Lauren's POV Sa pagmulat ng mata ko ay sumalubong sa akin ang madilim na paligid. Suminghap ako ng hangin at akmang gagalaw nang maramdaman na nakatali ang katawan ko sa puno. Pinilit kong aninagin ang paligid at sa tulong ng sinag na nanggagaling sa buwan ay nalaman kong nasa gubat ako. Damn, gubat na naman. I already have a bad impression on forest. Last time na napunta ako sa gubat is a disaster. Dahil iyon kay Clark. Unti-unti akong natigilan sa paglinga nang maalala ang huling oras na may malay pa ako kanina. Si Clark! I thought it's Austin base na rin sa presensiya niya. Hindi ko alam pero hindi pa ako nagkamali ng pagkilala sa presence ng asawa ko. Kahit nakatalikod pa ako alam kong siya iyon but how come it's Clark? Kaya rin ba wala akong naramdamang parang paghila kanina na la

