Lauren's POV "Hey, ayos ka lang ba?" Napatuwid ako sa pagkakaupo nang biglang may magsalita. Binalingan ko siya at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Roco. May naalala ako nang makita ang pagbalandra ng dimple niya. I sighed and looked away. Umupo siya sa tapat ko at nangalumbaba. Ramdam ko ang titig niya na tila pinagmamasdan ang aking mukha. "Why do you look so bothered?" he asked. I sighed once again and looked at him. Napaisip ako habang tinitignan siya. I think it won't hurt if I share something that made my mind in trouble these past few days. I let out a sigh and put my hand on the top of the table. "Pwede bang magtanong?" saad ko. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Uh-oh. Don't tell me you'll ask, 'Can I court you cutie handsome Roco'?" saad niya at pilit na pinaliit ang

