Rizza's Pov MAY NGITI sa labi akong nakaupo sa backseat habang papauwi kami ni kuya Kevin. Gusto ko pa sana pasakayin si Lisa para idaan nalang sana namin siya para naman hindi sayang ang pamasahe. Ngunit hindi pumayag si kuya Kevin dahil tumawag daw si kuya Sid sa kanya tinatanong daw kung nasa bahay na ba daw ako. Naawa tuloy ako sa kaibigan ko dahil halatang iniiwasan siya ni kuya Kevin. Pero yung tuwa ko talaga ngayon ay abot langit dahil kami na ni sir Deimos. Panay ang text niya sa 'kin kung tama ba daw ang pagkakarinig niya. Hanggang ngayon yata ay hindi parin siya makapaniwala na kami na. Natatawa tuloy ako habang nag re-replay sa kanya. Para talaga siyang timang dahil paulit-ulit ang text niya sa 'kin. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa subdivision kaya tinago ko

