Rizza's Pov MAAGA akong nagising ngayon para magwalis na muna sa labas ng bahay ni sir Deimos. Naisipan ko na hindi ko na muna isusuot ang uniporme ko para komportable ako. Magsusuot na lang muna ako ng damit na maluwag para hindi makita ang dibdib ko. Bumangon ako sa higaan at inayos ko na muna ang kumot pati na din ang unan. Nang matapos ako ay pumunta na ako ng banyo para maghilamos at magpalit na din ng panty kong suot. Para kasing basa ang panty ko. Naalala ko tuloy ang panaginip ko. Nasa panaginip ko kasi na kinakain ako ni sir Deimos. Hindi din ako nakatulog agad kagabi dahil hindi na mawala yun sa isipan ko. Kahapon din ay hindi na lumabas si sir Deimos sa kwarto niya kaya hindi na ako naghanda ng hapunan. Wala naman akong gana kumain kaya hindi ko na pinilit pa ang sarili k

