CHAPTER 16

1534 Words
“Sparring”Biglang sambit nito na ikinagulat ko. Oo nagkikipagbasag ulo ako dati but si Luca ang ka sparring? Never in my life na pinagarap kong muling makasuntukan si Luca dahil alam na kung sino ang mananalo. “Pft. This is a joke right?” Patawang tanong ko pero sa isip-isip ko ay mukhang seryoso naman talaga ito. “Do I look like I'm joking?”Nakita ko nanaman ang seryosong mukha nito at wala na talaga akong magagawa kung hindi ang pumayag. Bago magsimula ay nagpakilala muna ang isang lalaki sa akin I guess siya ang magtuturo ka Luca or maybe a gym instructor. Siya si Dillon at siya ang magiging referee sa sparring namin. Isinuot nito sa akin ang boxing gloves at nag instruct sa amin na para bang isa itong totoong boxing. Nagsimula kami ni Luca at nagulat ako sa bilis ng mga suntok at kilos nito, hindi ko inasahan ang double punch na papakawalan nito kaya natamaan ako sa pisngi at halos matumba. “Ohw you got the punch now huh.” Pangiting saad ako at pakiramdam ko ay nagsisimula na akong ganahan. “Lezzzgooo Bring it on Luca.” Saad ko sabay senyas na lumapit ito. Huli kaming nagsparring ni Luca noong nasa kinse anyos pa lamang kami at iyon ay trip trip lang namin. Ilang beses kong napabagsak si Luca noon dahil hindi talaga ito magaling sa suntokan samantalang ako ay isa sa mga sports ko ang boxing kaya noong nagyaya muli ito ay hindi kaagad ako naniwala. Pero sa tingin ko naman ay kaya na nitong makipag sabayan sa akin. “Ahw where the fvck did it come from?”Biglang saad ko noong muli akong tinamaan sa parting panga kaya parang medyo naalog ang utak ko. “That is for that night.” biglang na saad nito, napansin ko rin ang pormal niya parang isang pro. Boxer, at nagsimula na rin akong magseryoso sa laro. At mukhang alam ko na ang rason kung bakit nag-aya ito ng sparring. “Labasan pala ito ng sama ng loob ah.”Sambit ko sa aking isip noong mapagtanto iyon. Nagsimula na akong sumogod at maglaro na para bang nasa totoong boxing match kami. Malalakas na palitan ng suntok ang pinapakawalan namin, agad naman akong nakabawe dahil natamaan ko rin ito. “That is for not listening to me first.”Saad ko noong matamaan ko ito sa pisngi kasunod ng solid punch sa tiyan nito kaya agad itong napa atras. Ilang saglit pa ang lumipas ay isang malakas na suntok ang ang natanggap ko dahilan upang mapaupo ako sa sahig ng ring. “What the h*ck did just happen?” Bakas sa mukha ko ang pagtataka dahil sa nangyare at kasunod noon ay napaupo din si Luca dahil sa lefthook sa tagiliran na natanggap nito mula sa akin. Nagtagal ang laro namin ng apat na rounds. Parehas kami ni Luca na ayaw maglatalo kaya nahirapan si Dillon magdecide kung sino ang panalo. “Parang hindi sparring ginawa niyo ah. Parang totoong boxing pareho ayaw magbigayan.” Natatawang pagreklamo ni Dillon. Pagkaupo ko sa bench sa gym ay inabutan ako ni Luca ng tubig na maiinum. “Nice game Bro.”Nakangiting saad nito sabay naupo sa tabi ko. “Ang laki ng improvement mo ah, pinag-aralan mo talaga ang boxing para sa akin nuh?”Pabiro kong saad sabay lagok ng tubig. “Pinag-aralan ko rin ang taekwondo dahil gusto talaga kitang bugb*gin pag nagkita tayo.”Ani pa nito at napakamot ulo nalang ako. “Nga pala.”Saad ko sabay tingin dito ng nakakaloko dahil naalala ko ang babaeng sinasabi ni Samantha na nakita niya sa condo nito. “I know that smile.” Biglang saad nito at mukhang alam niya agad ang nasa isip ko. “Yeah yeah, so. Is she your girlfriend?” Kyuryos kong tanong sabay siniko-siko ito. “No, she's just a stranger.”Tugon pa nito, “Weh? Sure? Bakit magkasama kayo hah?”Muling tanong ko dito sa patuksong tuno. “She's just a weirdo, clumsy, dumb ass, clever and the most stupid girl I know.”Nakakonot noo nitong tugon. Napakamot ulo nalang ako noong marinig iyon at mukhang wala talagang something na namamagitan sa dalawa. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Samantha kaya nagkunware nalang akong walang alam tungkol sa babaeng pinag-usapan namin. “That rich, beautiful and smart girl tinatawag lang nitong stupid at kung ano-ano??? Sarap mong sakalin Luca!”Gigil na ani ko sa aking isip. Hindi na ako masyado nagtanong kay Luca tungkol sa babaeng iyon dahil baka makatanggap pa ako ng right hook kahit tapos na sparring namin. Medyo masakit din sa katawan ang ginawa namin ni Luca pero nag enjoy ako kahit sa pagkakataong ito ay ako ang natalo. Tumayo si Luca at may kinoha na kung ano sa sports bag nito at pagtingin ko ay isang libro sabay lumapit at ini-abut ito sa akin. “W-what is this thing?” Takang tanong ko sa kaniya. “A book.”tugon nito. Oo nga naman hayst. Ang libro ay may title na “ "A brother from Another mother" hah???” Napakamot ulo ako dahil medyo cringe lang ang title at mukhang comedy ang laman nito. “I wrote it for us.” Dagdag pa nito at hindi ko alam kung ano mararamdaman ko hindi man ito ang unang beses na binigyan ako ni Luca ng libro ay ito ang unang beses na nagsulat ito ng tungkol sa amin. “But when did you write it.”Takang Tanong ko sa kaniya. “Noong umalis ka papuntang Canada.”Tugon nito. “So you really missed me huh.”Pabiro ko saad pero ang totoo ay nakaramdam ako ng saya noong malaman iyon, at kahit papaano pala ay hindi pa niya ako kinalimutan. “Let's go.”Biglang pag-aya nito at hindi ko alam kung saan pupunta. “Saan?” Takang tanong ko sabay tumayo. “Ipapakilala kita sa dragon sa condo.”Saad nito habang inaayos ang gamit niya. Napangisi nalang ako noong marinig iyon “At tinawag mo pa talagang dragon?”Gigil na saad ko sa aking isip. “Okay Okay.” Tugon ko dito at sa wakas ay makikilala ko na rin ang babaeng nasa condo ni Luca, medyo kyuryos din kasi ako sa pagkatao nito. “Kuya Lucaaaaa!!!”Nagulat ako noong may biglang may dumating na babae at tinawag si Luca habang papalabas kami ng gym. Mukhang bata pa ito at napatanga ako ng bigla itong yumakap kay Luca. “S-sino sya?”Pagtataka kong tanong. “Kapatid ko HAHA.”Biglang sambit ni Dillon. “Aalis ka agad kuya Luca? Eh kakarating ko lang eh.”Nakasimangot na tanong nito. “Halaa kambal mo po??”Bigla nitong naitanong noong makita ako. “Siya si Kuya Hugo mo kapatid ko sa ibang magulang na kasama ko mula pagkabata.”Nakangiting tugon ni Luca at napangoso nalang ang babae, malamang hindi nito naintindihan ang sinabi ni Luca. “Gwapo ksks magkamukha po kayong dalawa.”Saad pa ng babae sabay ibinaling ang tingin sa akin. Ibig sabihin pala ay nagkaroon din si Luca ng mga kaibigan mula noong pumunta ako sa Canada. I'm a bit jealous pero masaya ako para kay Luca dahil kahit papaano ay nagkaroon ito ng bagong kaibigan na nakakausap habang wala ako. “Oh mauna na kami mayang at may pupuntahan pa kami.”Saad ni Luca na tila ba bata ang kausap niya. “Mayang magpaalam kana kay kuya Luca mo. bakit kasi ngayon ka lang ayan tuloy.”Saad ni Dillon. “Mag stretching kana doon.”Dugtong pa nito. “Opo, paalam kuya Luca.”Padabog na saad nito. Nag-paalam na kami ni Luca kay Dillon at nagsimulang maglakad papunta sa condo nito. Habang naglalakad ay napansin ko ang mga pagbabago sa kilos ni Luca, the way he walks, the way he talks at pansin ko rin na mas halos malaki na katawan nito kumpara sa akin. Ang laki ng improvement ni Luca. Hindi ko maiwasang maging proud at maging masaya para kay Luca dahil sa wakas ay abut kamay na nito ang mga pangarap niya. “Bro ano ang pangarap mo paglaki mo?”Tanong ko kay Luca almost 15 years ago noong mga bata pa kami at nakaupo sa isang malaking bago sa bundok. “Ako?? Ahhhmmm?? Maging manunulat, oo pangarap kong sumulat ng libro at gumawa ng mga movies.”Nakangiting tugon nito habang nakataas ang dalawang kamay niya na para bang walang imposible sa mga sinasabi nito. “Ah ganoon ba? Kung gayun ay sasamahan kita hanggang maabot mo ang mga pangarap mo.”Masigla kong saad sabay itinaas din ang dawala kong kamay at pareho kaming dinamdam ang malakas na hangin sa bundok noong araw na iyon. Hindi ko mapigilang mapangisi noong naalala ko iyon... “Nginingisi-ngisibmo diyan?”Huminto ito bigla sabay nagtanong, nakita siguro niyang mukha akong tangang bigla-bigla nalang ngumingisi. “Ayy HAHAHA wala I just remembered something.”Patawang tugon ko sabay nagpatuloy sa pag lalakad. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa condo ni Luca at biglang....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD