Rizza's Pov Tumingin lang sa 'kin si sir Deimos at ibinalik ang tingin niya kay sir Sid. "Nagpapakitang gilas ka ba kay Rizza?" Tanong ni sir Deimos kay sir Sid kaya nanlaki ang mata ko. Bakit naman kasi naisip yun ni sir Deimos tanungin. Para naman siyang timang. "Sir Deimos! Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko pa at dali-dali akong lumapit sa kanya at tinulak siya papasok ng gate kahit ang bigat niya. "Pumasok na nga po tayo, sir Deimos." Sabi ko pa habang tinutulak ko siya papasok ng gate. "Ayaw ko pa! Mag uusap pa kami ng lalaking yan.." hirit pa niya pero hindi ko siya tinigilan kakatulak papasok habang tumitingin ako kay sir Sid para humingi ng paumanhin. Nakakahiya kasi ang ginagawa ni Sir Deimos. Nagtagumpay naman ako sa pagtulak kay sir Deimos at nakahinga nang maluwag.

