Rizza's Pov MATAPOS ang pagwawalis ko ay hindi ko parin pinapansin si sir Deimos. Ngunit wala akong magawa ng harangan niya ako sa gate. Papasok na sana kasi ako dahil tapos na ako magwalis. Pero paano ako makakapasok kung hinaharangan niya ang gate. "Nakikipag landian ka ba sa lalaking yun, Rizza?" Tanong niya habang magkasalubong ang kilay niya. "Po?" Gulat kong tanong sa kanya. "Wag ka ng mag maang-maangan pa. Dinig na dinig ko ang pag- uusap niyo. Akala ko pa naman inosente ka?" Tanong niya sa 'kin habang naka taas ang isa niyang kilay. "H-Hindi ko po alam ang sinasabi mo, sir Deimos. Napadaan lang naman po si sir Sid kanina. Yun lang naman po yun," sagot ko dahil yun lang naman talaga yun. Hindi naman siya nagsalita pa at masama paring nakatitig sa 'kin. "Wala akong pakiala

