Rizza's Pov LUMIPAS ang tatlong araw ay talagang hindi umalis si Madelyn sa bahay ni sir Deimos. Natatawa nalang si sir Deimos dahil pinagkuskus niya ng kubeta ang babae at walang ginawa kundi ang tumili ang babae. Lahat yata ng gawaing bahay ay pinapagawa ni sir Deimos sa kanya. Akala ko nong una ay susuko na si Madelyn dahil halata naman sa mukha niya na may hinahabol siya kay sir Deimos. Siguro ay pera na naman. Nalaman ko kasi na pera ang kinuhw niya dati kay sir Deimos. Habang magkarelasyon pala sila ni sir Deimos ay may karelasyon din siya iba. Kalaban sa negosyo ni sir Deimos kaya siguro hinuthutan niya ng pera ang binata. Hindi daw kasi nalaman ni sir Deimos agad dahil akala niya mahal na mahal siya ng dalaga. Lahat daw ay binigay niya sa babae pera, mga magagandang gamit at l

