Rizza's Pov PUMUNTA kami ni sir Deimos sa sinabi niyang shop. Ngayon ko lang nalaman na sa coffee shop pala, kaya naman pala sinabi niya na dito na din kami magkakape. Natuwa naman ako dahil gusto ko talagang makapasok sa ganitong lugar. Ang ganda kasi ng design ng coffee shop. Parang sa laptop ko nga lang 'to napapanood eh. Pero ngayon nandito na talaga ako. "Nagustuhan mo ang coffee shop?'' Tanong sa 'kin ni sir Deimos. Tumango naman ako habang nakangiti. "Ang ganda po, sir Deimos. Naguguluhan na talaga ako kung anong gusto ko po sa buhay." Sabi ko dahil nong una gusto ko yung nasa hotel yung mga babae na nasa harap at bumabati sa mga darating na guest. Ngayon naman ay parang gusto kong magkaroon ng coffee shop. Yung pangarap ko ang taas kahit hindi naman ako nakapag-aral. Wala nam

