CHAPTER 10

1647 Words
“Palabasin mo iyang batang iyan dito Hugo!”Pasigaw ng isang matandang babae na patakbong lumapit sa amin, pagdaka ay hinawakan ako nito sa braso at ramdam ko ang sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sabay hila sa akin palabas. “Yaya what are you doing?! You're hurting him, let him go!!”Sigaw ni Hugo at nababakas ang namomoong luha sa mga mata nito. “Anong nangyayare dito.”Dumating din ang isa pang lalaki medyo may edad na rin ito at kasunod ang pagdating ng iba pang mga tao na sa tingin ko ay ang mga taohan ito dito sa bahay at silang nag-aalaga kay Hugo. “S-si yaya po sinasaktan ang kaibigan ko.”Tugon ni Hugo kasabay ng tuloyang pag iyak nito at dahil doon ay nagpanic ang lahat kaya kaagad nilang kinarga si Hugo upang patahanin. “Anita ano sa tingin mo ginagawa mo?!!!”Nilapitan ng isa pang babae ang yayang nagpapaalis sa akin at isang malakas na sampal ang pinakawalan nito, dahilan upang mabitawan ako ng babae at halos mapasubsob ito sa lupa. “Bago ka palang dito kaya anong karapatan mong paiyakin si Hugo hah?!”Galit na sigaw nito sa babae. “N-nagpapasok po kasi ng pulob—” “Kahit sino pa ang papasukin dito ni Hugo ay wala kang karapatang saktan at paalis dito!!!”Hindi na nito pinatapos sa pagpakiwanag ang babae. “Layas! Kunin mo ang mga gamit mo at lumayas ka dito ngayon din!!!”Dugtong pa nito. Naiyak nalang ang babae sabay patakbong pumasok sa loob ng bahay upang kunin ang mga gamit nito. “Bata okay ka ba lang hah?”Tanong nito habang hinahaplos-haplos ang braso ko. “Pagpasensyahan mo ang nangyare ah ito kasi ang unang beses na may pinapasok dito si Hugo kaya ganoon ang babaeng iyon.”Pagpaliwanag nito sabay ngumiti. “Luca! Okay ka lang?” Tanong ni Hugo habang tumatakbo ito papalapit sa akin. “Oo Hugo ayos lang ako.”Tugon ko at ngumiti na para bang walang nangyare. “Hali kana sa loob huwag ka mahihiya okay?”Pag-anyaya sa akin ng babae. Pagpakapasok namin ay may lumapit pang isang babae medyo bata pa ito at tingin ko ay nasa 20 palang ang edad nito. “Hugo okay ka lang? Siya ba ang kaibigan mo?”Tanong nito kay Hugo. “Opo ate yaya.” Nakangiting tugon ni Hugo. “Anong pangalan mo?”Biglang tanong nito sa akin sabay ng isang magandang ngiti. “L-luca po.” Nahihiyang tugon ko. “Ako naman si Che pwede mo akong tawaging ate che kung gusto mo. Ay halaa bakit ganiyan ang suot mo? Hali ka at maligo ka muna, kumain kana ba?” Wika nito sabay hawak sa kamay ko. “H-hindi pa po .”Tugon ko. “Haynaku kang bata ka, halika at maligo ka muna pagkatapos ay kumain kayo ni Hugo ng sabay okay? Huwag kang mahiya lahat ng kaibigan ni Hugo ay kaibigan na rin naman saka ang cute mo namang bata ka”Ani pa nito sa bay pisil sa mukha ko. Simula noon ay halos araw-araw na kaming magkasama at magkalaro ni Hugo hanggang paglaki namin parang pamilya na rin ang turing ng mga tao doon sa akin lahat sila ay mababait. Magkapatid na ang turingan namin sa isat-isa totoong walang iwanan, kaso lahat ng iyon na wala noong mangyare ang gabing iyon. Napaisip lang din ako, bakit nga ba hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon si Hugo o kahit si Kayle na magpaliwanag, nagpadala ako sa emosyon ko at hinayaan kong mawala ang dalawang taong importante sa buhay ko. Sa tingin ko ito na siguro ang tamang oras, at sa unang pagkakataon ay papakinggan ko si Hugo. Bagamat hindi parin maalis ang galit na nararamdaman ko hanggang ngayon ay susubokan ko total medyo matagal na rin mula noong mangyare iyon. “Ahm Sir...Sir..Sir.”Nagulat ako noong may kumakalabit sa akin. Hindi ko na malayan ang lalim na pala ng iniisip ko at kanina pa pala ako nakatulala. “Sir okay na po ang laptop niyo.”Wika ng lalaking nag ayos ng laptop ko. “Mukhang malalim iniisip natin ngayon sir ah.”Wika nito dahil malamang napansin din nito na kanina pa akong balisa. “Ah wala haha, Thank you.”Pagkabayad ko ay kinuha ko na ang laptop at bumalik na sa condo. Pagkalabas ko ng mall ay saka ko lang na pagtanto na gabi na pala kaya nagmadali na akong umuwi upang magluto ng hapunan dahil baka nagugutom na ang dragon sa condo ko at kung ano-ano nanaman ang magawa nito at panigurado umuusok na ilong nun pagdating ko. Ilang saglit pa ay nakauwi na ako at nagulat pagbukas ko ng pinto. “May pagkain na?” Takang tanong ko sa aking sarili noong makitang may mga nakahain nang pagkain sa mesa. Subalit pag tingin ko sa dragon ay nakacrosse-arms at nakabusangot ito habang nakatitig sa akin na para bang gusto akong p*tayin. “ohh sh*it.”Napakamot nalang ako ng ulo ko noong makita ang hitsura ni Yesha. “What time is it? Ang tagal mo kanina pa ako nagugutom!”Pagalit na wika nito. “Bakit di ka pa kumain kanina dala ko ba bunganga mo.”Tugon habang pinipigilang tumawa. “Arggggg!!!!”Pagdadabog nito sabay kumuha ng pagkain niya at naupo sa sofa at binuksan ang tv. Oo nga pala may tv na sa unit ko dahil bumili ito gawa ng mababaliw daw siya sa sobrang boring ng unit. “Pft. diyan ka kakain?”Tanong ko na noon ay halos bumulwak na ang bibig kakapigil ng tawa, sobrang cute niya kasi tignan tinalo pa ang batang inagawan ng lollipop. “Oo!”Sigaw na tugon nito habang puno ang bibig ng pagkain. Ganito ang eksena namin sa tuwing nagugutom ito o kaya naman tinutopak, jusq tinalo pa namin ang mag-asawa sa lakas ng toyo. Magkaibang magkaiba sila si Kayle, si Kayle kasi masyadong seryoso sa lahat ng bagay nakapaprofessional kumilos at mag-isip samantalang itong babaeng 'to parang dragon na naka laya sa lungga niya at tumira sa unit ko, simula noong nandito ito ang gulo na lagi mula sa kwarto sa kusina sa sala at maging sa banyo para araw-araw binabagyo. Pero kahit ganoon pa man ay masasabi kong gusto ang nangyayare ngayon, masaya ako na naandito ang babaeng ito at natutonan ko na rin ulit ngumiti at naramdaman ko ulit maging masaya kung minsan pa parang ang inner child ko unti unting napupukaw dahil sa katangahan ng babaeng ito. Medyo magiging madal-dal narin ako ngayon hindi gaya ng dati. Ewan ko ba.. “Nga pala dumating ba delivery ko?” Tanong ko dito pagkatapos kong kumain. “Oo! Nasa loob na ng kwarto!”Tugon nito at halatang tinotoyo pa. “Pansin ko lang parang ang linis ngayon ah.” Biglang sambit ko matapos mapansing halos kumikinang ang paligid sa linis. “Syempre naman ako pa ba hmm?”Tugon nito kasabay ng ngiti at nagpacute nanaman may pataas-taas pa ng kilay. “Kanina lang parang p*patay sa galit ngayon naman, arggg what a psychopath.”Ani ko sa aking sarili dahil lala ng moodswing ng babaeng iyon. “Tapos ka na? Ako na maghuhugas.”Sabay tumayo ako at nagtungo sa kusina dala ang pinagkainan ko. “W-w-w-wait ako na maghuhugas.” Napabuklos ito at bigla akong hinawakan nito sa damit na para bang pinipigilan akong pumunta sa kusina. “Bakit nanama—”Natigilan ako noong may na amoy akong parang sunod na bagay. “Anu nanaman ginawa mooooo??!!!” Sigaw subalit papigil kong saad noong makita ang kawaling may lamang kung anong sunog. “Hehe.”Ngiti ito at muling ang pacute matapos makita ang reaksyon ko. “Eh anu kasi.”Pabebeng saad nito habang kinakagat-kagat ang kutsarang hawak niya. “Arggggg!!!”Wala na akong nagawa kung hindi linisin ang kalat nito. “Kung ganoon sinubukan niya nanamang magluto pero pumalpak ulit, Kaya pala parang ang sarap ng ulam kasi niorder niya lang pala iyon argggg.”Bagaman naiinis ay napangiti nalang ako noong mapagtanto iyon. Pagkatapos ko maglinisan ay nagpahinga ako ng bahagya bago nagsimulang magsulat, matatapos ko nanaman pala ang isang story na ang title ay "RAIN DROPS OR TEAR DROPS " habang ang dragon ay este si Yesha ay kaagad na nakatulog dahil narin siguro sa pagud sa paglilinis. Pagkatapos ko magsulat ay naligo ako at agad na dumiretso sa kwarto para matulog, ito pala ang unang beses na matutulog kami sa isang kwarto maliban noong may lagnat ito kaya medyo nakaka-ilang. Pagkatingin ko ay napangiti nanaman ako noong makitang nakaayos na ang higaan ko may mga unan at kumot na rin. Bago pa man ako mahiga ay hindi ko nanaman maiwasang napatitig dito habang natutulog. “Beautiful psycho.” Ito ang lumabas sa isip ko habang pinagmamasdan ito, napaka-ganda nito perpekto ang katawan, ang ilong napaka tangos, mahahaba ang pilik-mata nakakadagdag ganda pa ang nunal nito sa pisngi pero ang masnakaka-agaw pansin sa akin at ang mga mata nito lalo na kapag mag i-sleepy eyes ito. “What are you staring at?”Nagulat ako noong bigla itong nagsalita at speaking of sleepy eyes ay iyon nanaman ang nakatitig sa akin. “You look sucks while sleeping.” Tugon ko dito sabay nahiga sa kama ko. Bumalikwas ito sabay tumingin muli sa akin. “Ah talaga ba?”Ani nito. Na para bang iba ang iniisip. “tsk. Weirdo.”Tugon ko sabay tumalikod dito at ipinikit ang aking mga mata para matulog. Kina-umagahan ay pagkagising ko ay iniunat ko ang katawan ko sabay pasulyap na tumingin sa higaan ni Yesha at nakitang mahimbing parin ang tulog nito. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong napangiti ng hindi ko namamalayan. “Arggg...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD