Basang-basa pa rin sila nang makasakay sa loob ng SUV. Walang nagsasalita sa unang limang minuto. Ang tunog lang ng wiper at t***k ng puso nila ang naririnig. Si Jayden ang unang bumasag ng katahimikan. “Jessica… may kailangan kang makita.” Hinugot niya mula sa bulsa ng polo ang maliit na susi na ibinigay niya kagabi. Inabot sa kanya. “Ito ang susi sa safety deposit box ko sa BDO Ortigas. Box number 1437. Sa loob nun… lahat ng ebidensya na kailangan mo para patumbahin si Chloe.” Tiningnan ni Jessica ang susi. Maliit lang, pero parang may sariling t***k. “Paano mo nalaman lahat ng plano niya?” Jayden took a deep breath. “Two years ago, nagsimula na si Chloe. Nung una akala ko business lang talaga. Pero nung nalaman niyang may… may nangyari sa atin, ginawa niya akong personal project

