Rizza's Pov NAKARATING KAMI ni kuya Kevin sa tapat ng eskwelahan kaya iginilid niya ang sasakyan. Dali-dali akong bumaba ng kotse dala ang bag na may lamang gamit na ibibigay ko kay Lisa. Naglakad na ako agad papasok ng gate at panay ang lingon ko kung nandito ba si Deimos. Bigla akong nalungkot dahil wala siya. Akala ko pa naman ay nag-aabang siya sa 'kin sa labas ng gate. Pumasok ako ng tuluyan sa gate at hindi na ako naghintay na dumating si Deimos. Baka kasi malate na ako. Na traffic kasi kami ni kuya Kevin dahil nagkamali siya ng likod. Naipit tuloy kami sa traffic. Dali-dali akong naglakad papunta sa classroom namin at mamaya ko nalang iisipin si Deimos. Ang mahalaga ngayon ay hindi ako malate. Malapit na ako makarating sa classroom namin pero hingal na hingal ako sa kakamad

