CHAPTER 14

1544 Words
HUGO'S POV: Gusto kong sulitin ang gabing ito, gusto kong magpakalasing at magpaka saya kasama si Luca, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil sa wakas ay nagkaayos na kami ni Luca infact hindi ko na siya itinuturing na kaibigan dahil higit pa doon ang tingin ko sa kaniya. Isa siyang pamilya para sa akin nagsimula ang lahat noong mga bata pa kami, unang kita ko palang sa kaniya ay alam ko nang mabuti itong tao at hindi ako nagkamali lalo na noong mangyare ang isang bagay na kung hindi dahil kay Luca malamang ay wala na ako ngayon. “Hugo, Luca mag-iingat kayo diyan, huwag kayong lalayo at maraming mga hayop diyan at baka kung ano pa ang mangyare sa inyo.”Bilin ni Ate yaya dahil niyaya ko si Luca maglaro sa likod ng bahay namin. Naglaro kami ni Luca ng soccer sa hardin sa may likod ng bahay namin malawak iyon at mayroon ding mga pananim, masaya naman kaming naglalaro hanggang sa hindi ko sinasadyang mapalakas ang sipa ko sa bola dahilan upang mapunta ito sa madamong parte ng hardin. Akmang hahabolin sana ito ni Luca subalit pinigilan ko ito at sinabing ako nalang ang kukuha total ako ang nakasipa ng malakas kaya ang bola napunta doon. Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan ng bola kaya hindi ko na pansing may malaking butas pala sa unahan ko, noong malapit na ako sa butas ay saka ko lang ito nakita kaya pinilit kong mapahinto at sumakto naman at isang hakbang nalang sana ay siguradong mahuhulog na ako kaya nakahinga ako ng maluwag. Subalit di inaasahang biglang gumoho ang tinatapakan kong lupa dahilan upang mahulog ako sa butas wala na akong nagawa kung hindi mapasigaw nalang ng malakas habang unti-unting nahuhulog ng biglang dumating si Luca at sinalo ako. ganun pa man ay nahulog parin kaming dalawa at pag bagsak namin ay napaibabaw ako sa kaniya. May kaunti akong galos na natamo subalit hindi ko na iyon ininda ng makita ko si Lucas na dugoan kaya dali dali kong hinanap kung saan ang sugat nito subalit noong pilit ko itong pinapatayo ay hindi siya makagalaw dahil natusok pala ang likod niya sa matulis na kahoy dahilan upang bumaon ito. Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin, mabuti nalang at biglang dumating sina ate yaya at manong alfred hardinero sa amin dahil narin siguro narinig nila ang sigaw ko. Agad na bumaba sa butas si manong Alfred noong makita akong umiiyak habang si Luca ay nakahiga at hindi makagalaw. Dahan-dahan nitong iniangat si Luca at lalong dumami ang dugo dahil nabunot ang kahoy. Agad na tumawag si Ate yaya ng tulong at tumawag ng abulansya habang ako ay hindi mapigilang maiyak habang nakikita si Luca na nahihirapan. subalit para bang baliwala lang iyon sa kaniya at ni hindi manlang bumakas sa mukha nito na nasasaktan ito. “Ayos lang ako Hugo.”Nakangiting sambit nito dahil siguro nakikita nito kung gaano ako nag-aalala sa kaniya kaya sinabi niya iyon upang pakalmahin ako. Agad naman na naisugod si Luca sa pinaka malapit na hospital at doon ay nanatili siya ng ilang araw para magpagaling. “K-kamusta na pakiramdam mo?” Tanong ko dito at mayroon nanamang nagbabadyang mga luha sa aking mata dahil sa sitwasyon ni Luca and knowing the fact na kasalanan ko kung bakit niya naranasan iyon. Ngumiti ito sa sinabing “Ayos lang ako Hugo huwag kang mag-alala isa pa maliit lang naman ang sugat kaya siguradong gagaling agad ito.” Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko noong marinig iyon. “Pwede ko makita ang sugat mo?”Tanong ko kay Luca dahil sa kyuryosidad. “Huwag na maliit lang naman ito at ilang araw lang ay maghihilom na rin ito at maglalaro na ulit tayo.”Wika nito at pilit na ngumingiti. “Ikaw kamusta ang mga sugat mo sumasakit pa ba?”tanong pa nito. At sa gitna ng lahat ay inaalala parin niya ako. “Wala na hindi na masakit.” Nakangiting tugon ko. “Patingin ako sige na.”Muling pagpilit ko kaya wala na itong magawa kung hindi ang pumayag. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang malalaking tahi sa sugat nito. Pero nagtaka lang ako dahil ilang araw na siya dito at wala man lang ni isang tao o kapamilya niya ang naghanap o bumisita man lang sa kaniya. Simula noong araw na iyon ay sinabi ko na sa aking sarili na hindi ko iiwan si Luca Hanggang dumating na nga ang isang gabi na muntik nang magbago ng lahat. “What the fvck is going on here???”Biglang boses ng lalaki mula sa likoran namin ni Kayle ang pasigaw na nagtatanong. “B-bro it's not wha—” “Shut up Hugo!!!!.” Ito rin ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Hanggang nakita ko nalang ito na umiiyak at wala akong magawa kundi panoorin nalang ito, bawat salita nito ay nadudurog ang puso ko. Tanggap kong iniwan ako ng dati kong girlfriend noong panahong ito, subalit ang hindi ko makakaya ay magkasira kami ni Luca. hindi na ako nakapagsalita dahil sa takot sa kaniya. Matapos ang gabing iyon at ilang araw ko ring sinubokan na kausapin si Luca subalit ayaw na nito makinig na para bang ang lahat ng lalabas sa bibig ko sa kasinungalingan para sa kaniya. Nabalitaan nina Mom at Dad ang nangyare sa amin kaya pinapunta muna ako ng Canada at sinabing bigyan muna si Luca ng time to process everything, kahit masakit sa akin ay pumayag ako para na rin sa kapayapaan ng loob ni Luca. At sa huling pagkakataon ay sinubokan ko ulit na kausapin si Luca sa pag-asang papakinggan ako nito. “Bro please, huwag naman nating sayangin ang ilang taong pagkakaibigan natin dahil lang sa hindi pagkakaintindihan.” Nanhihinang saad ko habang lasing at nakaupo sa tapat ng pinto ng condo ni Luca dahil ayaw ako nitong papasukin. “Bukas na ang flight ko papuntang Canada dahil gusto nila mama doon na ako tumira kasama sila. Kaya sana kahit ngayon gabi nalang pakinggan mo ako, and I'm sorry bro please.” Dugtong ko pa at bakas sa tinig ko ang labis na lungkot at pagsisisi. “Walang nangy—”Napahinto ako noong biglang dumating ang mga security guards upang palabasin ako ng condo kaya wala na akong nagawa kung hindi umalis doon. Wala naman talagang nang-yare sa amin ni Kayle noong gabing iyon at hindi ko rin naintindihan kung ano ang iniisip o pumasok sa isip ni Kayle kung bakit niya ginawa iyon. Nasa club ako noong gabing iyon nag-iisa dahil kakahiwalay lang namin ng girlfriend ko at gusto kong magpakalasing, hindi ko na sinabi kay Luca dahil mag-aalala lang iyon besides busy din ito sa pagsusulat niya. “Ohw hi Hugo.”Nagulat ako noong biglang may bumati sa akin at pagtingin ko ay si Kayle mukhang lasing ito, subalit nagtaka ako dahil hindi nito kasama si Luca sa club noong gabing iyon. “Where's Luca?” Tanong ko sa kaniya noong mapansin pang wala itong kasama. Noong una ay inakala kong may problema ito dahil hindi naman talaga ito mahilig pumunta sa ganitong lugar at lalong hindi nito hilig ang mag-inum. “Luca? He's busy.”Tipid na tugon nito sabay naupo sa tabi ko. “What's up? Bakit nag-iisa ka?”Tanong pa nito sabay order ng isa pang beer. “Ah, nothing just unwinding.” Tugon ko, tuloy ang pag-uusap namin hanggang hindi namin namalayan nakakarami na pala kami ng inum at nakikita kong sobrang lasing na ni Kayle kay niyaya ko na itong umuwi. Ilang beses kong tinawagan si Luca para ipasundo ang girlfriend niya subalit unattended ito kaya wala na akong nagawa kung hindi ihatid ito sa condo niya dahil hindi na nito kayang maglakad mag-isa. Agad naman kaming nakarating sa condo nito subalit may ginawa itong nagpabago ng lahat sa amin ni Luca. Noong akmang ihihiga ko na ito ay bigla ako nitong sinunggaban ng halik dahilan upang maitulak ko ito sa kama. “What the h*ck Kayle???”Galit kong tanong sa kaniya dahil sa ginawa niya. Noong mga oras na iyon ay biglang pumasok sa isip ko si Luca at pakiramdam ko ay tinraydor ko ang kaibigan ko kaya agad akong nagalit kay Kayle. Muli itong bumangon at tila ba walang naririnig at muling yumakap sa akin, akmang itutulak ko na ulit sana ito dahil alam kong maling-mali ang ginagawa niya ay bilang bumukas ang pinto. At doon na nagbago ang lahat. Subrang sakit para sa akin ang mawalan ng kaibigan lalo na si Luca (well si Luca lang naman talaga ang kaibigan ko) parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala sa akin. Habang nasa Canada ay nakilala ko si Samantha at malaki ang naitulong niya upang kahit papaano ay makalimutan ko ang hindi magandang nangyare sa amin ni Luca. Palagi kong naikikwento sa kaniya ang tungkol sa amin ni Luca like kung paano kami nagkakilala , lumaki ng magkasama maging ang mga kalokohan namin noon. Minsan habang nagkukwento ay tawa ako ng tawa minsan naman ay bigla nalang akong naiiyak. Isang araw habang nasa bahay ako sa Canada ay biglang dumating si Samantha. “Love..love look at this.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD