Chapter 4

2003 Words
Rizza's Pov PINAYAGAN ako ng lalaki na tumuloy ng isang araw sa malaki niyang bahay. Hindi ako pumasok agad sa bahay niya dahil masyadong malaki at baka maligaw ako. Ayos na siguro kong do'n ulit ako sa sasakyan tutuloy. Sapat naman na sa 'kin yun dahil ganun naman ka liit din ang silid na tinutulugan ko sa bahay ni papa. Naisipan ko nalang na hindi na pumasok sa bahay ng binata at umakyat ulit ako sa sasakyan. Humiga ulit ako kahit masakit sa likod. Nakakagalaw na ako ng maayos dahil wala na ang mga basket na katabi ko kagabi dito. Siguro ay kinuha na ng lalaki kaninang umaga. Nakatitig lang ako sa kalangitan dahil ang ganda pagmasdan nito. Naalala ko si manang dahil dati ay hindi ko alam ang pangalan no'n. Sabi ko pa dati kung paano ako makakapunta sa tinatawag niyang kalangitan. Tinawanan lang ako ni manang dahil kailangan ko pa daw mamatay para makapunta ako do'n. Sabi pa niya na hindi daw lahat ng tao ay nakakapunta sa langit. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero sabi niya sa 'kin may mga masasama din daw na tao katulad na lang daw ng ama ko. "Siguro.. nasa langit ka po manang. Tinulungan mo po ako na makatakas kay papa." Saad ko habang nakatitig parin sa kalangitan. Nasisilaw din ako kaya hinarang ko ang isa kong palad sa itaas ng mata ko. "Ang ganda po ng kalangitan, manang. Sana makapunta din po ako diyan." Dagdag ko pang sabi na para bang nakatitig sa 'kin si manang. Sigurado ako na nasa kalangitan siya dahil mabait talaga siya. Simula ng bata ako ay siya na ang nag alaga sa 'kin. Umiiyak din siya kapag sinasaktan ako ni papa. Siya ang gumagamot sa sugat ko at siya ang nag-aalaga sa 'kin. Napaka swerte ko dahil nakilala ko si manang. Sana, payapa siya kung nasa'n man siya ngayon. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng tinuro niya sa 'kin kaya kahit paano ay hindi ako mang-mang. Inaamin ko na marami akong walang alam pero kahit papano ay may konti akong alam dahil kay manang. Yung mga numero na alam ko ay hanggang 50 lang. Tinuruan kasi ako ni manang magbilang pati na din ang alphabet na sinasabi niya. Sa sulat naman ay kaya kong isulat ang pangalan ko at iba pa. Minsan nga lang ay mali-mali ang letra ko ngunit tinuturuan naman ako ni manang. May isang beses na nagdala siya ng tinatawag na libro. Tinago-tago pa yun ni manang upang hindi makita ni papa. Ayaw kasi niya akong matuto kahit isa man lang. Kaya palaging patago ang ginagawa ni manang. Kapag alam niya na tulog na si papa ay saka niya ako tuturuan. Nakangiti ako habang inaalala ko kung paano ko nakasama si manang. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko na siya makikita pang muli. Nakakalungkot lang isipin na dahil sa galit ng aking ama ay nakapatay siya ng tao. Nandamay pa siya ng ibang tao na inosente. Habang nakatulala ako ay nabigla ako ng sumulpot ang lalaking matangkad na may kaaya-ayang mukha. Katulad kanina ay ang dalawa niyang kilay ay magkasalubong na parin. Naalala ko tuloy si papa na laging galit sa 'kin. Ganito din ang itsura niya kaya talagang natatakot ako pumasok sa bahay niya kahit pa nga sinabi niya na tumuloy ako kahit isang araw. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na pumasok ka sa bahay ko." Sabi ng lalaki. Sigurado ako na galit siya dahil sa boses niya. "Bakit nandito ka na naman sa kotse ko?" Tanong niya ulit sa 'kin. Bumangon ako at umupo. Nagkamot ako sa likod ng ulo ko saka ko tinuro ang malaki niyang bahay. "Masyado pong malaki ang bahay mo. Natatakot po ako na pumasok at baka maligaw po ako." Pagsasabi ko ng totoo. Iniwan kasi niya ako kanina ng sabihin niya na pwede akong tumuloy sa bahay niya. "Bumangon ka diyan at sumunod ka sa 'kin." Saad niya saka tinalikuran ako. Dali-dali akong bumaba sana sa sasakyan ngunit hindi na naman ako marunong bumaba. Nahihirapan talaga ako at muntik ng madulas ang isa kong paa. Ang akala ko ay mahuhulog na ako pero may humawak sa bewang ko. Napasinghap ako ng makaramdam ng kakaiba sa taong humawak sa bewang ko. Ganito din yun kanina ng sagipin niya ako dahil hindi din ako marunong bumaba. Nang makababa ako ay agad akong umatras palayo sa lalaki. "S-Salamat po.." saad ko saka nahihiyang yumuko. "Sumunod ka sa 'kin." Sabi niya sa baritonong boses. Nauna na naman siyang maglakad at ang hakbang niya ay malalaki. Ako naman ay agad na tumakbo para makasunod sakanya. Panay din ang tingin ko sa paligid dahil ang gaganda ng puno na parang patusok ang tuktok. Binuksan ng lalaki ang pintuan ng bahay niya. Namangha din ako sa pintuan ng bahay niya. Para din 'tong makapal, hindi katulad sa bahay ni papa. Nakapasok siya sa bahay kaya sumunod din ako. Agad ko namangha sa loob ng bahay ng lalaki. Ang ganda no'n ngunit hindi ko alam kung ano ang mga bagay na yun. Pati ang ilaw na nakasabit ay marami at parang may mga kurting baso na hindi ko alam kong anong tawag. Kumikinang din yun pati na ang kakaibang mesa na nasa pagitan ng kulay itim na upuan. "Ang ganda ng bahay. Mayaman ka po ba?" Tanong ko sa lalaki na nakatayo sa unahan habang nakatitig sa 'kin. "Pwede kang tumuloy dito sa bahay ko ngayon. Bukas ay pwede ka ng umalis." Saad niya habang ang mukha niya ay walang ka emosyon-emosyon. "Here, use this. May banyo diyan kaya pwede kang maligo." Saad niya saka hinagis papunta sa 'kin ang hawak niyang damit. Nasalo ko naman yun at sinundan ng tingin ang tinuro niya na banyo. Tumango naman ako kahit hindi naman siya nakatingin sa 'kin. Kailangan ko na talagang maligo dahil may mantsa ang suot kong bestida. Naglakad ako papunta sa tinuro niyang banyo. Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Sumilip muna ako at napa awang ang labi ko sa ganda ng banyo. Medyo malaki din yun kumapara sa banyo na nasa bahay ni papa. Pumasok ako sa loob ng banyo at isinara ang pinto. Inilibot ko muli ang paningin ko sa ganda ng banyo. Parang mas maganda pa yata 'to kaysa sa silid ko sa bahay ni papa. May nakita akong malaking salamin kaya lumapit ako do'n. Nakita ko agad ang mukha ko na may pasa pa sa gilid ng labi ko. Magulo din ang buhok ko na para bang sinabunutan. Nakakahiya pala ang itsura ko. Tumingin ulit ako sa paligid at pinagmasdan ang isang kulay puti na hindi ko alam kung anong tawag. Basta para sa 'kin ay pwede akong humiga do'n dahil kasya ako. Pero may gripo do'n na nakalagay kaya sigurado ako na hindi higaan ang nakikita ko. Tumingin ulit ako sa paligid at hinanap ang balde at tabo. Pero kahit anong gawin kong hanap ay wala akong makita. Siguro ay hindi gumamit ang lalaking yun ng balde. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung paano ako maliligo. Yun lang kasi ang alam kung gamitin dahil yun lang naman ang nasa bahay ni papa. Nakahanap ako ng maliit na balde pero may nakalagay na plastic. Kinuha ko nalang muna yun para gawing balde. Ibabalik ko nalang ang supot mamaya kapag natapos na akong maligo. Nakahanap nga ako ng balde pero wala naman akong mahanap na tabo. Hindi ko din alam kung saan ako kukuha ng tubig. Tumingin ulit ako sa paligid at nakitang may maliit na gripo sa isang maliit na kwarto na may nakaharang na salamin. Kahit nagdadalawang isip ako ay pumasok parin ako do'n at bakasakaling tama ang nasa isip ko na dito kumuha ng tubig. Nang makapasok ako ay may nakita akong gripo at may isa pa sa taas na hindi ko alam kung anong tawag. Hindi ko na pinakilaman ang nasa taas kaya ang binuksan ko ay ang gripo na nasa baba. Sinagga ko ang itim na nakuha ko at hinugasan muna 'to. Sinangga ko yun at hinihintay na mapuno. Tinanggal ko nalang din muna ang saplot ko sa katawan para makaligo na ako. Nang mapuno yun ay dali-dali akong ibinuhos yun sa katawan ko. Para akong nakahinga ng maluwag dahil ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Nagbuhos ulit ako saka ko hahaplusin ang katawan ko. Hindi ko alam kung gagamit ba ako ng sabon dahil wala akong makita. May mga bote kasi do'n pero natatakot ako kumuha dahil hindi ko alam kung para saan yun. Hindi ko kasi mabasa ang mga nakasulat dahil kunti lang naman ang kaalaman ko pagdating dito. Kaya mas pinili ko nalang na maligo na hindi nagsasabon. Tubig nalang ang ginawa ko hanggang sa matapos ako. Pati ang suot kong bestida ay nilabhan ko para mawala ang pulang mantsa do'n. Nahirapan ako sa pagtanggal pero nagawa ko parin naman. Medyo may kunti pa na mantsa pero hindi na katulad kanina na pulang-pula. Natapos akong maligo at sinampay ko ang bestida ko sa pader dito na salamin. Pwede ko naman siguro sampayan dito para matuyo ang bestida ko. Ngayon ko lang naalala na wala pala akong tela na pwedeng gamitin pangpunasa sa katawan ko bago ko isuot ang damit. Napabuga ako ng hangin at naisip nalamang na patuyuin ang sarili ko. Nakatayo lang ako habang hinihintay na matuyo ang katawan ko. Piniga ko din ang buhok ko para mawala ang tubig. Nang mapansin ko na tuyo na ang katawan ko ay isinuot ko na ang damit na binigay sa 'kin ng lalaki. Kulay itim yun at may binigay din siyang itim na pajama. Pero mahaba sa 'kin pero ayos na din dahil makakapagpalit ako ng damit. Habang nagbibihis ako ay hindi ko maiwasan mag-isip kung saan ako pupunta bukas. Nahulog ko ang binigay ni manang na papel kung saan nakasulat kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko bukas at kung saan na ako pupulutin. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko para bukasa dahil sigurado ako na wala akong tutulugan at kakainin. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa pagtakas ko o hindi. Mas lalo lang yata lumala ang sitwasyo ko sa pagtakas ko kagabi. Kahit kasi sinasaktan ako ni papa ay nakakakain parin ako at may hinihigaan. Ngayon na tumakas ako ay hindi ko alam kung may hihigaan ba ako bukas. Natatakot ako sa ginawa ko pero kailangan kong manindigan sa plano ko. Sana gabayan ako ng panginoon na laging sinasabi sa 'kin ni manang. Mabait daw kasi ako na bata kaya gagabayan daw ako ni papa God. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero sabi ni manang sa 'kin ay manalig lang daw ako palagi. Napabuga ako ng hangin dahil namimiss ko na si manang. Nasanay ako na siya ang kasama ko kaya hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita o kasama. Kung sana lang ay tumakas na ako agad kagabi ay hindi sana napahamak ang taong nagmamahal sa 'kin kahit hindi naman niya ako kadugo. Sabi niya sa 'kin palagi na parang anak na daw ang turing niya sa 'kin kaya gagawin daw niya ang lahat para makatakas daw ako. Nagawa nga niya ang pangako niya sa 'kin na makatakas ako pero siya naman ang nawala. Iniwan naman niya ako kaya nakakalungkot na hindi ko na siya makikita at mayayakap ng mahigpit. Kasalan 'tong lahat ng ama ko na walang puso. Sana talaga hindi na lang siya ang naging ama ko. Kung pwede lang mamil ng sariling ama baka ginawa ko na. Ngunit hindi naman yata pwede dahil ng masilayan ko ang liwanag ay siya na ang naging ama ko. Sana nga napunta nalang ako kay manang. Mas naramdaman ko pa kasi ang malasakit niya kaysa kay ama na sarili kong kadugo. Lagi niya akong sinisisi sa kasalanan na hindi ko alam kung nagawa ko ba talaga. Pero sa t'wing tinatanong ko kung ano ang kasalanan na yun ay umaalis lang siya sa harapan ko at nagkukulong sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD