Lauren's POV "Mama." Isa-isang tumulo ang luha ko. Ngayon ko naramdaman ang lahat ng pangungulila ko. Nakakalimutan ko ang kalungkutan ko dahil kay Austin, but now naramdaman ko ang lahat. Dahil sa wakas, nandito na ulit si Mama. "Anak," she murmured. Mabilis akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya nang mahigpit. I'm like a lost puppy that found her home after a long time. I cried like a child on Mama's shoulder. Lahat ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang buwan ay naalala ko at lalong yumakap kay Mama na parang nagsusumbong sa kan'ya. "Shhh... stop crying, Lauren." Her soft voice filled my ears again. I didn't listen to her. Hinayaan ko lang ang sarili na umiyak nang umiyak habang nasa bisig niya. I missed my mother so much. Hindi ko pa man nalalaman ang existence ng mga bampira, lagi

