Chapter 9: DUNCAN

3850 Words
Agad na bumungad kay Duncan ang pamilyar na amoy na bumabalot sa loob ng medyo may kadiliman na compartment na binabaan niya. Amoy ng nasusunog na m*******a. May nakabukas na emergency light na nakapatong sa ibabaw ng metalikong lamesa sa isang sulok. Sa tabi nito ay nakakalat ang napakaraming upos ng sigarilyo, mga sachet ng m*******a, mga bote ng alak, baraha, balisong, malalaswang magazines at kung anu-ano pa. Sa isang tabi ay nakatambak ang isang gabundok ng mga damit tulad ng jacket, sweater, t-shirt, sando, short at palda. Meron ding mga underwear at isang negligee. Meron ding mga personal na kagamitan na nakatambak sa isang sulok tulad ng mga wallet, sapatos at shoulder bag. "Balita ko wala kang balak sumama sa gagawin nating heist bukas," biglang sabi ng isang baritonong tinig sa hindi kalayuan. Napasulyap si Duncan sa may-ari ng boses. Si Deepak. Medyo madilim kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito pero alam niya na nakatingin ito sa kanya habang may hithit na foiled pack at nakadekwatro sa kinauupuan. Nakahubad baro ito at kapansin-pansin ang malalaking muscles nito na tadtad ng mga pilat at tattoo. Nagbuga ito ng makapal na usok sabay ngiti upang ilahad ang mapuputi at matutulis nitong mga ngipin. "Alam mong hindi ako pwedeng sumama sa ating heist. May Pamamahayag ng mga Salita ng Elohim na isasagawa sa Alienism Temple mamaya. Darating din ang aming Tagapamahalang Pangkalahatan. And you know Ma. Gusto nito na kasama kami ng kapatid ko. Unfortunately, may sakit ngayon si Sasha kaya maiiwan ako sa bahay para bantayan siya," mahabang sagot ni Duncan habang nagrorolyo ng foil na may m*******a sa loob. Natawa si Nathan na nasa isang sulok at humihithit din. May katabi itong Good Guy doll. Ito ang doll na sumikat sa pelikulang Child's Play tungkol sa isang serial killer na napunta ang kaluluwa sa isang manika sa pamamagitan ng dark magic. Kay Nathan ang manika. Ilang araw na nilang sinusubukang buhayin ito sa pamamagitan ng pag-uusal ng mga ancient Latin at bastardized Druidic language gaya ng sa pelikula ngunit gaya ng inaasahan ay bigo pa rin sila. And that's a pity. Kung inaasahan na nila ang kabiguan, bakit pa nila ginagawa? As if na sasanib talaga ang kaluluwa ng fictitious serial killer na si Charles Lee Ray sa katawan ng manika. Ang totoo, katuwaan lang nilang magkakabarkada ito out of boredom and curiosity. Irrational idea lang ito ni Nathan dahil sobrang fan ito ng nasabing pelikula. At ng fictional killer doll. Actually, idol ni Nathan ang fictional "Lakeshore Strangler" na si Charles Lee Ray a.k.a. Chucky at sobrang natutuwa ito sa tuwing nakakapatay ito ng mga tao sa pelikula. He thinks it's so cool and awesome and wicked. The more gory and blood the better. Pangarap din ni Nathan na maging serial killer katulad ni Chucky. He always believes that he can do better than Chucky as far as the number of victims is concern, that is. He think he can be more prolific. "Oh, Mighty Damballa. Give me the power I beg of you!" anas ni Nathan habang hawak sa isang kamay ang manika na parang voodoo doll. Niyugyog nito ang manika habang nakangisi. "AWAKE! Awake awake AWAKE! Hear my voice! Chucky! Hear the voice of your Master. Awake!" Sabay hagikhik nang malakas na halos magtalsikan ang mga laway nito. "Oh yeah, Duncan. I know your Ma," sang-ayon ni Deepak sa kaswal na tinig na tila nakikipag-usap lang ito sa isang uhuging bata. "And you also know me. Ayoko sa mga taong walang pakikisama sa grupo." "At kilala mo rin ako, Deepak. I want to join you. I really do. Pero hindi talaga pwede," depensa ni Duncan. "Kung gusto may paraan. Kung ayaw maraming dahilan," malamig na paalala ni Deepak. Bago pa makaprotesta si Duncan ay muli itong nagsalita. "But fair enough, my friend. Nakalimutan kong isa ka nga palang Alien. I should have known better than to count on you." "I'm sorry, Deepak. Wala na akong magagawa. Mas takot akong palayasin ni Ma," nagpipigil na turan ni Duncan. Gusto niyang tumayo at suntukin sa mukha si Deepak pero nagtimpi siya at humithit na lang. Ano'ng karapatan nito na maliitin ang kaniyang pagkatao? "Sure." Biglang tumunog ang cellphone ni Nathan. Agad nitong sinagot ang tawag at ilang sandali pa ay inilapag nito ang hawak na manika at tumayo. "That's Cody. Nasa taas na pala siya at naghihintay na pagbuksan ko," natatawang pahayag nito. Humithit pa muna ito bago nagsimulang akyatin ang makipot na hagdan. Nang makababang muli ay kasama na nito si Cody na may dalang isang plastic ng junk foods at mga bote ng mumurahing beer. Kapansin-pansin ang mapulang labi at make-up na naka-apply sa hapis na mukha nito. Maging ang mahaba nitong buhok na dati ay unat at nakalugay lang ay medyo kulot na ngayon at may bahagya pang highlights. "Late as usual," anas ni Deepak sabay kunot ng noo. "At ano'ng nangyari sa iyo? Para kang pokpok." "Sorry, Deepak. Hindi agad ako nakaalis ng bahay because of my sister," hingi ng paumanhin ni Cody na medyo namumula ang magkabilang pisngi habang nakasulyap kay Deepak. "Nag-aaral kasi siya ng cosmetics. Unfortunately, ako ang napag-eksperimentuhan niya." "And she did a very good job," sambit ni Nathan habang pinagmamasdan si Cody. "Hindi agad kita nakilala. Para ka talagang babae. I'd rather f**k your ass than your sister's p***y, Cody." "f**k off, asshole," angil ni Cody kay Nathan. Inilagay nito sa lamesa ang mga bote ng beer at inihagis kay Duncan ang bottle opener. "Duncan, may utang ka, ha. Wala kang ambag ngayon." "Lagi naman," dagdag ni Nathan sabay hagikhik sabay higa sabay kuha sa Chucky doll sabay yakap dito sabay pikit. Inabutan ni Deepak ng m*******a si Cody habang binubuksan ni Duncan ang mga bote. Halos mapuno na ng usok ang buong compartment. "Hinay lang sa paghithit," paalala ni Deepak sa tatlo. Sabay hithit. "Look who's talking," buska ni Duncan sabay lagok ng beer. Inabutan niya ito ng isa pang bote na kabubukas lang niya. "Seryoso ako, Duncan, my friend." Tumingin si Deepak sa nakahigang si Nathan. "Nathan, nasarado mo ba nang maigi ang pinto?" Hindi sumagot si Nathan bagkus ay tumango lang habang nakapikit at may ngiti sa labi na tila nanaginip. Yakap pa din nito ang Good Guy doll pero hindi na mahigpit. "See?" naiiling na sabi ni Deepak. "That's what I'm talking about." Ibinaba nito ang hawak na bote, tumayo at inakyat ang ladder upang siguraduhin na nakasaradong maigi ang pinto. Nang masiguradong nakasarado ay marahan itong bumaba at nang mga ilang baitang na lang ay bumitaw ito mula sa pagkakahawak at buong giting na lumundag pababa. Napabangon si Nathan nang marinig ang ingay ng pagtama ng mga paa ni Deepak sa bakal na sahig. Napamura ito sabay balik sa pagkakahiga at parang walang nangyari na muling pumikit. Napangisi si Deepak. Humarap ito kay Duncan at saktong tumama sa mukha nito ang buong liwanag na nanggagaling sa emergency light dahilan para masilayan ni Duncan ng maigi ang dalawang mata nito na nakatitig sa kanya. Mga matang deformed at kulay pula na mistulang sa palaka. So grotesque, naisaloob ni Duncan. 'Yan ang itsura ni Deepak kapag hindi suot ang sunglass. He looks like a monster. A despicable monster. Like... Like E. T. He does look like E. T. The bad one. And Gollum too. Only darker and more sinister. And crazier. Lihim siyang kinilabutan. Napansin ni Deepak ang paraan ng pagkakatitig ni Duncan dito. "You see me now as a monster, right, Duncan? You think I'm a monster." "Huh? H- Hell, no. Of course not! Bakit ko naman iisipin 'yun? No way, man," agap ni Duncan sabay inom ng beer. "C'mon, Duncan. Pamilyar ako sa tingin na ibinigay mo sa akin kanina. You think you can fool me?" "Okay, Deepak. I confess. Hindi mo kasi suot ang sunglass mo. Besides, hindi mo naman ako masisisi, right? But no offense, dude. You still look like a normal human being. Only slightly... different." Napangisi si Deepak. "That's- That's very kind of you to say, Duncan, my friend. I'm getting so emotional right now I could give you a big wet kiss." Humithit ito at sabay buga sa direksyon niya. Hindi na tumugon si Duncan. "Okay. As I was saying before I interrupted myself. Let's say na lahat tayong naririto sa loob ay mag-pass out tulad niya." Itinuro nito ang naghihilik na si Nathan. "Because of this." Itinaas ni Deepak ang hawak. "At nalimutan nating isara nang maigi ang pinto. What do you think will or might gonna happen kapag tumaas bigla ang dagat at malayang nakapasok sa loob ng ating munting tahanan ang tubig while we are all having our sweet wet dreams? Anyone?" Hindi sumagot sina Duncan at Cody. Tumango lang sila. Hindi na nila kelangang sagutin ang isang rhetorical na tanong. "Well, I know that you know naman, friends and neighbors. Silly I should ask, eh?" natatawang sabi ni Deepak. "But better be paranoid than sorry, right? And better be a monster than be dead, right, Duncan?" Marahang tumango si Duncan. "This is our home sweet home not our tomb. Let us not let our home become our tomb," seryosong turan pa ni Deepak. Tumingin ito sa pinakamadilim na bahagi ng compartment kung saan may nakalapat na pintuan papasok sa iba pang compartment. Kailanman ay hindi pa nila ito nabubuksan dahil sa sobrang tibay at kapal ng bakal. Naka-locked ito mula sa loob. "The way this submarine must have became a tomb for those unfortunate crew that operated it." Nagkatinginan sina Duncan at Cody. Parehong hindi nagpahalata ng takot sa kaisipang baka may mga bangkay sa loob nitong sinaunang sasakyang pandagat. Mga pasaherong namatay dahil sa lakas ng pagsadsad nito dito sa ilang na dalampasigan ng Isla Kahel. Hanggang ngayon ay wala silang ideya kung may survivor na nakaalis sa submarine na ito at kung meron man ay bakit hindi nito ni-report ang nangyari. Isa ito sa maraming misteryong bumabalot sa islang ito na hindi nila mabigyan ng kasagutan. Minsan ay may mga nakakatakot na naiisip si Duncan sa tuwing mag-isa dito sa loob. Paano kung isang araw ay biglang bumukas ang naka-locked na pinto at lumabas ang mga kalansay na balot ng mga kupas at nilulumot na unipormeng pandigma? Paano kung may marinig siyang kaluskos mula sa loob ng nakasarang pinto na tila may mga naglalakad? Mga boses na sumisigaw at humihingi ng tulong? "Are you scared?" tanong ni Deepak. "Not really," sagot ni Duncan sabay lagok muli ng beer. "You should be," turan ni Deepak habang nakatingin sa kaniya. "Hindi ka talaga sasama mamaya sa heist, Duncan?" tanong ni Cody. "Kapag nagawa nating masira at makuha ang laman ng ATM sa tabi ng Purvil High, tiyak na ilang bote ng alak ang mabibili natin. And also weeds. Think about that, dude." "I already told you. May Pamamahayag–" "Isama na lang natin si Sasha sa heist," tila nananaginip na sabi ni Nathan habang nakapikit sabay dilat at tingin kay Duncan. "Pwede siyang maging look-out. After that, we can play with her. I'll let her play with my doll. Chucky wants to play with pretty little girls–" "How about I'll let you play with my fist?" malamig na tanong ni Duncan. "Pamamahayag ng mga Salita ng Elohim," anas ni Cody, more to himself. Dumiretso ito nang pagkakaupo sa sahig at humalukipkip. "Damn, Duncan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bumenta sa inyo ang mga aral ng UFO religion na 'yon. Mas outlandish ang paniniwala nila kaysa sa Scientology." "Ang akala ko matalino ka," dagdag naman ni Nathan sabay pikit at muling niyakap ang manika. "Aliens are stupid." "Do Aliens worship aliens. Tell us, Duncan," tanong ni Deepak. "Pagkakarinig ko, hindi kayo naniniwala sa Diyos. At ang templo niyo daw ay isang sikretong spaceship. Totoo ba?" "No, Deepak. That's stupid. Nothing like that." "You're religion is boring then," dagdag ni Cody. "Ano'ng nangyari at nagpa-convert kayo?" Hindi agad nakasagot si Duncan. Ang totoo ay hindi niya alam ang sagot. Hypnoticism? Maaari kaya? Marahil oo. Who knows? Kakaiba ang aral ng Alienism kung ikukumpara sa aral ng Katoliko at ng ibang relihiyon. Unorthodox. Dumalo sila sa Pamamahayag ng mga Salita ng Elohim ilang buwan na ang nakalilipas, at bago pa niya mapagtanto, kasapi na sila sa samahang ito. Ganap na silang mga Alien. Tandang-tanda pa niya ang araw na dumalo sila sa Pamamahayag ng mga Alien. Kasama niya sina Ma at Sasha. Isa ito sa mga araw na hinding-hindi niya makakalimutan dahil ito ang araw na muntik na siyang patayin ng mga Alien dahil sa kalapastangang ginawa niya kay Master Gustavo Korondo... Tumambad sa kanila ang kabuuan ng bagong tayong Alienism Temple. Maliwanag ang buong paligid dahilan sa mga nakatayong naglalakihang poste ng ilaw sa bawat sulok. Halos malula sila sa taas ng pader at ng mismong templo na parang sinaunang Chinese temple. Maririnig ang malakas na boses ng isang matandang lalaki na lumalabas sa mga naglalakihang speaker sa loob ng compound. Maraming sasakyang naka-park sa gilid. Karamihan ay mga bus na may mga nakatapal na tarpaulin na nagpapakita ng larawan ng mga kamay na nakaturo sa langit. Maraming Aliens na nakatayo sa tabi ng malaking bakal na gate. Nakasuot ng typical space suit ang mga ito na magkakaiba ang kulay. May kulay kahel at kulay ginto at kulay pilak. Ang ilan ay may katabi pang mga masscot na kagaya ng itsura ng Teletubbies at ni Marvin the Martian. "Welcome to Disneyland," nakangising bulalas ni Duncan habang papalapit sila sa gate. "Picture-picture tayo later, okay? Sigurado akong nasa loob lang sina Mickey Mouse at Donald Duck." Nagtawanan ang ilan sa mga tao na kasabay nila. Habang papalapit ay lalong lumalakas ang boses na naririnig nila. Bawat pader ay may nakasabit na malalaking ilaw na hugis flying saucer na iba't iba ang kulay. Napapalamutian ng mga naggagandahang artificial flowers ang gate. Mababasa sa malalaking tarpaulin na nakatapal sa pader ang mga katagang WELCOME TO RESIDENTIAL EMBASSY AND THIRD TEMPLE OF ALIENISM at WELCOME HOME, THE LAST INTERGALACTIC AMBASSADOR MAXIMUM LEVEL MASTER GUSTAVO KORONDO! MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO! at PAMAMAHAYAG NG MGA SALITA NG ELOHIM. LET'S MEET OUR CREATORS. May kulay pulang neon signs din sa taas ng gate na nagsasabing ALIENISM (na may time interval ang pag-ilaw: A muna, then magiging ALIEN, at magtatapos sa kumpletong ALIENISM and back again). "Good evening, Earthians! It's our pleasure to see you here," bati ng isang matabang Alien nang makalapit sila sa malaking gate. Hindi nila maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong space helmet. May hawak itong box na kulay pilak at may naka-drawing na kamay na nakatutok ang hintuturo sa itaas. "Thanks, Mr. Alien," magalang na tugon ni Sasha. Lumingon ito sa ina at ngumiti. "Ang ganda po pala rito, Ma." "Tara na sa loob," suhestiyon ni Lily. Hahakbang na sana sila papasok nang bigla silang harangin ng matabang Alien, much to their surprise. "Ehem!" sambit ng Alien sa kanila sabay lapit sa hawak na isa palang donation box all along. "I knew it," naibulong ni Duncan habang nakatingin nang masama sa donation box. "So typical." "I see," sambit naman ni Lily sabay kapkap sa bulsa ng suot na pantalon. "We're just asking for any amount as long as it comes from your heart, Earthians," paliwanag ng Alien habang matiyagang naghihintay sa ibibigay ni Lily. "After all, this is a very wonderful religion, ma'am. This is the only true religion. You're all in the right track. You won't regret it. I guarantee it." "Lahat naman ng relihiyon sinasabi 'yan," bulong uli ni Duncan sabay singhot. "There you go," nakangiting turan ni Lily sa Alien nang mailusot sa butas ng kahon ang pera. "That's for the three of us." "That's very kind of you, Ma'am. Very kind, indeed," magiliw na turan ng Alien. Tumabi ito sabay turo sa naghihintay na gate. "Please, come in and enjoy your stay here, Earthians." May isang matangkad na puting spaceman na sumalubong sa kanila sa loob. May hawak itong kumpol ng mga lobo sa isang naka-glove na kamay. Mga lobo na iba't-iba ang kulay, hugis alien na may bloated cranial structure at dalawang malalaking mata. Kaswal sila nitong inabutan ng lobo bawat isa, much to Sasha's excitement and Duncan's annoyance. Maraming tao sa loob ng compound. Mga taong halatang bagong anyaya din katulad nina Duncan. Karamihan sa mga tao sa loob ay mga nakasuot din ng space suit at mascott attire signifying extra-terrestrial creatures. Animo'y nasa isang malaking costume party sila na space suit o astronaut suit ang pinaka-main motif. May mga nakasuot din ng mga gown na kawangis ng sa mga monghe at pari. May mga nakapulupot na mga lobo sa balikat ng karamihan sa mga tao. Hawak naman ng mga maliliit na bata ang kani-kanilang mga lobo. Wala sa loob ng templo ang karamihan kundi nasa labas kung saan natayo ang malaking projection screen sa tabi ng malaking pavilion. Puno na ang loob ng maliwanag na templo. Makikita mula sa screen ang huklubang mukha ng isang matandang lalake na kasalukuyang nakatayo sa pulpita sa loob ng templo habang may tangan na wireless microphone sa isang maugat na kamay. Nakasuot ito ng kulay berde na spacesuit. Kalbo ito at may mahabang balbas. Kahawig nito ang fictional X-Men character na si Professor X, but this time, may balbas na version at hindi pilantod na nakaupo sa isang hi-tech wheelchair. Hawak nito ang isang tungkod sa isang kamay. Manghang-mangha sila sa nakikita. Sa likod ng malaking templo ay makikita ang medyo nagtataasang mga structure at building na parang mga bunkers. Sa bawat rooftop ay may mga helipad na nakahimpil. Sa isang rooftop ay may isang helicopter na makikita. Kapansin-pansin din ang mataas na tore sa bahaging gitna sa tabi ng templo na tila isang kakaibang watchtower na gawa sa bato. "Tara sa loob," suhestyon ni Lily. Medyo malakas ang boses nito para marinig nila. "It's already full, Ma," sabi naman ni Duncan. Napapaligiran sila ng maraming tao. Animo'y nasa loob sila ng isang napakalalawak na arena. Bakas sa mukha ni Duncan ang pangamba habang palinga-linga sa paligid. Ayaw niya sa mga lugar na sobrang dami ng tao. It makes him feel uneasy. Sa tuwing nasa gitna siya ng napakaraming tao ay lagi niyang naiisip na baka may maghagis ng bomba mula sa kung saan o hindi kaya ay may sumigaw ng bomba dahilan upang magkagulo at magkaroon ng malaking stampede. Malakas ang kutob niya na kapag may nangyaring stampede ngayon ay tiyak na isa siya sa mga magkakabali-bali ang mga buto at susuka ng maraming dugo. Magmumukha siyang na-flat na pizza sa gitna ng kalsada. The three of them were being surrounded by strangers. Duncan was being surrounded by strangers. He felt so small. So insignificant amidst the crowd. Napasinghap siya nang may humawak sa kamay niya. "Kuya Duncan," tawag ni Sasha sa kaniya. "Huwag kang lalayo sa amin. Baka maligaw ka." Inirapan niya ito. "Oh brethrens, the end is near! They are going to descend from the sky and judge us according to our earthly deeds. It's almost time!" Nagsigawan ng "Alien!" ang karamihan sa mga taong nanonood mula sa loob at labas ng Alienism Temple. Sa bungad ng malaking pintuan ng templo sila nagtungo. Kita nila mula sa kanilang kinatatayuan ang mismong matanda na nagsasalita sa hindi kalayuan. Habang nagsasalita ito ay may nagpapatugtog ng piano sa mabagal at mahinang saliw na sumasabay sa bawat pagsasalita nito at nag-iiba ang pitch depende sa lalim o gaan ng pag-ka-ka-deliver ng mga salita. "We will soon go to a beautiful place," pagpapatuloy pa ng matanda sa tila nananaginip (at nangangarap) na tinig. "There will be no sorrow. No hunger. No war. Only the forever. And forever. And forever without end. Alien?!" "Alien!" sigawan ng karamihan sa mga tao na nakasuot ng spacesuit. Ang iba ay nag-iiyakan pa at humihikbi habang hawak ang kani-kanilang mga space helmet at nagpupunas ng mga luha gamit ang panyo. Damang-dama sa lugar na 'yon ang bigat at dedikasyon ng nagsasalita sa pulpita. Ang ilan ay nahimatay pa. Napailing si Duncan. Kanina pa niya pinipigil ang nagbabadyang pagtawa. Lalo na nang muling sumigaw ng alien ang mga tao. Si Sasha naman ay interesadong-interesado sa nakikita at napapakinggan. Lalo na nang sabihin ng nagsasalita sa unahan na parating na ang Elohim upang wasakin ang mundo kasama ang mga masasamang tao na naninirahan dito. Darating daw ang mga ito sakay ng mga high technological spaceships mula sa wormholes na lilikhain ng mga ito upang marating ang Earth. Sumigaw din ang bata ng "Alien!" nang tanungin ng matanda kung "Alien?" Bahagyang nakasimangot naman si Lily. Nakahalukipkip at tahimik na nakatanaw sa screen kung saan makikita ang balbas-saradong mukha ng matanda. "Hindi ito ang ating bayan. Tayo'y mga naglalakbay lamang dito sa magulong sanlibutang ito. But all shall come to pass, brothers and sisters. The New Jerusalem shall come down in heaven to deliver us to the Promised Land. In a new Heaven and Earth. In another planet. A planet teeming with milk and honey. Teeming with extra-terrestrial life. A whole new world. Our would-be paradise. And we will no longer be... Aliens anymore. Because we will finally... be home." Palakpakan ang mga tao sa sinabi ng matanda. Ilang sandali rin itong nakangiti habang nakatunghay sa hindi mahulugang karayom na dami ng mga tao. Makikita ang mga ngipin nito na gawa sa ginto na kumikislap sa tuwing tinatamaan ng liwanag mula sa mga nakasinding neon lights at spotlights na nakatutok rito. "Sa mga bagong dating na mga Earthians at hindi pa kabilang sa aming samahan, hayaan ninyong ipakilala kong muli ang aking sarili," sabi ng matanda in a mystical tone of voice. "Ako si Maximum Level Master Gustavo Korondo, ang Huling Intergalactic Ambassador o Huling Sugo ng Elohim sa mga Huling Araw. Ako ang Pintuan. Ako ang Liwanag. Ako ang Daan. At ako ang nagtayo ng Alienism bilang pagsunod sa pinag utos ng Elohim." Iginala nito ang tingin sa paligid. "At inaasahan namin at aming hinihiling na makasama namin kayo at maging Aliens din na kagaya namin. Don't be Earthians no more, dearest people of this island. This is really not our world! There is something more than this. And we are destined to go there!" Palakpakan muli. "Patunayan mo!" Biglang tumigil ang palakpakan. Napako ang lahat ng tingin kay Duncan. Marahang naibaba ni Master Korondo ang hawak na mike at binigyan ng mapanuring tingin si Tesla na ngayon ay hawak-hawak na ang sariling bibig. Natahimik ang lahat. Tanging ang mahinang pagtugtog ng organ at okasyonal na pag-iyak ng ilang mga sanggol na kasama ng ilang mga magulang na naanyayahan sa congregation ang maririnig. "Duncan, ano'ng ginagawa mo?" bulalas ni Lily. Napadako ang tingin nito sa paligid at nakitang nakatingin ang mga tao sa anak at maging sa kanya. Ang ilan ay nakangiti. Ang iba ay tahimik lang na natatawa at naiiling. Pero karamihan ay mga nakasimangot at halatang na-offend at nagalit sa ginawang labis na kalapastanganan ni Tesla. Ang ibang mga Alien ay nagtanggal pa ng mga suot na space helmet upang mapagmasdan nabg maigi ang matapang na naghamon sa kanilang pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD