Rizza's Pov
TUMATAKBO parin ako sa masukal at madilim na lugar. Hindi ako huminto kahit pa natatakot ako dahil ang dilim ng paligid. Nadapa din ako kanina pero agad naman akong tumayo at pinagpatuloy ang pagtakbo.
Mas natatakot pa ako na baka maabutan ako ng ama ko at mapatay niya tulad ng ginawa niya kay manang. Ayaw kong mangyari yun sa 'kin dahil sabi ni manang ay masakit daw yun kapag tumama sa katawan. Yung isipan ko ay takot na takot talaga at kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko.
Habang tumatakbo ako ay may nakita akong isang makipot na daan kaya dali-dali kong tinungo yun kahit hindi ko na alam kung tama pa ba ang dinaraanan ko. Hindi na ako nag iisip ng tama. Kahit natatakot ako ay nilalakasan ko nalang ang loob ko.
Hindi ko na iniinda ang sakit ng paa ko dahil sa pagtakbo ko kanina ng mabilis. Mahapdi din ang braso ko ngunit hindi ko na tinignan dahil hindi ko din naman makita dahil sa madilim ang paligid.
Tumingin ako sa likod ko at baka nakasunod na pala sa 'kin si papa. Ngunit hindi ko makita si papa pero tumakbo parin ako.
Habang tumatakbo ako sa makipot na kalsada ay napunta ako sa isang patag at wala ng damo ang natatapakan ko. Huminto muna ako saglit at nag iisip ako kung tama ba ang ginagawa ko. Habol ko ang hininga ko at inisip ng mabuti kung anong kahihinatnan ko kapag tinuloy ko ang gagawin ko. Pero alam ko din naman na kapag hindi ako tumuloy sa pagtakas ko ay mamatay ako sa kamay ni papa. Kaya tumakbo nalang ako muli dahil buo talaga na ang desisyon ko.
Takbo lang ako ng takbo habang hinihingal. Nauuhaw na ako ngunit hindi ko na inisip yun dahil mas kailangan kong makatakas sa aking ama at makalayo sa kanya para hindi masayang ang sakripsiyo ni manang sa 'kin.
Sa aking pagtakbo ay may nakita akong nakaparadang sasakyan na katulad kay papa. Pero kakaiba ang sasakyan na ito dahil bukas ang sa likod na kasya yata ako kapag sumakay.
Tumingin pa ako sa paligid at hindi ko na naisip na baka magalit ang may-ari ng sasakyan kapag nahuli ako. Ito na lang ang naisip ko na paraan kung saan ako pwedeng magtago.
Hindi ako marunong umakyat dahil unang beses kong makalapit nito. Pero alam ko ang tawag nito dahil na din kay manang na taga turo sa 'kin ng mga bagay- bagay.
Tuluyan akong naka sampa sa sasakyan at nakita na may mga basket dito. Hindi ko alam kung ano ang mga laman ngunit sinubukan kung magtago at baka makita ako ni papa.
May nakita akong manipis na kumot kaya do'n ako sumiksik. Pinapakinggan ko lang ang paligid at baka marinig ko ang boses ng aking ama para mas lalo akong makatago. Hindi ako papahuli sakanya.
Ngunit ang tanging naririnig ko lang ay ang mga sanga ng puno na tinatangay ng hangin. Ilang sandali pa ay may narinig ako na hindi ko alam kung ano ang tawag.
Ayaw kong ilabas ang ulo ko at baka si papa yun. Ngunit nanlaki ang mata ko dahil para akong dinuduyan. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa 'kin at nakitang gumagalaw ang sasakyan.
"T-Teka.. bakit umaandar 'to?" Natanong ko pa sa sarili ko. Nagulat pa ako dahil muntik ng matumba ang basket na nasa harapan ko kaya dali-dali kong hinawakan yun.
Panay lang ang tingin ko sa paligid habang ang buhok ko ay tinatangay ng hangin.
Hindi ko mapigilang antukin dahil para talaga akong dinuduyan. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa isa pang basket at ipinikit ang aking mga mata.
Sobrang pagod ang nararamdaman ko dahil na din sa pagtakbo ko kanina.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala talaga ako.
Nagising lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at halos napasigaw ng may makita akong nakatayong tao sa paanan ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nakakatakot ang itsura ng lalaki. Magkasalubong pa ang dalawa niyang kilay.
"Who the hell are you?!" Sigaw ng lalaki sa 'kin pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n.
Napalunok ako ng ilang beses saka hinawakan ng mahigpit ang kumot na nakatakip sa katawan ko. "P-Pasensya na po.. pero pwede po ba wag ka po magalit sa 'kin." Nauutal kong sabi. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na galit siya dahil ganyan din ang itsura ng ama ko sa t'wing nagagalit.
"Bakit hindi ako magagalit kung may nakita akong tao na nakasakay sa kotse ko. Sino ka ba? Paano ka napunta sa sasakyan ko?" Tanong niya habang matalim ang mata niya na nakatingin
sa 'kin.
Gusto ko ng maiyak dahil ganito din si papa sa 'kin. Napapatanong nalang ako sa sarili ko kung lahat ba ng tao ay laging galit.
"S-Sumampa po ako sa sasakyan." Sagot ko na nauutal pa. Natatakot ako sakanya pero kailangan kong sagutin ang tanong niya. Hinihiling ko lang na sana ay wag niya akong saktan katulad ng ginagawa ng aking ama.
"Sumampa? Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong niya habang ang dalawa niyang makakapal na kilay ay magkasalubong parin.
"Kasi.. hinahabol po ako ng ama ko. Papatayin po niya ako. Kaya tumakas po ako kagabi. Pasensya na po kung sumampa po ako sasakyan mo. Hindi ko na po alam ang ginagawa ko." Nahihiya kong sabi at yumuko. Hindi ako makatingin sakanya dahil naiilang ako sa titig niya.
"Bumaba ka diyan sa sasakyan." Sabi niya sa maatoridad na boses.
Dali-dali naman akong tumayo at sinubukan bumaba sa sasakyan. Ngunit hindi ko magawa dahil hindi ako marunong. Naka ilang subok ba akong bumaba habang ang lalaki ay pinapanood lang ako.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang bewang ko. Para bang tinutulungan niya akong makababa sa sasakyan.
Nang makababa ako ay nahihiya akong tumingin sa lalaki. Sobrang lapit kasi niya sa 'kin kaya nahihirapan akong huminga. Ito ang unang beses na may nakatabi akong lalaki.
"A-Alis na po ako, mister. Pasensya na po ulit sa ginawa ko." Saad ko saka ako yumukod para humingi ng tawad. Alam kong mali ang ginawa ko kaya dapat lang na humingi ako ng pasensya. Nagawa ko lang naman yun dahil ayaw mo pang mamaalam sa mundo. Natatakot ako na baka mamatay ako na kunti lang ang kaalaman sa mundo. Malaki ang pasasalamat ko kay manang dahil kahit papano ay may natutunan ako sakanya.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang nakayuko parin. Inaalala ko si manang na nagsakripisyo para lang makatas ako sa aking ama.
"Bakit may mga sugat ka?" Biglang tanong ng lalaki.
Nag angat ako ng mukha at nakita na nakatingin pala siya sa mga sugat at pasa ko sa braso. Nakuha ko yun ng saktan ako ni papa nong isang araw. Malapit naman na mawala ang pasa pero mahahalata parin dahil sa balat ko na maputi.
"Ahm.. binubugbog po ako ng ama ko kaya po ako may mga sugat at pasa." Nakangiti kong sagot. Akala ko ay magsasalita pa ang lalaki ngunit hindi ko na narinig pa ang boses niya.
"Alis na po ako.." sabi ko na lamang saka ko yumukod ulit sakanya. Umayos ako ng tindig at nagsimula na akong maglakad palayo sakanya.
Paika-ika pa ako naglakad dahil kumikirot ang paa ko. Hindi ko mapigilan na mapangiwi habang humakbang. Dahil siguro 'to sa pagtakbo ko kagabi.
"Sandali.." dinig kong sabi ng lalaki kaya napahinto ako sa paghakbang.
Lumingon ako sa lalaking may itsura ngunit laging galit ang mukha niya.
"Ano po yun?" Tanong ko sakanya. Hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako sakanya.
"May dugo ang suot mong bestida." Sabi ng lalaki kaya dali-dali kong hinawi ang suot mong bestida na puti at nakita ang pulang mantsa sa bestida ko. Sinabi sa 'kin ni manang ang buwanang dalaw naming mga babae. Hindi ko man lang alam na meron na pala ako ngayong buwan.
Ngumiti ako sa lalaki at itinago ang tagos sa bestida ko. "Buwanang dalaw ko po. Sige po, alis na po ako." Pagpapaalam ko ulit habang nahihiya dahil nakita niya ang tagos ko. Sabi kasi ni manang ay dapat daw hindi ko ipakita na may tagos ako. Dapat daw ay nag suot ako ng makapal na tela katulad ng pinapagamit niya sa 'kin. Nahiya tuloy ako sa gwapong binata dahil siya pa talaga ang unang nakakita ng pulang mantsa sa bestida ko.
Naglakad ako muli ngunit napahinto ako ng marinig kong tumikhim ang lalaki. Hindi ko siya nilingon dahil nahihiya parin ako. "Dumito ka na muna. Magpalipas ka muna ng isang araw saka ka umalis sa pamamahay ko." Sabi niya saka siya naglakad palayo sa 'kin. Ako naman ay napakurap-kurap sa sinabi niya at hindi ko alam kung tama ba talaga ang pagkakarinig ko sa sinabi ng gwapong lalaki.
Mukhang anghel pa naman ang lalaki dahil sa maputi siya at gwapo. Gusto ko pa sana siyang makausap pero naisip ko na mangmang nga pala ako at baka hindi kami magkaintinidihan. Tatahimik nalang siguro ako kapag kausap ko siya. Isa din sa iniisip ko na mabuti na lang ay nakakasagot pa ako ng maayos sakanya kahit pa nga natataranta ako.
Ano kaya ang pangalan niya? Sakin kasi Rizza. Sakanya kasi hindi ko pa alam. Siguro maganda pangalan niya dahil kaaya-aya siyang lalaki. Sana malaman ko ang pangalan niya bago ako tuluyang magpaalam sa bahay niya. Gusto kong magpasalamat sakanya dahil pinayagan niya ako na tumuloy muna sa bahay niya. Hindi naman niya ako kilala kaya hindi niya ako dapat tulungan.
Siguro ay may mabait talaga siyang kalooban kaya siguro niya ako pinayagan.