden, naka-black suit pero walang tie,

