CHAPTER 15

1474 Words
“Luca Schriver, is this your friend?”Tanong nito sabay ipinakita sa akin ang isang book na hawak niya at may title na “YUGO'S DESIRE" agad akong napabangon mula sa pagkakahiga noong makita iyon. “Yeah He is a writer just like you.”Tugon ko. Isa rin palang writer si Samantha at marami na rin itong naipublished na libro at mayroon na rin itong story na ginawang movie sa pilipinas kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito. “He's good, he actually has a million followers.”Saad pa nito. Dahil doon ay bigla kong naalala si Uncle Yoo. “Why not try to endorse his book to your uncle?”Biglang saad nito at pareho nga kami ng iniisip dahil iyon din ang publisher na humahawak kay Samantha. Kaagad kong kinontact si Uncle Yoo ang manager Producer ng Soul Bleeds Publishing Company at ikinwento ang tungkol sa libro ni Luca. Pumayag naman ito at sinabing babasahin niya ang librong sinasabi ko at titignan kung pumasok ito sa standards. Kahit na alam kong galit sa akin si Luca ay walang magbabago, pamilya parin siya para sa akin at gusto kong magkaayos kaming dalawa at sa ngayon ay ito ang naiisip kong paraan upang kahit papaano ay makabawi sa kaniya. Alam ko ang hardwork ni Luca pagdating sa pagsusulat at kung anong klaseng hirap ang pinagdaanan nito bago nakilala at sa likod noon ay lagi akong nakasuporta dahil wala namang ibang gagawa noon kung hindi ako noong mga panahong kakasimula pa lamang nito, at ngayon ay gusto kong maging parte parin ng bagong yugto ng buhay niya. Nakilala pala ni Samantha si Luca dahil halos araw araw nalang hindi ito nawawala sa pag-uusap namin, lagi ko itong ikinikwento sa kaniya lalo na kapag nalalasing ako. Kahit noong nasa Canada na ako ay hindi ko parin maiwasang mag-alala kay Luca lalo na at alam kong wala iyong ibang kaibigan doon. Gustohin ko man na bumalik ng pilipinas ay hindi ako pinapayagan nina Mama dahil ang rasun nito ay bigyan ko muna ng oras si Luca. Anak na ang turing nina Mom at Dad kay Luca kaya kahit sila ay nasaktan sa nangyare. Makalipas ang halos isang buwan mula noong kinausap ko si Uncle Yoo tungkol sa libro ni Luca ay wakas nakatanggap ako ng mensahe galing dito. “I wanna meet your friend.”Message ni uncle sa akin at dahil doon ay nabuhayan ako ng loob at nagkaroon ng pag-asa. “Wow!! Really?? So this means??” Subrang saya ko noong mga oras na iyon. “Yes, I like his book and I have decided to create a movie out of his book.” Sagot nito at halos maluha ako dahil sa saya. “Uncle, please don't tell him anything about me.” Reply ko dito dahil gusto ko sana ako ang magsasabi kay Luca o kung hindi naman ay itatago ko nalang iyon sa kaniya. “Okay okay I got it.”Tugon nito. At naunawaan naman kaagad niya ang ibig kong sabihin. “I have sent him an invitation for a meeting thru email all we need is to wait for his feedback.”Dugtong pa nito. “This is his dream so, I'm pretty sure he'll grab this opportunity.”Saad ko at kompeyansang tatanggapin ni Luca ang alok ni uncle. “Ohw wait, how does he look like?” Biglang tanong nito at napakamot nalang ako ng ulo. “We're almost like twins. HAHAHHA” Reply ko dito at totoo naman halos magkamukha lang kami kung totoosin ay para talaga kaming kambal at madalas kapag magkasama kami sa labas ay maraming nagtatanong sa amin kung kambal kami. “So I assume that he is good looking too HAHA.” Pabirong saad nito. Hindi ko talaga maintindihan si uncle kaya kung hindi mo siya kilala ay pagkakamalan mong something ito pero mali, katunayan ay mayroon itong asawa at dalawang anak. Matapos iyon ay agad akong ng book ng flight papuntang pilipinas at sumama na rin si Samantha dahil gusto niyang makilala si Luca. Si Samantha pala ay isa ring Pilipina pero dito kami nagkakilala sa Canada dahil naandito rin ang parents niya at napagdisesyonan niyang dito na muna sa Canada manatili para sa pagsusulat niya ng mga bagong stories. Pagkabalik ko ng pilipinas ay kaagad akong nakipagkita kay uncle Yoo at naikwento nito ang usapan nila ni Luca. Ang laki ng pasasalamat ko kay Uncle noong malamang tinanggap nga ni Luca ang proposal nito. Kinahapunan habang pauwi sa condo namin ni Samantha ay naisipan kong dumaan sa Mall kung saan madalas kami tumatambay ni Luca noon ng biglang... “Oh sorry bro my bad.”Sambit ko noong may mabanggang isang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Subalit bigla akong nakaramdam na para bang pamilyar ang lalaking iyon kaya bigla ko itong nilingon. “L-luca??”Nauutal na pagtawag ko sa lalaki. At hindi nga ako nagkamali si Luca nga iyon. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko noong mga oras na iyon masaya na may takot (Basta hindi ko maipaliwanag) noong malapitan ko ito ay muli akong nakiusap na pakinggan niya ako kahit sa huling pagkakataon, tinignan ako nito ng masama at inakala kong ipagtataboyan nanaman ako nito subalit nagulat ako noong bigla itong pumayag. Nabuhayan ako ng loob noong mga oras na iyon. At dumating na nga ang oras ngma itinakda namin upang mag-usap 8pm sa Neon Nights Club sa Makati. Ikinwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyare bago ang gabing nakita niya kami na magkasama at magkayakap sa condo ni Kayle. Noong una ay natatakot akong baka hindi ito maniwala at maslalo lang lumalabang sitwasyon subalit naluha nalang ako noong tinanggap nito ang paliwanag ko at pinatawad ako. Sobrang saya ko noong gabing iyon kaya nagpaka wal-wal ako ganoon din si Luca at tila ba bumalik ang lahat sa amin mula pagkabata, ganito pala ang pakiramdam kapag muli mong nakasama ang isa sa mga taong bumuo sa buhay mo at muntik ng mawala saiyo. Kinaumagahan ay nagulat nalang din ako na nakauwi na ako sa condo namin ni Samantha at halos mabaliw kakatawa noong ikinwento nito lahat ng nangyare kagabi at dinagdagan pa ng video na kinuha ni Samantha habang nagpapakabakiw kami ni Luca. “Salamat Love.” Bigla kong saad kay Samantha na noon ay nasa tabi ko lang at patuloy na tumawa dahil sa kalokohan namin ni Luca. “For what Love?" Takang Tanong nito. “For supporting me all times, especially last night with Luca at salamat din sa paghatid sa kaniya. ”Tugon ko habang hawak ang mga kamay nito. “Because this is what I promised remember?”Sambit nito sabay halik sa noo ko. “And about Luca, he is your friend and your friends are my friends too, okay?” Dugtong pa nito kasabay ng mahigpit na yakap sa akin. Nabanggit din nito na may babae sa condo ni Luca noong gabing hinatid niya ito. And she said kilala niya ang babaeng iyon infact kilalang kilala nila ang isa't isa at nakiusap sa kaniya na huwag sabihin kay Luca ang kataohan tungkol dito. Maging ako ay nagulat sa mga nalaman ko. “What a lucky boy huh.”Pangiting saad ko kay Samantha noong marinig iyon. Bigla kong naisipang tawagan si Luca upang kamustahin at kasunod noon ay isinend ang video naming dalawa. Hindi ko talaga mapigilang matawa dahil paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga napanood ko, maya't maya pa ay nakatanggap ako ng chat mula kay Luca. “Bro punta ka dito sa gym sa condo ko.”Nagtaka ako noong mabasa iyon. “Ano naman kaya ang gagawin doon at sa gym at doon pa talaga ako pinapunta nihindi naman siya naggigym? Bahala na.”Tanong ko sa aking sarili at kaagad naman na pumayag sa gusto nito Luca. Nagmadali akong pumunta doon at pagkadating ko at napatanga nalang sa nakita, nakita ko si Luca na nasa loob ng boxing ring. “Kailan pa siya nagkaroon ng hilig sa pagigym? And Boxing???”Takang tanong ko sa aking sarili samantalang noon kasi ni hindi nito kayang mabmgbuhat ng maibibigay na bagay at isa din ito sa pinagbawal sa kaniya ni Kayle. Napansin ko din ang ang laki ng pinagbago ng katawan ni Luca, lumaki ang mga muscles nito at kakaiba na rin ang tindig niya at mukhang isang suntok lang sa akin ay lilipad na agad ako. “Yo bro!”Nakangiti at kumakaway na pagbati ko dito. Tinignan lang ako nito sabay inihagis ang isang pares ng boxing gloves. “B-bro You've gotta be kidding me?”Nagtatakang tanong ko dito at mukhang alam ko na ang gagawin namin. “Come inside the ring.”Napakamot nalang ako ng ulo ng marinig ang malagkit na boses nito at wala akong nagawa kung hindi pumayag. “Sparring.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD