Lauren's POV "I miss you, wife. I hope for the minutes to run faster." Napangiti ako nang makita ang nakabusangot niyang mukha. Halatang iritado siya. "Loko, ilang oras na lang din naman, ah! Learn to wait hubby." Nginitian ko siya nang matamis pero bumusangot lang siya. Mukhang tinotopak nga talaga ang mahal kong hari... mahal na hari. "I have waited enough, baby," bulong niya. "Don't worry, sandali na lang naman magkikita na ulit tayo," pag-aalo ko sa kan'ya. "Fine... fine. Tsk, I'm excited for later, wife," malambing niyang saad. Napangiti ako saka tumango. "Ako rin naman, eh, I'm excited," bulong ko. Ngumuso siya at halatang nagpipigil ng ngiti. He's really cute. "Queen..." Napabalikwas ako nang maramdaman ang marahang pag-alog sa akin. Tss, natapos na tuloy ang pag-uusap n

