Chapter 7: 404

2886 Words
Kaswal na itinutok ni 404 kay Prof Radike ang kanyang retractable shoulder minigun. Inilabas din niya ang nakatagong heat seeking missile launcher na nasa bisig niya at itinutok sa matanda. "I won't do that if I were you, 404," kalmanteng pahayag ni Professor Radike habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ito. "You don't wanna kill me. Trust me." "You just made me kill my friend! Bakit mo 'yon pinagawa sa 'kin!" galit na sigaw niya rito. Muling napapalakpak ang matanda. Sa halip na masindak ay tila labis pa itong natuwa sa nakikitang galit at poot sa mukha ng robot. "Fantastic! You really are one-of-a-kind. The first ever robot than can manifest anger. Biochemistry!" bulalas pa nito sabay tawa ng malakas. "Hindi ka ba natatakot? Kayang-kaya kitang patayin tulad ng ginawa ko sa isa mong robot, tanda!" galit na usisa ni 404. Natahimik ang matanda pero may ngiti pa din sa labi nito. Tinitigan siya nito ng matagal. Tinanggal ang pipa sa bibig. "Kung talagang gusto mo akong patayin dapat ay kanina mo pa ginawa, 404. But you did not. Why? Well, I know why. Because you're scared. I can see anger in your angelic face. But I can also see fear as well. You're scared. You're scared to kill me. You're still inhibited. In a human sense, you're still young and inexperienced, so to speak. But I can help you, 404. You have nothing to fear. You can kill all you want. That's why I created you. "But you can't kill me, 404. I'm your God, remember? I created you. If you kill me it'll be like denying your very own existence. Besides..." Lalo itong napangiti. "I know you also fear death. You don't wanna go back in the Void, right?" Hindi sumagot si 404. "Of course, you don't! Who wants to die, anyway? You see, I already foresaw this moment. I know this might gonna happen. So I prepared for it." "A- Ano'ng ibig mong sabihin?" Dinampi ng matanda ang isang kamay sa kaliwang dibdib. "Isa akong cyborg, 404. I have an artificial heart that keeps me alive. C'mon, see for yourself. Meron kang x-ray vision. Use it." Nakita nga ni 404 ang sinasabi ni Professor Radike. Nakita din niya ang napakaraming kawad na kumukunekta sa artificial heart patungo sa iba pang parte ng katawan nito hanggang sa pumipintig nitong utak. "See? Amazing, isn't?" nakangiting anas ng matanda nang makita ang naging reaksyon ni 404. Hindi sumagot si 404. "The world's technology is still in its infancy. Or so they thought. But not anymore. If the world see you, they'll also think that I'm God." "So what's your point? Maari pa rin kitang patayin ngayon." "404, just because you can doesn't mean you should," natatawang wika ng matanda. "You can but you won't." "What do you mean?" Bahagyang napangisi si Professor Radike. Tila ang katanungang 'yon ni 404 ang kanina pa nito hinihintay na sabihin niya. "Because the moment I die, the moment my artificial heart stopped receiving any electrical impulses from my body, it will explode. You're little brain will explode." Natigilan sa narinig si 404. "Tama ang narinig mo. We are connected. Let's call it a mutual parasiticism, shall we? Or an extreme symbiotic connection. As long as I live, you live. Killing me would be tantamount to commiting suicide. And no one is to blame but you. I created you to protect me, 404. And to protect me you shall do. Because if I die, you die. Permanently." "N-Nagsisinungaling ka!" sigaw ni 404 habang umiiling. "Okay, then. There's only one way you can find out, isn't there?" kalmanteng tanong ni Professor Radike. "Kill me, 404. Put some bullets in my head. Go ahead and find out." Sandaling hindi gumalaw si 404. Pinag-aaralan ang susunod na gagawin. Nababakas niya sa mukha ng professor ang sinseridad sa mga sinabi. Or is it a poker face? 404 don't know. Maaaring nagsasabi ito ng totoo. Pero maaari ding hindi. Should it take a risk? Ilang sandali pa ay awtomatikong bumalik sa loob ng katawan ni 404 ang mga armas. Marahan niyang ibinaba ang kamay at napayuko. "Patawad, Professor Radike. Patawad sa aking inasal," usal niya sa mababang tinig. Napangiti ang matanda sa narinig. Humakbang ito palapit kay 404 at marahang hinawakan sa balikat. "Since I am also a forgiving God, I forgive you, 404. I really do." "Salamat, Prof Radike." Biglang sumeryoso ang mukha ng matanda. "But like I said, I am also a stern and vengeful God. Pinaparusahan ko ang mga robot na walang silbi at hindi sumusunod sa akin. Itinatakwil ko sila at itinatapon sa incinirator at sa grinder kung saan sila nararapat. Binabalik ko sila sa Kawalan. I unplug them, so to speak. But I think enough euphemism is enough. I neutralize them. Just like that useless robot over there. I destroyed it by using you as my instrument. And you did a very good job, 404. I'm so proud of you." Sinulyapan ni 404 ang umuusok na parts ng robot na nakakalat sa sahig. It could have been 404. It could have been it next time. 404 decided to protect Professor Radike at all cost. Gusto pa niyang mabuhay. In fact, it wants to live forever. Ayaw na niyang bumalik sa Kawalan. "Sa tingin ko ay maliwanag na sa 'yo ang lahat, 404. Inaasahan ko na magiging tapat kitang alagad. You will protect me at all cost. By all means necessary!" "Yes, Prof. I will protect you by all means necessary." "Very well," nakangiting sabi ni Professor Radike. "I know I can count on you. I know you won't let me down unlike the other stupid faulty robots. You are different. "And you should be!" biglang sigaw ng matanda sabay tawa nang malakas. May pinindot itong button sa dingding dahilan para may lumabas na imahe sa malaking screen sa tabi nila. Ito ang computer-generated image ng Islas de las Bahaghari o ng Rainbow Islands. "As you can see, 404, we're here." Tinuro nito ang maliit na isla na nakukulayan ng asul. Ang anim pang isla ay nakukulayan ng mga kulay na angkop sa mismong tawag sa mga ito: Pula, Kahel, Ginto, Berde, Indigo, at Ube. "You see how small our island is compared to those nearby islands?" Tumango si 404. "That's our little paradise. Only a small portion. Just a pale blue dot in the middle of the Pacific Ocean." Tinuro nito ang Isla Kahel. "You know what? I think that main island can be ours, 404. And the others as well. We can expand our little paradise. What do you think?" "I think that will be wonderful, Prof." "Yes, very wonderful, indeed. You're right, 404. We can do it, right?" "Right, Prof." "But there's also a military and firepowers inside those islands, 404. I think they might be unwilling to comply. They won't let us rule them. Even if we beg. They will surely disarm us. Hell, they might even kill us. What do you think?" "I think we can, Prof. We can subdue them. I can make them comply." "But what if they won't?" Natahimik si 404. "404?" "Then we will take it by force, Prof." "What if they still resist? What if they won't let you? And... and what if they threatened to kill me? What will you do, 404?" Tila nagising si 404 nang marinig ang mga huling sinabi ni Professor Radike. Nakuyom niya ang dalawang matitigas na kamao. "No! I won't let them, Prof. I will kill them first. I will kill them one by one. I will kill them all," magiting na sagot ni 404 habang matalim na nakatitig sa malaking isla na kulay kahel na makikita sa screen. Napapalakpak muli ang matanda sa narinig habang nakangisi. Tinapik pa nito sa balikat ang robot bago umupo sa swivel chair at muling humithit sa hawak na pipe. "Good. Good, 404!" medyo may pagkasarkastikong puri pa ni Prof Radike. "I know that I can count on you. I know that you won't let anything bad happen to me. I'm so thankful. You're so awesome. I really feel protected now. Thank you." "Welcome, Prof," wala sa loob na tugon ni 404. "Maghanda ka, 404. We will soon conquer those islands. Just a matter of time,really," seryosong pahayag pa ni Professor Radike habang nagbubuga ng usok. "They will be our slaves. We will kill all those who'll resist. They have firepowers. Tanks and jetfighters, maybe. Sure." Tumingin ito sa robot. "But I have you, 404. You are all the army I need. Their firepowers are nothing compared to yours! You can defeat them. We can be their Masters. And me as your only and true Master, of course." "Yes, Prof," tugon ni 404. Sa totoo lang, anuman ang dahilan nito sa adhikaing sakupin ang buong Rainbow Islands ay wala siyang interes na malaman. Kung anumang desisyon at utos nito ay agad niyang gagawin hindi dahil sa gusto niya kundi dahil nararapat. Lahat ay gagawin niya para maisalba ang sariling "buhay". At magagawa lamang niya iyon kung mapoprotektahan niya ang matanda. "Life is Hell, 404. Only Gods, demons and monsters survives in Hell. You know why? Because Gods creates Hell to punish inobedient creatures and only demons and monsters thrives in it. I am one of the God, and I created you as one of my monsters, 404!" "Yes, Prof." "Magsisimula tayo sa Isla Kahel," deklara ni Professor Radike sabay tayo. "There's a saying that we must start from the bottom. But I think not. I rather not. Why? Because that's flat-out bullshit. I rather start from the top. You wanna know why, 404?Because I'm an idealistic man. I believe that we should start from the top. Because, you see, if we can conquer and defeat the top ones, the bigger ones, you name it, if we can conquer those that are higher and mightier than the other, then we can also conquer the lesser ones, right, 404? We can create a domino effect. Do you agree?" "I certainly agree, Prof." "Very good." "Then all is settled. For the meantime, let's go and meet the rest of the world, shall we? Come." "Where?" takang tanong ni 404. "Sa Geneva, Switzerland, 404. Meron akong dadaluhang Academic Conference doon. About robotics and stuffs. And I think it's time to introduce you to the rest of the world. You want to be famous, 404? You want to see the limelight and spotlight shining at you, eh?" Sandaling nag-isip ang robot sabay iling. "I prefer not, Prof. Or I mean, not yet." "A little camera- shy, 404?" "I guess, Prof." "Very well. Since you are a very intelligent robot, I believe that once in a while you deserves to be heeded. Very generous of me, right? I'm a kind God." "Right, Prof." "Okay, 404. Come with me as my chaperon and as my bodyguard, then," mabait na turan ni Prof Radike kay 404. Tumingin ito nang makahulugan sa robot. "Brace yourself. You are about to meet the Doomed creatures," natatawang turan pa ng matanda bago tuluyang humakbang palabas ng laboratory. Biglang kumidlat nang napakalakas dahilan para bumalik sa kasalukuyang panahon ang ulirat ni 404. Napasulyap siya sa labas at nakita ang malalakas na patak ng ulan na humahampas at tumatama sa salamin ng bintana. Halos hindi na niya maaninag ang tinatahak ng jetplane na sinasakyan nila dahil sa kapal ng ulap at lakas ng hanging habagat na humahampas sa katawan ng eroplano. Nakita niya si Professor Radike na nagsindi ng pipa. "Professor Radike, forgive me but I don't think smoking that poisonous stick would be good to your health," maingat na pahayag ni 404. Tinitigan siya ng matanda. Kaswal nitong kinagat ang nakasinding pipa at malayang humithit at bumuga ng usok sa direksyon niya. "That's very kind of you to remind me, 404," malamig at sarkastikong turan ng matanda. "But let me remind you that you're not in control here. I'm like the auto-pilot system now. I'm the one who's in control. Not you." "But, Prof..." mahinang sambit ni 404. Hindi niya maintindihan ang matanda. Napaka-erratic nito. May oras na mabait pero mas madalas na sarkastiko at matigas ang ulo. Hindi niya matantya ang ugali nito. Unti-unti niyang pinapatay ang kaniyang sarili, nanlulumong saloobin ni 404 habang pinagmamasdan ang matanda. At pati na rin ako. "The last thing I want right now is a f*****g robot who will tell me what I will and will not do," nakasimangot na angil pa ng matanda habang humihithit sa pipang hawak. Uminom din ito ng red wine sa mismong bote na hawak. Napansin nito ang pag-aalala sa mukha ni 404. "Relax, 404. I'm not going to die. Not yet, anyway. Today is our day, remember?" paalala nito sa robot sabay ngiti. Marahang tumango si 404. "The island below us will be ours," tila nananaginip na sabi ng matanda habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang maliwanag na siyudad na napapalibutan ng nagtataasang mga puno at makakapal na hamog. "Today, we will launch an attack great enough to subdue their firepowers. We can defeat them, 404. And you are not alone. We have our own expendable robotic army at our disposal." Napasulyap ito sa robot. "Don't worry, 404. I know you can defeat them all. But just like in chess, the pawns goes first." Tumango lang si 404 habang pinag-aaralan ang matanda. Sa nakikita niya ngayon, tila ginugupo na ito ng katandaan at iniindang sakit. Base sa nakikita niya, mahina na ang respiratory system nito. Patay na ang isang baga nito at swerteng nabubuhay pa ito hanggang ngayon. Hindi pa din siya makapaniwalang nakasalalay sa matandang hukluban na ito ang kanyang buhay. Matanda na ito at anumang oras ay maaari na itong bawian ng buhay. Pag nangyari ito, katapusan na din niya. Hindi na niya maililigtas ang sarili sa Kawalan. 404 will be unplugged. Forever. Never to be seen again. Kung ganun, the only thing that it could do now is to prolong its Creator's life no matter what. The old man has to live as long as possible. Napansin ni Professor Radike ang paraan ng pagtingin ni 404 sa kanya. "Naughty robot. Stop diagnosing my health. Like I said I'm not going to die- " Muling kumidlat nang napakalakas. Tumama ang talim ng kidlat sa kaliwang pakpak ng jetplane dahilan upang sumabog ang jet propulsion nito. Napaigtad sina Professor Radike at 404 sa kanilang kinauupuan. Nabitawan ng matanda ang hawak na pipa at bote ng red wine. Kung walang suot na seat belt ay malamang na nahulog na ito sa sahig. Agad na tinanggal ni 404 ang sariling seat belt at nagsimulang humakbang patungo sa takot na takot at sumisigaw na matanda. Pumailanlang ang nakaririnding ingay ng fire alarm at breach alarm ng eroplano. Panay ang flash ng mga pulang ilaw sa bawat gilid ng cabin indicating "red alert". Nagpagewang-gewang ang jetplane sa himpapawid, pabulusok. Tumigil sandali si 404 at kumapit sa sandalan ng upuan to maintain its balance. Nagliparan at nagtalsikan ang mga magazine at bote ng wine at malayang nagsipaghampasan at basagan sa bawat sulok ng compartment. "404! Iligtas mo 'ko! HELP MEEEEE. SAVE MEEE!" sigaw ni Professor Radike na todo ang kapit sa upuan. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya at tila aatakihin sa puso anumang oras. "Don't just stand there, you stupid robot! HELP ME!" "Professor Radike!" sigaw naman ni 404 sabay hakbang muli. Balak niyang hablutin ang matanda at ilipad palayo sa eroplano. "Don't panic! Your heart-" Tumagilid ang jetplane. Nawalan ng balanse ang robot at tuluyang tumalsik patungo sa bintana. Dahil sa bigat ni 404 at lakas ng pagkakahampas niya ay nabasag ang salamin ng bintana at tuluyang siyang nahigop ng malakas na hangin palabas ng eroplano na para lang siyang magaan na papel. Sinubukan ng robot na paganahin ang boot-jet propulsions para makalipad subalit saktong humampas sa tagiliran niya ang nasusunog na pakpak ng jetplane. Muli siyang tumalsik at pinaghahampas ng malalakas na hanging habagat. Tila naparalisa ang buong katawan ni 404. Hindi niya maigalaw ang kahit anong parte ng kanyang katawan. Nagdidilim din ang kanyang paningin at nawawala sa focus. Nabasa niya ang mga lumabas na kulay pulang letra sa mga mata niya WARNING! SYSTEM ERROR! MALFUNCTIONING! PROCEEDING TO SHUTDOWN MODE! May kumikislap sa loob ng katawan niya at sigurado siyang may nagshort circuit sa kanya. Marahil sa lakas ng pagkakahampas niya sa eroplano. Habang bumubulusok siya sa himpapawid ay nakita niya sa hindi kalayuan ang umuusok na jetplane na nakatagilid at bumabagsak din kasabay niya. Nakarinig si 404 ng malalakas na pagtawa na nanggagaling sa loob ng eroplano or was it just its imagination? Makakatawa pa ba sa nangyayari ngayon si Professor Radike? It guess not. Maybe it was just the wind. Or maybe it was not hysterical laughter but a hysterical scream. Yes, it was a scream, indeed. When you're about to die, you scream. Everybody scream. Tulad ng ginagawang pagsigaw ngayon ni 404 sa kanyang isipan. Muling sumabog ang pakpak ng eroplano at natanggal at pagkatapos ay ang mismong katawan naman nito ang sumabog bago tuluyang bumulusok pabagsak sa nanggagalaiting dagat. Malakas ang pagbuhos ng ulan at madaling araw pa lang kung kaya walang nakarinig o ibang nakakita sa mga naganap na pagsabog. NOOOOOO! PROFESSOR RADIKE! sigaw ni 404 sa kanyang isipan bago tuluyan bumulusok at bumagsak sa nanggagalaiting dagat. Nagdilim ang lahat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD