CHAPTER 9

1430 Words
"But she wears short skirts I wear T-shirts She's Cheer Captain, and I'm on the bleachers Dreaming about the day when you wake up and find That what you're looking for has been here the whole time If you could see that I'm the one Who understands you Been here all along So, why can't you see? You belong with me You belong with me~~" “hah???”Napahinto ako noong marinig ang nakakairitang boses ng kumakanta na parang naipit na daga at nakita ko ang weirdo na bagong ligo dahil naka pulopot pa ang towel sa buhok nito, Naka t-shirts lang ito at naka shorts at kumakanta habang hawak ang vacuum cleaner sa kaniyang kanang kamay at suklay sa kabila na tila ba isa itong mic sabay sumasayaw-sayaw pa at halatang nageenjoy ito sa ginagawa niya. Ibinaba ko muna ang mga dala ko at isinandal ang likod sa pinto na naka tayo at pinanood ito ng tahimik habang hindi ko mapigilang ngumiti lalo na noong nakikita ito while shaking her butty malamang hindi ako nito napansin dahil sa lakas ng tugtog. “What the h*ck is that dance?”Natatawang tanong ko sa aking sarili. “Pft. Crazy.”Hindi ko mapigilang ngumisi habang pinagmamasdan ito at mukhang tanga sa ginagawa niya. Ilang sandali pa ay muli kong kinuha ang mga pinamili ko, dahan-dahang naglakad papunta sa table at pabagsak na inilapag ang mga ito dahilan upang maibalin dito ang atensyon niya. “You belong with m— ihhhh????”Napahinto ito at bakas ang gulat sa reaksyon nito noong makita ako. “Are you done?”I coldly asked na para bang wala nakita. pero sa isip ko ay mamamatay na ako kakatawa. “K-kanina ka pa ba?”Nauutal na tanong nito halatang nahiya sa pinag gagagawa niya. “Pft. yeah.”Tugon ko sabay ngumisi. “Ihhhhhhh??? Bakit hindi ka man lang nagsalita???”Pabulyaw na tanong nito, kita ko ang pamumula ng pisngi nito at mukhang ito pa ang galit. “Your voice is sucks.” Pang-iinsulto ko dito para ma-asar pa lalo, she is so cute when she's pissed lalong lumalabas ang pagkachildish nito kaya hindi ko mapigilang matawa. “Pervert!”Asar na saad nito sabay padabong na ipinagpatuloy ang pag bavacuum. Samantala naalala kong kailangan ko palang dalhin sa paayosan ang laptop ko dahil may isang keyboard itong nasira. “Huyy Coochie.”Pagtawag ko dito at agad naman akong nilingon subalit sa nanlilisik na mga mata. “What?”Tanong nito na tila batang nagtatampo, napaka isip bata talaga. “Lalabas ak—” “So what?”She cutted me sabay muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa nito. “May delivery ako receive mo nalang.”Saad ko. Nag order pala ako ng isa pang kama dahil na nanakit na ang likod ko kakatulog sa sofa gawa ng mula noong tumira ito dito sa unit ko ay sa sofa na ako natutulog, Malaki naman ang sofa at kasya naman ako pero iba parin pag sa kama ka talaga natutulog. “Okay.” Tipid na tugon nito. Kinuha ko ang laptop at bago ako umalis ay inilapag ko sa table ang ice cream na binili ko para sa kaniya. “Waah ice cream.” Dinig kong wika nito at halatang naexcite noong makita ang ice cream sa table sabay takbo upang kunin ito. “Tsk. Childish.” Pabulong kong saad sabay lumabas ng pinto. Sa mall ako dumiretso dahil doon talaga ako nagpapaayos kapag may sira sa gamit ko, habang naglalakad ay may bumangga sa akin na isang lalaki dahilan upang mahulog ang cellphone ko at kaagad ko naman itong pinulot. “Oh sorry bro my bad.”Sambit nito at nagpatuloy sa paglalakad. Natigilan ako noong marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. “Huh? is he??” Biglang naitanong ko sa aking isipan at hindi ako maaaring magkamali. Pagkapulot ko ng cellphone ko ay agad ako na naglakad ng mabilis upang makalayo doon sa lalaking nakabangga sa akin. “L-luca?!” Napahinto ako noong marinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko. “Sh*t I knew it si Hugo.” Banas na sambit ko sa aking sarili. “Bro.”Agad naman itong lumapit sa akin at hindi na ako nakaiwas pa. Tinignan ko lang ito ng masama at walang salitang lumabas sa aking bibig. “I-it's been a while bro.” Nauutal na saad nito mukhang nahihiya pa ito sa akin matapos ang ginawa niya about 1 year ago. Hindi ko ito pinansin at noong akmang maglalakad na ako paalis ay may sinabi ito. “Bro. Please hear me out, just one last time.”Pagmamakaawa nito at sa pagkakataong iyon ay alam ko na ang mais nitong ipabatid. “I'm busy .” tipid kong tugon sa malagkit na tinig. “O-okay how about tomorrow 8 pm doon sa club na paborito natin, please Bro.” Muling pagmamakaawa nito. “Okay.”Tugon ko dahil mukhang wala na akong choice. Si Hugo ang pinakamatalik kong kaibigan ay nagawa akong traydorin. Pagkatapos noong gabing iyon na nahuli ko silang dalawa ni Kayle ay hindi ko na ito kinausap, bagaman halos araw-araw itong pumupunta sa sa condo ko para humingi ng tawad o magpaliwanag ay hindi ko na ito pinagbigyan. “Bro please, huwag naman natin sayangin ang ilang taong pagkakaibigan natin dahil lang sa hindi pagkakaintindihan.” Dinig kong mga salita ni Hugo mula sa labas ng pinto ng unit ko at halatang lulong ito sa alak. “Bukas na ang flight ko papuntang Canada dahil gusto nila mama doon na ako tumira kasama sila. Kaya sana kahit ngayon gabi nalang pakinggan mo ako, and I'm sorry bro please.” Dugtong pa nito at bakas sa tinig nito ang labis na lungkot at pagsisisi. “Walang nangy—”Hindi pa man ito tapos magsalita ay bigla itong napahinto at narinig ko rin ang boses ng mga security guards na pinapaalis na ito sa condo noong gabing iyon. Pagkatapos noon ay wala na akong balita sa kaniya dahil pumunta na ito ng Canada. Bata pa lamang ako ay siya na talaga ang lagi kong kasama bagaman magkaiba ang estado namin sa buhay ay hindi iyon naging hadlang sa pagkakaibigan namin. Mayaman ang pamilya ni Hugo dahil sa maraming negosyo ang magulang nito kaya halos lahat ng gusto niya ay nakukuha niya at iyon naman ang eksaktong kabaliktaran ng buhay ko. “Huwag kang mag-alala Luca magkaibigan na tayo kaya lahat ng akin at iyo na rin.”Na alala kong mga salita ni Hugo noong mga bata pa kami at unang beses naming magkausap. Nagyare iyon labing pitong taon na ang nakakaraan parehas kaming walong taong gulang. Noong araw na iyon ay nakita ko itong naglalaro sa labas ng gate ng bahay nila subalit wala itong kalaro. Pinapanood ko ito habang ako ay nagtatago sa likod ng poste dahil nahihiya akong makita nito ang butas butas kong damit at iniisip na sana mayroon din akong ganoong laroan. “Nakaka-inggit naman siya.”Malungkot na saad ko sa aking sarili. “Huyy Ikaw, tara laro tayo.”Nagulat ako noong makita ko itong papalapit sa akin, Gusto ko sanang tumakbo noon dahil sa sobrang hiya subalit pinigilan ako nito. “Tara please laro tayo ang lungkot maglaro mag-isa eh.”Natigilan ako noong marinig iyon at bakas din sa mga mata nito ang lungkot. Noong una akala ko masungit ito at mandidiri or pagtatawanan ako pag nakita ako dahil iyon ang kadalasang natatanggap ko pag nakikita ako ng ibang mga bata. Pero si Hugo iba. “S-sige.”Nauutal kong pagpayag sa gusto nito. “Ano pala pangalan mo?”Tanong nito. “L-luca.” Mahinang tugon ko. “Ako naman si Hugo at simula sa araw na ito ay magkaibigan na tayo okay?”Nakangiting saad nito. “S-sige.” Tipid kong tugon. “Yeheyy may kalaro na ako.”Masiglang wika nito sabay hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa gate nila. “W-wow.”Naging reaksyon ko noong nakapasok sa loob dahil sa mangha sa mga nakikita ko sa paligid. Mala mansyon ang bahay nito at ito ang unang beses na makakita ako ganitong kagandang bahay. “Ito ang bahay namin, wala sina mama dahil nasa ibang bansa sila kaya ako at ang mga katulong lang ang nakatira dito.” Nakangiting sambit nito habang naglalakad papasok ng bahay. “Hugo! Si yang batang iyan?!”Nagulat kaming pareho noong may magsalita mula sa likoran namin. “Palabasin mo yan dito Hugo!”......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD