Rizza's Pov NANDITO ako sa bahay namin at nagmumukmok ako dahil pinagalitan na naman kasi ako ng magaling kong kuya. Nalaman kasi niya na hindi ako pumasok sa school nong isang araw. Nalaman din niya na magkasama kami ni Deimos. Hindi ko lang sure kung alam niya na nagpa enroll si Deimos sa school. Hindi ko na lang sinabi at hindi na ako sumagot pa para hindi na humaba ang sermon ng kuya ako. Wala akong pasok ngayon kaya nandito lang talaga ako sa kwarto. Bawal daw ako lumabas sabi ng kuya kong may saltik. Hindi yata naka score kay ate Macy kaya ako na naman ang inaaway. Nandito din si kuya sa bahay at hindi daw siya aalis sa bahay na 'to dahil babantayan daw niya ako. Kaya heto ako ngayon.. lonely na muna ang mood dahil walang nagpapakilig sa mani ko. Pati cellphone ko nga ay ki

