Chapter 6: 404

1320 Words
"Welcome to Hell, 404!" bungad ni Professor Radike sa kanya nang imulat niya ang mga mata. Naka-lab coat ang matanda at nakangiti sa kaniya habang may kagat na pipa. Kasalukuyang nakahiga si 404 sa isang naka-slanting na gurney sa isang sulok ng laboratory. Inilahad niya sa kanyang harapan at pinagmasdan ang dalawang kamay at ginalaw-galaw ang mga daliri. "Motor control's looking good, eh?" Muling napasulyap si 404 sa matanda. Marahan siyang bumangon at tumayo. "Maraming salamat sa pagkakalikha sa akin, Professor Radike," mga unang katagang lumabas sa bibig ni 404 habang humahakbang palapit rito. "Dapat lang!" sigaw ng matanda na kinagulat ni 404. "Ako ang lumikha sa iyo. Karapat-dapat lang na pasalamatan mo ako sa bawat segundo ng iyong buhay." Napangisi ito sabay muling lagay ng pipe sa bibig. "Masusunod, Professor Radike." "Wala kang ibang susundin maliban sa akin, 404. Ako lamang, maliwanag ba?" "Maliwanag, Professor," sagot ni 404. Napasulyap siya sa full-length mirror na nasa likod ng matanda at nakita ang isang kalbong n***o na nakasuot ng camouflage short at puting sando. Kapansin-pansin ang mga guhit at marka sa "balat" ng "maskulado" niyang katawan. "You're a beautiful creature, isn't it?" tanong ng matanda nang makita si 404 na matamang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Napahawak ito sa mahabang balbas habang matamang pinagmamasdan ang mukha ng robot. "Yes, Professor. I'm like a homo sapien. A human being. A boy." "And that's the point, 404. No one will suspect that you're a metallic monster disguising as a young boy. And that's one of your great assets, 404." "You're right, Professor. No one would suspect a thing." "But you're not a boy, 404. You're a robo sapien. A deadly killing machine. Don't you ever forget about that," paalala ni Professor Radike. "You exist only to protect and serve me. You will obey and worship me. Understood?" "Yes, Professor. I will always remember." Tinuro ng matanda ang mga robot na nakatigil at nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan. "Nakikita mo sila, 404? Sagutin mo ako!" "Oo, Professor. Nakikita ko sila." "Mga lesser robot sila hindi katulad mo. Meron kang isang nabubukod-tanging bagay na wala sa kanila, alam mo ba kung ano ito?" Tumango si 404. "Mahusay," nakangiting puri ng matanda. "Matalino kang robot, 404. Pero iba ang talino mo. Iba ka sa mga laruang 'yan. They're trashes compared to you." Natigilan si 404 sa narinig. Tila nagulumihanan siya nang tawagin nitong mga basura ang kanyang mga kauri. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay konektado siya sa mga ito na para bang matagal na niyang kilala ang mga ito. It seems like a "wireless bond". "Meron kang free will na wala sa kanila. They're just moving because of their rudimentary sensors and softwares telling them what to think, not how to think. In a sense, they are thinking but not really thinking. They're just bunch of philosophical zombies, so to speak. And they're brainless unlike you. You have brain, literally. You're one of my greatest invention yet 404. I created you to obey me. To worship me as your Creator. As your one and only god." Tumingin si 404 sa matanda nang may pagtatanong. "Matatal ko ng pinangarap na maging diyos. Now I am god. Your god!" "M- Masusunod, Prof." "You know why I gave you a fully thinking artificial brain, 404?" Umiling ang robot. "Want to know why?" Tumango ang robot. "Very well," sabi ng matanda. "I bestowed you free will because I want to be worshipped and obeyed out of free will. I'm so sick and tired of these robots na sumusunod lang sa mga pinag-uutos ko because they're just bunch of mindless robots to begin with. They don't really know what they're doing. Hell, they don't even know that they exist. Where's the fun on that, right?" Nanatili lamang na nakatingin si 404 sa matanda. Inaarok ng kanyang isipan ang mga naririnig. Unti-unti na niyang naiintindihan ang mga sinasabi nito. "And that's why I created you, 404. Because you can worship me the way I want to be worshipped. Out of respect, loyalty and free will. And you possess all of that. You are not a mindless robot. Right now, I know you are already contemplating your own existence. You wonder why you exist. Why you're here. What's your purpose. What's the meaning of your existence. "You can worship me and serve me as long as I live. You will die for me. You will live for me. You will not let anything bad comes my way. You are 404!" "Yes, Prof. I am 404." "And you will die protecting me!" "Yes, I will, Prof." "And you will not disobey me, 404. You better not. I am a god. A jealous god. And I am stern and vengeful, too. I don't wanna see you worshipping any other gods. I am your only god. Do you understand me?!" "I understand, Prof." "You understand but I know that you don't fully understand, 404," seryosong sabi ni Professor Radike. Ngumiti ito. "But I'll make you fully understand. I'm god, remember? I can do anything." Takang nakamasid lang si 404 habang lumalapit ang matanda sa mga "lesser" robot sa isang sulok. "Mga robots, inuutusan ko kayong magtungo sa lobby. Now! Do as I say!" sigaw nito sa makapangyarihang tinig. Agad na gumalaw ang mga robot at nagsimulang maglakad, gumulong at lumutang patungo sa sinasabi ng matanda. Lahat ay sumunod maliban sa isang robot na kawangis ni BB-8 ng Star Wars. Nanatili lamang ito sa kinaroroonan at tila may kumikislap sa loob nito na parang nanggagaling sa nag-short na circuits. "Move!" sigaw ng Professor dito. Bahagyang gumalaw ang katawan ng robot subalit tila may pumipigil dito. "Something's wrong with that one, Prof," maingat na puna ni 404 habang nakatitig sa robot. Gamit ang x-ray vision ay nakita niya ang kumikislap at umuusok na piyesa sa loob na nagpapagana sa motor control nito. "May sira siya. He needs to be fixed." "You think so?" tanong ng matanda habang nakatingin pa din sa nagma-malfunction na robot. "And do you think it's reason enough to not obey me, 404?" Napangisi ito sabay tingin sa kanya." As you said, we should fix it. Well, I will fix it." "He has a short-" "Destroy it." "What- ? I don't- " "You heard me right. Destroy it." "But, Prof. I-" "As your God and Creator, I'm commanding you to destroy it, 404!" sigaw ng matanda. Nanlisik ang mga mata nito. "Destroy it. Now!" muli nitong sigaw habang humahakbang palayo sa sirang robot. Labag man sa loob ay wala ng nagawa si 404 kundi sundin ang pinag-uutos ng matanda. Agad na lumabas mula sa balikat niya ang isang retractable mini-gun at pinagbabaril ang walang laban na robot. Tumalsik ito sa isang sulok ng laboratory at sumabog. Nagsipagkalat ang mga pira-pirasong umuusok na parte nito sa aspaltong sahig. Pumalakpak si Professor Radike sa ipinamalas na offensive skill ni 404. "Bravo! Bravo! Well done! 404! Bravo! Excellent!" puri pa ng matanda na halos maiyak na sa kinatatayuan habang tumatawa ng malakas at patuloy sa pagpalakpak. Kagat nito sa mga ngipin ang umuusok na pipa. Napasulyap dito si 404. "Mahusay, 404. Napakahusay. Hindi ako nagkamali. Isa ka ding halimaw katulad ko. Mahusay," natatawang puri pa rin ng matanda. Hindi makaimik si 404 nang mga sandaling 'yon. Hindi niya maintindihan pero parang may mali. Hindi siya masaya sa ginawa niya. Nasunod niya ang utos ng kanyang Creator pero hindi siya masaya. Pakiramdam niya ay ginamit lang siya nito. Hindi niya gusto ang kanyang ginawa. Hinding-hindi niya magagawa ang pumatay ng kapwa niya robot pero nagawa niya. Nagawa niya dahil...dahil sa takot. Takot sa matandang nasa harapan niya na kasalukuyang tumatawa at pinagmamasdan siya ng may pagkamangha. Takot siyang "mamatay" katulad ng nangyari sa robot na "pinaslang" niya. Magagawa rin ng matanda na patayin siya dahil ito ang lumikha sa kanya. Naniniwala siya roon. Maliban na lang kung... Itinutok ni 404 ang mini-gun kay Professor Radike.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD