Chapter 8: DUNCAN

3153 Words
"Ma, rerenta lang ako ng computer kila Mang Nestor," pamamaalam ni Duncan sa ina habang nakasakay sa bisikleta. Kasalukuyang nagpapakain ng mga baboy sa likod-bahay si Lily. Itinigil nito ang ginagawa at tumingin nang may pagdududa sa kaniya. "School assignment," mabilis na dagdag ni Duncan. "Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa walang signal. Hindi ko tuloy magamit ang smartphone ko." "Sigurado ka? Baka naman sa galaan ka lang pumunta?" "Hindi, Ma. Pangako, magre-research lang ako. Trust me." "Umuwi ka kaagad pagkatapos mo," sabi ni Lily habang naghuhugas ng mga kamay sa gripo. "May lagnat si Sasha. Dadalo ako sa Pamamahayag mamaya kaya walang maiiwan para magbantay sa kapatid mo. Bago magtanghali dapat nakabalik ka na, maliwanag?" "Yes, Ma," matabang na sagot ni Duncan. Buwisit talaga ang bubwit na kapatid niya. Laging panira ng araw. Hindi siya pinanganak para lang maging baby-sitter nito. Gusto niyang sabihin sa ina ang mga hinanaing, ipaliwanag na hindi tama ito, pero pinigil na lang niya ang sarili. Walang magiging silbi ang pagrereklamo niya. Alam naman niya kung sino ang mas kakampihan ng ina sa kanilang dalawa. Natural ang kapatid niya. Ang bunso. Ang paborito, as usual. Tila sumpa ang pagiging panganay. Bakit kasi pinanganak pa si Sasha. Life is so unfair! Nilagpasan lang ni Duncan ang suking computer shop sa kanto. Nang makarating ng main road ay diretsong nagbisikleta patungo sa loob ng kakahuyan. Mas maigi din na dito sa kakahuyan siya dumaan para walang makakita o makapansin sa kanya kung saan siya pupunta. Wala siyang pakialam kung mas matatagalan siya sa pagpunta sa kanyang destinasyon. Malinaw ang utos ni Deepak sa kanila na dapat ay walang ibang makaalam ng hideout nila. At wala siyang balak suwayin ang utos ng kanilang kaibigan at tumatayong leader ng kanilang brotherhood. May biglang sumulpot sa daraanan ni Duncan. "s**t!" Agad siyang nagpreno. Nanlilisik ang mga mata na sinigawan niya ito. "Nababaliw ka na ba? Isa ka bang kabote, tanda?" "Hindi ako isang kabote, bata," sagot ng matanda sa garalgal na tinig. Hinimas nito ang napakahabang balbas na umabot hanggang tiyan nito. Kumakampay sa ihip ng hangin ang puting kasuotan nito na tila gawa sa pinagtagpi-tagping kumot. Nagbigay ito ng isang matamis na ngiti sa kaniya dahilan para lumantad ang madidilaw nitong ngipin. "Isa akong diyos! Ako si Jesus!" Inis na napabuntong-hininga si Duncan. Una, ang kapatid niya. Ngayon naman, ang matandang baliw na palaboy na ito. Sirang-sira na ang araw niya. God, kung pwede lang pumatay, matagal na niyang ginawa. Malamang ay nagkalat na ang mga bangkay sa paligid niya. "Tumabi ka nga, Gandalf. Alis!" Nawala ang ngiti sa labi ng matanda. Bahagyang tumalim ang namumulang mga mata nito. Marahan nitong inilahad ang hawak na tungkod at itinutok sa bata na parang espada. "Isa kang kampon ni Satanas. Nakatanim sa maitim mong puso ang binhi ng kasamaan. Tumubo na ito at ikaw ang bunga. Balang-araw tutupukin ka ng Apoy ng Hustisya ng Langit. Ibubulid ka sa Dagat-dagatang apoy kasama ng iyong mga kaibigang halimaw at bulaang propeta. Malapit na, bata. Malapit na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Magugunaw na ang mundo at unang gugunawin ang islang ito. Ang islang ito!" "Tapos ka na ba, tanda?" bugnot na tanong ni Duncan. Napabuga siya ng hininga sabay dukot sa kaniyang bulsa. Isang perang papel ang binato niya sa paanan ng matanda. "Gutom lang 'yan, Gandalf. Bumili ka ng pagkain at lubayan mo na ako." Agad na pinulot ng matanda ang pera at sinilid sa bulsa. Tumingin ito sa kaniya. "Mag-ingat ka, bata," nasa tinig ng matanda ang sinserong pagbabanta habang nakatitig kay Duncan. "Paparating na ang Anghel ng Kamatayan. Nakatakda na nitong wakasan ang islang ito. At walang sinuman ang makapipigil rito. Wala kundi ako lang!" "Oo naman, Gandalf. Ikaw lang ang-" "Tampalasan! Ang pangalan ko ay Jesus!" "Okay, Jesus. Maaari na ba akong-" "Makaalis?" Napangisi ang matanda. "Walang makakaalis ng islang ito, bata. Walang makakatakas sa talim ng Espada ng Anghel ng Kamatayan. Wala maliban sa akin. Ako ang Liwanag at ang Daan. Ako ang Pintuan. Ako lamang ang makakapagligtas sa inyong lahat. Ako na ang pangalan ay Jesus na inyong ipinako sa Burol ng Kalbaryo!" Agad na pinaharurot ni Duncan ang sinasakyang bisikleta. Dumaplis sa kaliwang balikat niya ang tungkod ng matanda nang subukan siyang hampasin nito. "Hangal na bata. Humanda ka. Sa araw na ito ay mamamatay ka. Babagsak mula sa Langit ang Anghel ng Kamatayan na parang bulalakaw at wawakasan ang iyong buhay. Makikita mo!" Nakagat ni Duncan ang labi. Humigpit ang kapit niya sa manibela, at bago pa niya mapagtanto ay naipreno na niya ang bisikleta sabay lingon. Nanatiling nakatayo ang huklubang matanda sa gitna ng daanan habang nakatingin sa kaniya. Ilang saglit silang nagkatitigan. Malinis ang buong paligid. Walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. Malakas ang kabog ng dibdib ni Duncan habang nakatitig sa matanda. Kayang-kaya niya itong patayin ngayon din. Siguradong sapat na ang isang matinding suntok sa mukha para patulugin ito habambuhay. At tanging ang nagsasayawang mga puno at halaman lang na nakapaligid sa kanila ang magiging piping saksi sa gagawin niyang pagpaslang rito. Tinaas ng matanda ang hawak na tungkod sa direksyon ng bata saka ngumisi. "Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, bata. Subukan mo man akong paslangin ay hinding-hindi ka magtatagumpay. Hindi mo magagawang patayin ang isang diyos. Hangal!" "B-Baliw kang matanda ka," pabulong na sambit ni Duncan. "Hindi kita marinig pero alam kong naririnig mo ako, bata. Humayo ka na, Satanas!" "f**k you, Jesus!" sigaw ni Duncan. Bago pa makatugon ang matanda ay agad siyang nagpedal palayo. MASUKAL ang kakahuyang tinatahak ni Duncan. Halos malalaki at makakapal na damo na ang nadaraanan niya. Maingat ang pagpapatakbo niya sa sinasakyang bisikleta dahil basa at medyo maputik ang lupa dala ng pag-ulan kaninang umaga. Mahamog ang paligid. Halos madilim na din dahil nahaharangan na ng mga nagtataasang punongkahoy ang sikat ng araw sa kalangitan. Tumigil si Duncan sa pag-pedal at binuhat at ipinatong sa matipunong balikat ang bisikleta. Batak ang katawan niya sa pagbubungkal ng lupa sa kanilang maliit na bukid. Nagpatuloy siyang muli sa paglalakad. Huni ng mga ibon at mga distant cries ng mga unggoy at pagaspas ng mga dahon na lang ang maririnig sa paligid tanda na nasa masukal at ilang na parte na siya ng kakahuyan. Kung sa ibang mga bata, malamang ay natakot na siya dahil sa sobrang bigat ng atmospera dito. Pero hindi siya ibang bata. Siya si Duncan! Isa sa kasapi ng kinatatakutan na Dead Duck Squad. Wala sa bokabularyo nila ang salitang duwag. Sila ang dapat na katakutan. Sila ang nagbibigay ng takot. Para saan pa at naging mga amateur terrorists sila? Napangisi si Duncan. Naaalala niya ang mga ginawa nilang pananakot sa ilan sa mga lugar dito sa isla maging ang mga pagnanakaw. That was exciting! Hindi sila nakilala ng mga tinatakot nila dahil may mga suot silang maskara. Actually, they're mimicking the pranks na sikat ngayon sa Youtube. Although hindi naman nila kinukuhanan ng video ang mga ginagawa nilang pananakot. That would be a stupid idea. And they can't actually film their so called "flashing" sa mga babaeng dumaraan. That's not possible. At least to them. Regardless, it was awesome. Ramdam niya ang sobrang thrill sa mga ginawa nila lalo na ang flashing o ang pagpapakita ng kanilang private parts. So intense. And he knows there's more terrorizing to come. And more flashing too. And eventually...gang rape. Yeah! Duncan was really looking forward to it. Flashing isn't enough. He wants more. Lahat silang apat na members ng Dead Duck Squad ay mga virgin pa, if there really is such thing as virginity in young men. At talagang curious siya sa actual na pakiramdam ng may ka s*x na babae. 'Yung tipong pwersahan at sumisigaw at umiiyak ang babae hindi dahil sa sarap kundi dahil sa sakit ng ginagawa niya. Ayaw niya ng consensual s*x. Duncan wants rape. By force. Raping a girl would be cool. It will feed his s****l fantasies. Yeah. He was really looking forward to it. At hindi na siya makapaghintay. May kumaluskos sa malagong halamanan sa hindi kalayuan. Mga ingay ng mga nababaling sanga. Itinigil niya ang paglalakad at kinuha sa loob ng bulsa ang balisong na dala. Mataman siyang nakiramdam. Maya-maya ay lumabas mula doon ang isang squirrel. Napansin nito si Duncan at nang makita ang hawak niyang balisong ay agad itong kumaripas ng takbo palayo. Muling naglakad si Duncan. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang malalakas na hampasan ng mga alon. Naramdaman na din niya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanya na nanggagaling sa dagat. Mga ilang minuto pa ay tumambad sa kanya ang medyo makipot na dalampasigan na napapalibutan ng mga nagtataasang mga bangin. Sa hindi kalayuan, isang tila dambuhalang itim na isda na nakalubog sa buhanginan ang makikita. Ibinaba ni Duncan ang dalang bisikleta at itinabi sa katabing puno. Pagkatapos ay buong ingat niyang tinahak ang mabato at pabulusok na daan. Nang makababa at marating ang mabuhanging parte ay hinubad niya ang tsinelas at isinuksok sa magkabilang braso at sinimulang lusungin ang tubig na hanggang tuhod ang lalim. Maraming nakakalat na sea urchins sa ilalim ng tubig kung kaya lubos ang pag-iingat niya na hindi masagi ang isa man sa mga ito habang papalapit sa kanilang secret hideout: isang luma at dambuhalang sasakyang pandagat na hula niya ay ginamit pa noong World War II at sa hindi malamang kadahilanan ay napadpad dito sa Isla Kahel. Marahil mahinang salita ang "napadpad". Marahil "sumalpok" o "bumunggo" ang tamang termino na gamitin. Hindi nila alam kung saan ito galing pero sigurado sila na hindi nito plano ang ma-stranded dito. Maaaring nasiraan ito habang naglalayag sa ilalim ng dagat o nawalan ng kontrol at sinubukang umahon hanggang sa... KABOOM! Dito sa ilang at makipot na dalampasigan ito sumadsad at naging himlayan sa loob ng napakaraming taon. Nakasubsob ang unahang bahagi nito sa ilalim ng buhanginan at ang kabilang katawan naman ay nakalubog sa tubig. Tuwing low tide lang nila ito napapasok dahil kapag high tide ay natatabunan ang kabuuan nito ng tubig dagat na umaabot ng ilang talampakan ang taas. Puro kalawang na ang paligid ng sinaunang sasakyan at tadtad ng mga maliliit na corals at lumot ang ibabang bahagi na ilang taon ng nakalubog sa tubig. Si Duncan ang nakadiskubre sa submarine na ito isang taon na ang nakakaraan. Hindi siya napunta sa masusukal na lugar tulad ng lugar na ito. Nagkataon lang talaga na noong gabi na nadiskubre niya ito ay may nakita siyang kakaiba sa madilim na kalangitan na tila ba isang nagliliwanag na bagay na hugis bilog. Umuulan ng gabing 'yon at kasalukuyan siyang nakahiga sa loob ng madilim na tree house sa tabi ng bungalow nila at namumungay ang mga matang pinagmamasdan ang maulap na langit habang ang isang kamay ay abala sa paglalaro sa kanyang galit na patotoy nang makita niya ang misteryosong liwanag na nanggaling sa likod ng mga maiitim na ulap. Wow, shooting star, agad niyang naisip sabay tayo at patakbong tinungo ang bintana. Manghang sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makita niya itong bumagsak sa kakahuyan at tuluyan ng natakpan ng mga makakapal na sanga ng mga puno pero kita pa din ang haló ng liwanag nito. Teka, mukhang hindi 'yon shooting star. Hindi kaya... Agad siyang nagsuot ng brief at short at nagmamadaling bumaba ng tree house at sinakyan ang kanyang bike at mabilis na tinahak ang daan patungo sa nagliliwanag na bagay na sa tingin niya ay isang UFO. Para siyang basang sisiw habang nagpepedal habang buong giting na hinahanap ang pinaglapagan nito. Panay ang pagkidlat at pagkulog habang walang tigil ang pagbuhos ng ulan na humahampas sa kanya. Ilang minuto na ang ginugol niya at malayo na ang kanyang narating subalit hindi na niya nakita kahit bakas man lang ng UFO. Dala na din ng sobrang pagod at dahil sa nilalamig na siya ay napagpasyahan na niyang bumalik na ng bahay pero nang pabalik na siya ay biglang kumidlat ng malakas at tumama ang talim nito sa nakausling sanga ng puno na madaraanan niya at ito'y nagliyab at nabali at bumagsak at sumalpok sa unahang gulong ng bike niya dahilan upang mawalan siya ng balanse at sumemplang sa gilid ng daan. Dahil basa ang lupa at sobrang putik ay nagslide siya kasama ng bike sa isang pabulusok na lupa. Halos matabunan na siya ng mga putik. Nang huminto ang katawan niya ay nahihilong iminulat niya ang mga mata at halos mahimatay nang madiskubreng nasa gilid na siya ng isang matarik na bangin at kung hindi pa siya huminto sa pagbulusok ay malamang na tuluyan na siyang nahulog sa ilalim. Napasulyap siya sa ilalim ng bangin at halos atakihin siya sa puso nang makita ang tila isang dambuhalang ahas na tahimik na nakahiga sa dalampasigan habang hinahampas ng malalakas na alon ang mahaba at diretso nitong katawan. Ito marahil ang tinatawag na Loch Ness Monster, naisaloob pa niya na halos hindi na humihinga sa sobrang pagkamangha sa nakikita. Ilang minuto siya sa ganung posisyon, hinihintay na gumalaw ito at gumapang patungo sa kanya para lumukin siya pero hindi ito nangyari. Nanatili lang ito sa pagkakahimpil sa dalampasigan. Medyo madilim kaya hindi rin niya gaanong maaninag ang kabuuan ng halimaw. Mayamaya ay biglang kumidlat ng sunud-sunod. Nahawi ang makakapal at maiitim na mga ulap na tumatakip sa malusog at malaking buwan dahilan upang lumiwanag ng kaunti ang paligid. Natuklasan niyang hindi pala prehistoric monster kundi isang historic vessel ang inakala niyang dambuhalang halimaw. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong submarine dahil katulad na katulad nito ang porma ng mga attack submarine na nababasa at napapanood niya sa mga pelikula at nakikita sa mga magazine. Sa itsura pa lang ay makikita na sobrang luma na nito at matagal na sa ganoong posisyon dahil bukod sa nakasubsob ito sa buhanginan ay nag aagawan na sa metal na katawan nito ang mga pulahang kalawang at mga luntiang lumot. Gusto sana niya itong lapitan pero napagpasyahan niyang ipagpabukas na lang ang paglapit dito dahil bukod sa malakas ang ulan ay basa ang lupa at delikado sa kanya ang bumaba sa matarik na bangin patungo sa nagngangalit na dalampasigan. Nang makabalik siya sa kanila ay agad siyang umakyat ng tree house at nagpalit ng damit at sinubukang matulog pero hanggang sa tumilaok na ang alaga nilang tandang ay hindi siya dalawin ng antok dahil sa sobrang kakaisip sa submarine na nadiskubre niya. Hindi na niya masyadong inisip ang tungkol sa UFO na nakita niya dahil marahil ay naghallucinate lang siya o namalikmata. Nang tawagan at ibalita niya ito sa Dead Duck Squad pagsapit ng umaga ay agad siyang sinamahan ng mga ito sa lugar kung saan niya ito una at huling nakita. At laking gulat niya nang matuklasang wala na ang submarine. Hindi kaya namalikmata lang din siya at inakalang submarine ang kanyang nakita? Maaari kaya? Baka isa talaga 'yong halimaw at umalis na? Nagalit sa kanya ang tatlo lalo na si Deepak. Akala nito ay niloloko lang niya ang mga ito. Sasapakin na sana siya ni Deepak kung hindi lang napigilan nina Nathan at Cody. Not that he can't fight Deepak. Mas matanda at mas matangkad nga ito kaysa sa kanya pero kaya niya itong patumbahin. Pero wala siyang panahong patulan ito nang mga oras na yon dahil ang isip niya ay nakatuon sa submarine na tiyak niyang nakita ng dalawang mata niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ilang sandali pa siyang nagmasid sa lugar kung saan niya ito nakita nang bigla siyang may naalala at na-realized niya kung bakit hindi nila ito nakikita ng mga oras na 'yon. Bigla siyang napahalakhak na ikinagulat naman ng tatlo. Tinanong siya ni Deepak kung tuluyan na bang lumuwag ang turnilyo sa ulo niya pero sa halip na magalit ay lalo lang siyang natawa. Nang humupa ang pagtawa niya ay buong galak na pinaalala niya na malamang ay high tide kaya talagang hindi nila makikita ang submarine dahil nakalubog ito sa ilalim ng dagat! Nagkatinginan ang tatlo at sumang-ayon ang mga ito na maghintay pa ng ilang oras hanggang sa bumaba at kumati ang tubig. Dalawang oras ang mabilis na lumipas at namangha silang lahat nang magsimulang lumitaw sa ibabaw ng tubig ang isang matulis na bakal na tadtad ng lumot at mga nakadikit na kuhol at halamang-dagat. Habang kumakati ang tubig ay lalong lumilitaw ang kabuuan ng matulis na bakal mula manipis hanggang mataba hanggang sa tuluyan ng bumaba ang tubig at lumantad ang nakausling periscope at ang tila manhole na nakatakip sa bilog na butas sa gitnang bahagi ng submarine. Ilang sandali pa ay tumambad na sa kanila ang nakabaong nguso ng submarine sa buhanginan at ang kinakalawang na katawan nito na bahagyang nakalubog sa tubig. Nag-uunahan silang bumaba ng bangin at kanya-kanya sila ng paraan para malapitan ang sasakyang pandagat. Huli na nang mapagtanto nilang pinamamahayanan pala ng napakaraming sea urchins ang parteng ito ng isla. Narinig nila ang pagsigaw ni Nathan nang makatapak ng sea urchin sa kanang paa pero mistulang walang narinig si Duncan at nagpatuloy lang sa paglapit sa dambuhalang bagay sa harapan niya... Nang makalapit si Duncan ay marahan siyang sumampa sa ibabaw ng pinakamababaw na bahagi ng submarine at maingat na naglakad patungo sa nakasaradong lusutan sa gitna na hugis manhole. Nagpalinga-linga pa siya sa kanyang likuran at tinitignan kung may ibang tao maliban sa kanya. Nang matiyak na wala ay muli niyang tinuon ang tingin sa pupuntahan. Ilang segundo pa lang siya sa pagkakatapak roon ay naramdaman na niya sa mga paa ang mainit na metal plates na bumubuo sa sasakyang pandagat na babad sa nagbabagang init ng araw. Agad siyang tumigil at mabilis na sinuot ang dalang pares ng tsinelas. Mga ilang hakbang na lang ang layo ni Duncan nang bumukas ang bilugang bakal na tumatakip sa pinto ng sasakyan. Lumitaw mula roon ang isang nilalang na puro tahi ang mukha. Sa halip na matakot ay napangisi lang siya sabay pahayag, "You know, Nathan? Sa totoo lang, mas nakakatakot pa ang mukha mo kaysa sa suot mong Chucky mask. Huwag mo na sanang tanggalin kahit kailan." "Retard," angil ni Nathan sabay tanggal sa suot na maskara. Lumantad ang mukha nito na tadtad ng mga fiercing sa labi, ilong at tainga. "Look who's talking. I may not look like a doll. But then again, you don't look like a doll yourself. So f**k off." "Sino ba'ng gustong maging manika? Kahit si Chucky ayaw maging manika habambuhay, right?" "Whatever," angil ni Nathan. "Akala ko hindi ka interesado sa talambuhay ni Chucky. You're so erratic and unpredictable just like my Mom." "Maraming namamatay sa maling akala." Nagrolyo ng mga mata si Nathan sabay babang muli para magbigay daan sa kanya. Maingat na tumuntong sa hagdanan si Duncan at bago bumaba ay hinawakan muna ang handle ng metallic lid at kasabay ng paglusong ay ibinaba ito upang takpan at isarado ang bukod tanging pintuan papasok ng kanilang secret hideout, ang Malakia Monster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD