LUCA'S POV:
“Hayst ang sakit ng katawan ko.”Ani ko sa aking sarili habang nasa elevator pabalik ng condo, kakauwi ko lang matapos kaming mag rides ni Hugo. Pero sulit ang araw na ito dahil buong araw ko nakasama ang kaibigan ko. Dumaan pala ako ng 7/11 para bilhan si Yesha ng ice cream at panigurado galit nanaman iyon dahil anong oras na at baka hindi pa siya nagdidinner.
Pagkadating ko sa condo ay nagulat ako sa nakita ko.
“Kumain kana diyan.”Kalmadong saad nito habang nakatitig sa tv. Mayroon nang nakahandang dinner at sa tingin ko ay nag-order nanaman ito, pero okay na rin at least hindi na ako magluluto.
“Oh para saiyo.”Saad ko sabay abut ng ice cream na binili ko para dito.
“Ilagay mo nalang sa ref. Busog pa ako.”Wika nito habang nakatitig parin sa tv. Bakit parang...
“W-Wait are you drunk???”Takang tanong ko dahil sa tuno ng pananalita nito.
“No.” Tugon nito sabay tumingin sa akin at nakita ko ang namumula nitong pisngi, pagtingin ko sa kanang kamay nito ay may hawak itong beer at meron pang isa sa sahig na wala ng laman.
“What the fvck are you doing?” Kaagad kong kinuha ang beer na hawak nito.
“You never tell me about your friend.”Seryosong saad nito at mukhang alam ko na kung bakit ganito nanaman ang mood niya.
“W-wha—”
“But it's okay I understand.” Dugtong nito bago pa man ako makapagsalita.
“What is wrong with her?” Napatanong nalang ako sa aking sarili dahil sa sinabi nito.
“I wanna drink more.”Sambit nito at pilit na tumayo para agawin ang beer na hawak ko.
“No! You're already drunk Yesha!”Saad ko habang inilalayo sa kaniya ang beer.
“Oh it's the first time you call me by my name, it sounds so cute.” Nakangiting saad nito sabay pinisil pisil ang ilong ko.
“Stop it go to bed already!”Pagkasabi ko noon ay hindi ako pinansin at dumiretso nalang sa ref.
“Beer nanaman? I said that's enough!” Hinawakan ko ang kamay nito bago pa man makakuha ng beer, napatingin ito sa akin at halatang nagulat.
Tinitigan lang ako nito at walang salitang lumabas sa bibig niya. Sa pagkakataong iyon ay naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin kaya wala na akong nagawa kung hindi bitawan ito at hayaan sa gusto niya. Napaisip din ako baka may mas-malalim pa na dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kumuha ulit ng isa pang beer si Yesha at mukhang ayaw talaga nitong magpaawat.
“Okay okay.”Mahinang saad ko sabay kumuha ng isa sa mga collection kong alak "MAXIMO" red wine from Europe
“W-what are you doing?”Nagtaka ito noong makita akong kumuha din ng alak.
“Let's drink together.” Nakangiting saad ko habang nakatingin kay Yesha. Naupo ito sa sofa at ipinagpatuloy ang pag-iinum. Samantalang ako ay nasa mesa at pinagmamasdan ito.
“Ano kaya ang iniisip ng weirdong ito at parang ang lalim?” Takang tanong ko sa aking sarili sabay lagok ng alak na hawak ko.
Nabalot nanaman kami ng katahimikan. Hindi na ako sanay sa ganitong katahimik kaya nagpatugtug nalang ako ng kanta at hindi ko din alam kung bakit parang nasa mood ako ngayon uminom o baka dahil maganda ang araw o pwede ring gusto ko lang sabayan si Yesha.
~Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try~
"WITH A SMILE" ang title ng song na pinatugtug ko Song by Eraserheads.
“I like the song.” Malumanay na saad nito at mapapansing malungkot ang boses niya. Itinaas nito ang dalawang paa sa sofa at inilapad ang ulo sa tuhod nito.
“She might be in deep thinking right now.”Saad ko sa aking sarili at hindi mapigilang mag-alala dahil dito at isa pa ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito.
Ilang sandali pa ang lumipas ay lalo akong nag-alala noong makitang tumolo ang mga luha nito.
“You're so selfish Luca.” out of nowhere bigla ako nitong tinawag na selfish, pero bakit naman kaya?
“W-What do you mean?” Takang tanong ko. Halos maubos ko na rin ang iniinum ko at medyo tinamaan agad ako dahil siguro pagod ang katawan ko at wala pa akong kain. Nakita ko ring hindi na naubos ni Yesha ang iniinum niya at inilapad na ito sa sahig.
Hindi nito sinagot ang tanong ko at mukhang nakatulog na ito habang nakaupo dala na rin siguro ng kalasingan niya. Inihiga ko nalang muna ito sa sofa at hinayaan munang matulog habang ako ay inuobos lang ang natirang alak.
Naalala ko ang unang beses naming pagkikita sa rooftop. sa isa sa pinakamalungkot na gabi ko ay bigla siyang dumating. Napangiti nalang ako nang maalala iyon.
“Moon is beautiful isn't it? And so does the sunset.” ito ang sinabi nitong hindi ko malimutan. Sa tingin ko ay siya naman ang nangangailangan ng magpapangiti sa kaniya sa panahong ito. Hindi ko man alam kung ano talaga ang pinagdadaanan nito but I'll try my best para pagaanin ang loob nito.
Tama nga naman siya medyo matagal na rin mula noong nagstay siya dito pero hindi man lang kami nag-usap tungkol sa mga ganitong bagay. Ni hindi ko nga siya tinanong kung bakit ba talaga siya naandito or hindi ko manlang naitanong kung ayos lang ba siya, mula noong dumating siya bumalik ang dating ako at natuto na muling ngumiti, kung totoosin ay malaki ang naitutulong nito sa akin pero ako wala man lang nagagawa para sa kaniya.
“Fvck I'm so selfish.”Saad ko sa aking sarili sabay pok-pok sa ulo ko noong maisip ang mga bagay na iyon, palagi nalang ako ang inaalala niya samantalang ako...
“Argggggg!! What is wrong with me?”inis na saad ko sa aking sarili.
Pagkatapos kong uminom ay niligpit ko muna ang mga kalat saka nagsimulang magsulat pero ang isinusulat ko ay ang script para sa movie. sa susunod na araw muli kaming magkikita ni Mr. Yoo at ipapakilala niya ako sa production team at sa mga taong magiging parte ng movie. Medyo kinakabahan ako lalo na at ito ang unang beses na gagawin ko ito.
Hindi ako makapagfocus dahil nag-aalala ako kay Yesha, besides hindi din maalis sa isip ko kung bakit tinawag niya akong selfish. Inihinto ko muna ang pagsusulat at bihuhat si Yesha papunta sa kwarto para makahiga na ito ng maayos.
“Feels like the first time.”Hindi ko maiwasang napangiti noong maalala ang unang beses na binuhat ko si Yesha mula sa rooftop noong unang beses ko siyang nakita.
“Pft...ang lakas mo kumain pero ang gaan mo saan mo ba nilalagay ang katakawan mo?”Pangising saad ko at bigla akong nakatanggap ng mahinang sampal mula dito.
“Shut the fvck up you pervert.” Biglang saad nito at halata ang kalasingan sa tinig ng pananalita niya. At gising pa pala ang tukmol. Pagkahiga ko nito sa kama ay naupo ako sa tabi nito.
“Yesha.”
“Hmm?”Mahingang tugon nito.
“Have you ever been in love?” Biglang tanong ko dito, hindi naman ito agad na sumagot at mukhang pinagiisipan ang isasagot.
“Yeah.” Tipid na sagot nito.
“Have you ever been broken?” Sunod na tanong ko, bumalikwas ito ng higa at tumingin sa akin.
“Always.”Nagtaka ako sa sagot nito dahil mukhang wala naman itong boyfriend na pinoproblema.
“What?” Takang tanong ko dito.
“it breaks my heart every time he cries .”Hindi ko makuha ang pinuponto niya. Sino ba kasi ang tinutokoy ng tukmol na ito.
“Can I ask one more question?”
“Why did you stay?” Tanong ko at alam ko naman ng alam niya ang ibig kong sabihin.
“Because you gave me a reason to stay.” Sagot pa nito at napatingin nalang ako sa mga mata nito.
Nagugolohan ako at hindi ko talaga mawari kung ano ang ibig niyang sabihin. Ito iyong unang beses na magkakausap kami ng ganito ka seryoso kaya lulubosin ko na. Gusto ko siyang makilala.
“Have you ever been hurt by someone you love?”Sandaling natahimik ulit ito bigla nalang may tumulo na luha sa mga mata niya na siyang ikina-alarma ko.
“W-W-Wait why are you crying? Did I say something wrong?”Bigla akong nataranta dahil ito ang unang beses na umiyak ito sa harapan ko. Noon kasi palihim ito kung umiyak at sinasarili lang talaga niya ang problema at maliban pa doon sa lahat ng oras ay masigla at maingay ito.
“My Dad, he killed my Mom.”Kasabay nito ang tuloyang paghikbi nito at mukhang hindi na niya kinaya ang bigat.
All this time hindi ko alam na ganito kabigat ang dinadala niya at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay dinudorog ang puso ko habang naririnig ko itong umiiyak.
“And he is the reason kung bakit ako naandito sa sitwasyon na ito ngayon, he is dragging me to hell with him.” Tahimik lang akong pinakikinggan ito habang pinipigilan ang nagbabadyang mga luha sa mga mata ko.
“I will never forgive him I swear.” Patuloy na wika nito.
“Ever since my Mom died I've been currying this fvcking burden alon—”
“I am here now.” Napatinging muli ito sa akin at hindi na natapos kung ano man ang sasabihin nito dahil sa sinabi ko at maging ako ay hindi makapaniwala kung bakit nasabi ko iyon.
Parehas kaming lasing kaya siguro hindi na naming mapigilang maging emosyonal.
“I'm soryy for being so selfish Yesha and thank you.”Malumanay na wika ko.
“For what?”Takang tanong nito.
“For staying, you helped me a lot and I appreciate you, so thank you.”Tugon ko sabay tumingin sa kaniya at ngumiti.
Nakita kong nakapikit na si Yesha and I guess nakatulog na ito at hindi ko maiwasang muling mapangiti habang nakatitig dito.
“I can't believe this angelic face is currying a heavy burden all alone.”Saad ko sa aking isip at hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil dito.
“I wanna know you more so please stay with me.” Pabulong kong saad sabay napatitig sa labi nito.
“Her lips......