Rizza's Pov TAHIMIK lang ako habang nag-aayos sa bag ko dahil papasok na naman ako ngayong umaga. Nilagay ko na din ang notebook na ibibigay ko kay Lisa at sinabi ko na din sa kuya ko yun. Pumayag naman siya para naman daw hindi matambak kapag hindi ko nagamit. Sabi ko na eh, matulungin talaga kuya ko, ayaw lang magpahalata. Nang matapos akong mag-ayos ay tumayo na din ako para maligo. Pumasok ako at agad na tinungo ang shower room. Naghubad ako ng saplot sa katawan saka ko binuksan ang shower. Tahimik lang akong naliligo at iniisip kung ano na naman ang gagawin ni Deimos para makalapit sa 'kin. Mabuti na nga lang kahapon ay hindi nagtaka ang si kuya Kevin kung bakit hindi ako sumakay agad sa kotse. Nakahanda na kasi ang palusot ko kong sakali na magtanong man siya. May dala kaya

