Lauren's POV Mabigat ang pakiramdam ko sa pagmulat ng aking mata. Nasapo ko ang ulo nang maramdaman ang munting kirot do'n. Akala ko ba walang nararamdamang ganitong klase na sakit ang isang bamipira? Headache? Ugh, it hurts. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Handa na ang bathtub nang marating ko ang kwarto. Kinalas ko ang tali ng bathrobe at hinayaang dumulas ito sa aking katawan at bumagsak sa sahig. Dahan-dahan akong tumungtong sa tub at tuluyang inilubog ang sarili doon. I closed my eyes and thoughts started to enter my mind. Normal sa isang tao ang magkaroon ng panaginip. Ngunit simula ng maging bampira ako ay nagiging makabuluhan na ang mga napapanaginipan ko. Bawat detalye yata ay may gustong ipahatid. Hindi ko man alam kung ano, but I can feel that every one of it, warns me. At

