Rizza's Pov DINALA ako ni sir Deimos sa rest house niya at sumama talaga ako. Maaga pa naman kaya sumama ako sa kanya. Mamaya ko nalang iisipin kung anong gagawin ko mamaya. Sana lang talaga hindi ako mahalata ni kuya Kevin na wala ako sa school. "Sayo talaga 'to, sir Deimos? Ang ganda po ng rest house mo." Sabi ko sa kanya habang pinapalibot ang tingin sa kabuuaan ng bahay. "Yeah, ngayon lang din ako bumalik dito, Rizza. Matagal- tagal na din kasi akong hindi pumupunta dahil nasa malayong lugar ang mommy at daddy ko." Sabi niya sa 'kin kaya napatango- tango ako. ''Hindi ka ba nila pupuntahan dito, sir Deimos?" Tanong ko pa kaya napangiti siya. "Busy na sila sa mga sarili nilang pamilya, baby." Sabi niya. Para bang may lungkot sa boses niya habang sinasabi niya yun. "A-Anong ibi

