“Bakit ang tagal mo??” Nagkatinginan kami ni Luca noong makita ang babaeng nakatayo sa harap pagkabukas niya ng pinto, naka crossed arms ito at ang talas ng tingin na tila ba mangangain ng buhay. “So ito na pala ang dragon na sinasabi ni Luca, nakakatakot ang mga mata niya.”Napapangising saad ko sa aking sarili.
“Okay okay, magluluto na.”Kalmadong saad ni Luca at mukhang sanay na ito sa babaeng iyon at alam na ang gagawin.
“Wait, what???” Ani ko sa aking isip at napatanga nalang ako noong marinig iyon. “Totoo ba itong nangyayare?? Under ba si Luca ng babaeng ito?? Whaaaa???!”Dugtong ko pa at nagugulomihan sa mga nangyayare.
“Bilisan mo kanina pa ako nagugutom.”Biglang nakangosong saad ng babae. I guess ito si Yesha ang tinutokoy ni Samantha na kasama ni Luca dito sa condo and infact lingid sa kaalaman ni Luca ay ang babaeng kasama niya ang totoong may-ari nitong CROMWELL NOBLE PARK.
Pagkababa ni Luca ng gamit ay agad itong nagtungo sa kusina upang magluto. “Wait I need time to process this sh*t.” Natatawang saad ko sa aking sarili habang nakatingin sa dalawa. They look like a couple but ksksks...
“And who are you?” Biglang ibinaling nito ang tingin sa akin sabay nagtanong. Nagulat ako sa katarayan nito.
“H-hugo, Luca's frein—”
“Ah so you're that pervert's friend.”Biglang sambit nito at hindi na ako pinatapos sa pagsasalita. “At tinawag pa si Luca na pervert??”Mukhang mababaliw ako sa mga nangyayare ngayong araw.
“Alam niya kaya ang nangyare sa amin ni Luca? Kung alam nito ay siguradong—.”
“He didn't tell me he has a friend.”Biglang saad nito at hindi na ako nakatapos ng iniisip ko dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag, dahil panigurado magagalit ito sa akin at mukhang mabubugahan ako ng apoy pagnagkataon.
Naupo ang babae sa sofa at nanood ng tv. “Pft concert ni Taylor.”Natatawang saad ko sa aking sarili at bigla kong naalala si Samantha dahil favorite niya rin si Taylor swift.
Maya't maya pa ay bigla itong tumingin sa akin.
“Tell me, gaano na kayo katagal magkaibigan ni Luca?”Biglang tanong nito sa akin habang ako ay nakaupo din sa dulong parte ng sofa.
“Hmm..mula pagkabata.”Tagon ko dito at napatango nalang ito.
“And—”
“And kailan kapa naging lawyer? Ang dami mong tanong.” Biglang nagsalita si Luca at mukhang tapos na ito magluto.
“Arggg ang bagal mo!!”Tumayo ang babae at padabog na pumunta sa mesa para kumain.
“What a childish.”Pabulong kong saad kay Luca kaya mapangisi nalang kaming dalawa. Ganito din si Samantha minsan pero hindi ganito kalala pag-inaabut ng toyo.
“Come on let's eat!!”Pasigaw na pag-aaya nito sa amin habang puno na ang bibig. Hindi na ako magtataka kung bakit hinintay pa nito si Luca na dumating bago kumain.
Sa totoo lang excited din akong kumain dahil sa katagalan ng panahon ay ngayon lang ulit ako makakakain ng luto ni Luca. Paborito ko halos lahat ng niluluto nito kahit ano dahil sa galing nito sa pagluluto.
“Bro you never failed to amaze me sa pagluluto mo.”Saad ko kay Luca habang kumakain dahil sa sarap ng mga niluto nito.
“Tsk. Hindi masarap.” Pagtataray nanaman ng babae.
“Ah kaya pala sumasandok kapa ng kanin.”Pagbara naman ni Luca dahil sa bilis nito naubos ang kinakain niya.
“Gutom akooo!!!”Pasigaw nanaman na tugon nito.
“Pft. Ganito ba sila araw-araw?” Natatawang tanong ko sa aking isip dahil sa mga nakikita ko.
Mas maganda pa siya kay Kayle kung totoosin kahit nga naka sleeping pants lang ito at oversized na t-shirt. Wala din itong Arte sa katawan kaya napapaisip talaga ako at nahihiwagaan sa babaeng ito.
“This rich girl ay nag papanggap na ganito para lang makasama si Luca? shessshhh.”Bigla nanaman akong napangisi noong maisip iyon.
To be honest masaya ako para kay Luca at nakahanap ito ng ganitong klaseng babae tho hindi ko talaga alam kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa but still they look so cute. At dahil din siguro sa kaniya ay unti unti nang bumabalik ang dating Luca na nawala mula noong naging sila ni Kayle. This girl is the exact opposite of Kayle besides mukhang ito na rin ang dahilan noong mga ngiti ni Luca kagabi sa club habang nag-uusap kami.
Pagkatapos kumain ay si Luca na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan at habang nasa kusina ito ay bigla nanamang nagsalita ang babae.
“Psst! Tell me more about Luca, you said you were his childhood friend right? So kilalang kilala mo na siya?”Halata ang kyuryosidad sa mukha nito.
“No! We have something to do.”Kaagad naman itong binara ni Luca noong marinig iyon.
“Haysttt!”Bigla nanaman nitong tinignan si Luca napansin ko rin ang sleepy eyes niya. Kinda cool tho.
“Is that true?”Bigla nitong ibinaling sa akin ang tingin at ngayon ay pareho silang nakatingin sa akin, si Luca na kinokombinsi akong sumang-ayun at ang babaeng ito na pinipilit akong magsabi ng totoo, sh*t this is awkward bakit ba kasi isinaman pa ako dito ni Luca kung ganito lang din ang mangyayare.
“O-Oo.”Napilitan akong sumang-ayun kay Luca kahit wala naman akong idea kung ano ang gagawin namin.
“See.?” Wika ni Luca sabay tingin sa babae.
“Arggg!!! Okey fine.”Asar na saad ng babae.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
“Alright let's go.”Sabay nag aya si Luca at sumama nalang ako kahit hindi ko alam kung saan.
“Saan ba tayo pupunta?”Tanong ko kay Luca pagkalabas namin ng pinto at naiwan ang babae na nanonood ng tv.
“Hindi ko rin alam.”Tugon nito sabay nagtawanan nalang kaming pareho.
“Ahh alam ko na, dating gawi?”Biglang saad ko noong maalala ang isa sa pinakahilig naming gawin mula pagkabata. Nagkatinginan kami at sabay napangisi.
“Lezzzz goooo riiidddeee!” Magkasabay na saad namin na para bang bumalik kami sa pagkabata.
Naalala ko dati unang ride namin gamit ang isang bisekleta, ako ang nagmamaneho habang si Luca naman ay naka-angkas sa likod ng bike.
“Woaahhh HAHAHA up up in the wayyyy!!!” Sabay na sigaw namin sa tuwing dumadaan kami sa malubak na daan habang nag babike. Ilang beses din kaming nasugatan gawa ng pagka-slide sa bike pero hindi namin iyon iniinda sa halip ay nagtatawanan pa kami.
“Hugoooo..Lucaaaaa...Ano nanamang ginawa ninyo????!!” Ito ang madalas na bungad sa amin ni Ate yaya sa tuwing uuwi kaming dalawa na kung hindi sugatan ay puno ng putik ang katawan at ito ang madalas naming isagut...
“Ahmmm kasi po hinabol kami ng aso.” o kaya naman ay nadulas kami sa putikan. may mga pagkakataon din na sabay kaming sumasagot subalit magkaiba ang nasasabi namin kaya lalong sumasakit ang ulo ni ate yaya at nagtatawanan nalang din ang iba pang taohan sa bahay sa tuwing naririnig iyon.
“Hugo Watch out!!!”Bigla akong nabalik sa diwa ko noong marinig kong sumigaw si Luca at nakita kong muntik ko ng mahagip ang truck sa unahan ko dahil bigla akong nag overtake..
“What the fvck was that HAHAHAHA??”Pasigaw pa na saad ni Luca at halos magkadikit lang ang motor namin habang nagra-rides.
Ang rides namin ay mula Makati Hanggang Laguna, kung totoosin ay mabilis lang iyon lalo pag nakamotor. Parehas kaming naka ninja Kawasaki 400cc na motor ang sa akin ay puti at itim naman kay Luca.
Pagkadating namin sa Laguna ay bumili kami nag maiinum at nagpahinga muna bago bumalik sa Makati.
“Thanks bro.” Biglang saad ko dahil ang totoo ay sobrang saya ko noong mga oras na iyon.
“For what?” Tanong nito habang iniinum ang soft drink niya.
“For giving me a chance.”Saad ko sabay tingin dito ngumiti ng kagaya noong mga bata pa kami.
“Nah, thank you for not giving up on me. Kasalanan ko nagpadala ako sa emosyon ko.”Saad nito.
“I'll be going back to canada.” Wika ko subalit nakadama ng lungkot habang binibigkas iyon.
“Oh? When?”Takang tanong nito.
“ Probably by next week, mag-oopen kasi ng bagong business si Dad dito sa pilipinas at gusto niya ako ang hahawak, Kasi alam mo na, tumatanda na sila ng Mom ko.” Tugon ko dito.
“But I think mga ilang buwan lang naman kasi iti-train niya ako sa Canada kung paano humawak ng business then if everything is okay na I'll be coming back and dito na ako magstay.”Nakangiting dugtong ko.
“O-okay, Goodluck bro basic nalang iyan saiyo.”Nakangiting wika nito.
“Besides pangarap mo din iyan diba? Ang maging CEO then I guess I have to congratulate you in advance.” Dugtong pa nito at pilit na ngumiti subalit dama kong may lungkot sa pananalita nito.
Ganoon din ako dahil sa tagal naming hindi nagkasama ay gusto kong bumawi sa kaniya. Pagkatapos namin magpahinga ay bumalik na kami ng makati at gabi na noong makarating kami.
Pagkauwi ko ay ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan dahil sa ginawa namin ni Luca maghapon pero worth it. Mula sparring hanggang makilala ang dragon na sinasabi ni Luca , at ang best part ang pagra-rides. Mabuti nalang at may Samantha na naghihintay sa akin sa condo kaya naalis kaagad ang pagud ko, si Luca kaya?? HAHAHAHA...