LUCA'S POV:
Kasalokoyang akong nagsusulat at ganado dahil may bago akong isturyang ginagawa nang biglang..
“Dad!!!” Bigla ako napabuklos at mabilis na tumakbo sa kwarto noong marinig kong sumigaw ang weirdo.
Pagkadating ko sa loob ay nakita kong tulog ito pero mukhang binabangongot, agad ko itong nilapitan upang gisingin subalit nakita ko ang pamumutla nito na siyang ipinag-alala ko.
“Nilalagnat nanaman siya??” Pagtatakang tanong ko aking sarili sabay dinampi ang palad ko sa noo nito, tama nga ang hinala ko nilalagnat nga ito.
Dali-dali akong naghanda ng mainit na sabaw at kumuha ng gamot sa kit ko subalit wala na akong nakita dahil naubos na pala at hindi ako nakabili.
“Malas naman bakit ngayon pa.”Asar na wika ko sa aking sarili kaya nagmadali akong lumabas ng condo upang bumili ng gamot mabuti nalang at may malapit na drugstore kaya dali-dali akong bumili ng gamot sa lagnat.
Pagkabalik ko sa condo ay agad ko itong ginising upang pahigupin ng sabaw at painumin ng gamot.
“Anu ba talaga ang nangyayare sa iyong babae ka?”Tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan itong humihigop ng sabaw at para bang may kung anong takot ako na nakikita sa mukha nito. Gustohin ko mang tanongin ito pero hindi ko na ginawa dahil sa sitwasyon niya ngayon.
“Salamat Luca.” Malumanay na saad nito saka bumalik sa pagkakahiga pagkatapos nitong uminom ng gamot.
Oo nga pala kanina habang kumakain ay lumabas ito ng condo dahil may tumawag sa kaniya at pagpasok nito ay parang nag-iba ang timpla na para bang naging matamlay at balisa at kaagad na dumiretso sa kwarto diretsong nahiga. Agad ko iyong napansin subalit hindi na ako nagtanong.
Binantayan ko ulit ito magdamag dahil medyo nag-aalala ako sa kaniya besides andito parin siya sa condo ko kaya obligasyon ko ito. Nakaka-ilang man pero hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako tumanggi noong sinabi nitong dito siya titira.
Lumipas ang ilang araw at lingo ang pananatili nito sa condo ko nakakairita at nakakaasar sa halos lahat ng oras dahil sa mga kapalpakan nito pero nasanay na rin ako at para bang hindi kumpleto ang araw ko kung wala itong katangahang nagagawa.
“What the heck is that smell???”Takang tanong ko sa aking sarili noong may maamoy na parang nasusunog pagpasok ko sa condo galing gym.
“What are you doi—” Hindi na ako natapos sa pagsasalita at agad na inalis ang ulam na niluluto nito sa electric range dahil na susunog na ito at hindi napansin ng weirdo na iyon.
“W-what happened?” Biglang tanong nito at bakas din ang pagkagulat sa mukha nito.
“What were you doing you idiot?!” Pasigaw kong sambit dahil sa inis. Nakita kong may mga bula pa ang kamay nito kaya agad kong napagtanto na naglalaba ito habang nagluluto.
“Hayst.”Ani ko sabay napakunot noo nalang ako dahil sa pinag-gagagawa ng tukmol na ito.
“S-sorry.” Paghingi nito ng tawad pero mukhang hindi seryoso dahil nakuha pa nitong magpacute.
“Taposin mo na nga nilalabhan mo ako na magluluto tsk.”Pasungit kong saad habang nililinis ang kawaleng nasunog at ang kalat sa kitchen ko.
“i-exercise mo kaya yang brain cells mo paminsan minsan.” Inis na sambit ko.
Maya't maya pa habang nagluluto ay may bigla akong na received na email galing sa...
“W-whut???”Nanlaki ang mga mata ko noong makita kung sino ang nag email sa akin.
“S-SOUL BLEEDS PUBLISHING COMPANY??? SERIOUSLY ??? ” Muli kong tanong at nakaramdam ng excitement at kaba habang binabasa ang email sa akin.
“Hi! Soul Bleeds Publishing Company would like to invite you for a meeting together with Mr. Yoo (Producers Manager) this is related to your book with the title "YUGO'S DESIRE" we have seen it's potential to the market and we would like to present a proposal to make a movie out of your book. We are hoping for your immediate response. Have a Great day!” Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon.
Kaagad akong tumugon sa minasahe nito at pumayag sa alok na meeting with Mr. Yoo, sino ba naman ang makakatanggi sa offer nila dahil halos lahat ng sikat na writers ay pinapangarap ito.
“This is it!!”Pasigaw kong saad ngunit bigla akong natigilan noong napagtanto na dahil sa saya ay hindi ko namalayang napayakap ako sa weirdong babaeng iyon.
Kaagad akong bumitaw sa pagkakayakap dahil sa hiyang naramdaman ko subalit nagtaka ako noong makita ko ang mukha ng babaeng iyon na nakangiti pa at namumula.
“What the fvck is that face?” Bigla kong naitanong pagkabitaw ko sa pagkakayakap dito.
Agad naman na bumalik ang diwa nito napansin niya siguro na mukha na siyang tanga dahil sa reaksyon ng mukha niya.
“You pervert.”Biglang pasungit na saad nito bago bumalik sa ginagawa niya.
“Tinawag pa akong pervert eh halata namang nag-enjoy siya sa yakap ko.” Pabulong kong saad at muling bumalik sa pagluluto.
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyare dahil isa nanaman sa mga pangarap ko ang matutupad.
“Sa wakas magbubunga na rin ang mga pinag paguran mo Luca.”Nakangiti kong sambit sa aking sarili.
At dumating na iyong araw na itinakda ng aming pagkikita ni Mr. Yoo kaya maaga akong na gising dahil excited ako at nakakahiya naman kung malilate ako sa meeting. Agad ako na naghanda ng agahan at pagkatapos ay dumiretso muna sa banyo para maligo bago kumain.
“ihhhh????” Bigla akong nakarinig ng boses ng babae sa loob ng banyo habang naliligo. Agad akong napalingon at nakita ang weirdo na nakatulala sa harap ko.
“????”
“????”
Nabalot kami ng katahimikan at tila ba tumigil sa pag-ikot ang mundo noong mga oras na iyon.
“Sh*t nakalimutan ko bang ilock ang pinto ng Cr??”Taranta kong tanong sa aking isip.
Mabuti nalang at may suot kong boxer brief habang naliligo pero ganoon pa man ay kitang-kita nito ang boong katawan ko.
“Wanna join with me Lady?”Kamado kong saad at pinalalim ang boses upang hindi mahalata ang hiya at gulat ko sa nangyare.
“Waahhh You fvcking d*ck head pervert!!!”Biglang sigaw nito at bakas ang pamumula ng mukha nito dahil sa nakita niya sabay lumabas ng banyo at ibinalibag ang pinto.
Napabuntong hininga nalang ako pagka labas nito pero aba siya pa ang may ganang magalit at tawagin akong d*ck head at pervert eh siya nga itong bila bigla nalang pumapasok ng hindi kumakatok, (she was so cute with her reaction tho.)
Pagkatapos ko maligo ay dumiretso ako sa mesa upang mag-agahan at saktong kumakain na rin ito. Walang nagsasalita at tanging tunog lang ng kutsara tenidor at pinggan ang naririnig namin habang kumakain.
“What an awkward moment.”Sambit ko sa aking isip.
Pagkatapos kumain ay nagbihis na ako at nang handa na ang lahat ay lumabas na ako ng condo.
“Good luck Mr. Pervert.” Bigla akong napahinto noong marinig itong magsalita (Pervert pa nga)
“Yeah thanks.” Tugon ko.
“Ohw by the way, mag-iingat ka dito baka kung anong katangahan nanaman gawin mo.” Dugtong ko bago lumabas ng pinto.
“Amptt.”
“Focus Luca this is your big day.”Sambit ko sa aking sarili habang pababa ng elevator dahil hindi maalis sa isip ko ang nangyare kanina.
“Arggg!”
Pagkadating sa meeting place namin ay nakita kong nandoon na si Mr. Yoo. Sa Starbucks pala meeting place namin dito ang binigay kong Lugar at gustong gusto ko rin talaga ang mga kape dito.
Pagkalapit ko ay agad itong tumayo at ini-abot ang kamay niya na siya namang tinugonan ko.
“So you must be Mr. Luca Schriver.” Nakangiting saad nito at sa tuno palang ng pananalita ay nararamdaman mo na ang pagka professional nito.
“Yes Mr. Yoo nice to meet you.” Tugon ko dito.
“Sorry am I late?”Tanong ko dahil kung nagkataon ay mahihiya talaga ko.
“No. Actually kakarating ko lang din.” Tugon nito.
“Have a sit.” Pag anyaya nito at sabay kaming naupo.
“I'm surprised, you look more handsome in person.” Sambit pa nito. Ngumiti lang ako at napakamot sa ulo.
“I have read your entire book and I am amazed dahil sa ganda ng content nito and I see it as an opportunity to make a new movie.”Pagpuri nito sa libro ko.
Nagpatuloy ang usapan namin maganda ang proposal at nagsign narin kami ng contract para sa movie na gagawin, everything was so smooth and successful na natapos ang meeting since we both agreed to the terms ang conditions na nakalagay sa contract besides medyo maganda rin ang offer nitong benifets namakukuha ko along the way.
“Again congratulations to us in advance Mr. Schriver, I do believe this will be a great opportunity for us.” Wika nito bago kami mamaalam pagkatapos ng meeting na halos tumagal ng anim na oras dahil medyo napasarap din ang usapan namin tungkol narin sa ibang bagay.
“It's my pleasure Mr. Yoo. Let's do our best”Tugon ko bago sumakay ng motor.
Bago bumalik sa condo ay napagdisesyonan kong dumaan muna sa super market upang bumili ng groceries dahil ang lakas kumain ng tukmol na iyon at binilhan ko rin ito ng paborito nitong ice cream (yes, ice cream what a childish creep) bago tuloyang umuwi.
Pagkadating ko ay....