Rizza's Pov LUMIPAS pa ang mga buwan at talagang unti-unti na akong natuto. Kahit hindi pa naman ako masyadong magaling ay ayos lang basta ang mahalaga ay may natutunan ako. Nagleleksyon ulit si sir Deimos sa 'kin at aliw na aliw ako dahil bibigyan daw niya ako ng quiz. Ganito lang ang routine namin dalawa, dalawang oras niya akong tinuturuan. Ako naman ay palagi lang nakatulala sa kanya sa t'wing nakikinig ako. Ang gwapo naman kasi ni sir Deimos kaya minsan ay ang nasasagot ko pangalan niya. "Here. Sagutan mo 'to lahat, Rizza." Seryoso niyang sabi. Napanguso ako ng makita ko na ang hirap ng mga tanong. Ang bad talaga ni sir Deimos eh, balak akong pahirapan. "Bakit naman ganito ang question, sir Deimos? Ang hirap naman." Reklamo ko sa kanya. "Madali lang yan, Rizza. Wag kang ma

