Kabanata 3

1108 Words
The woman was stunned for a moment, because of what he said, and what he did. Even the lady in charge in the cashier was. Huge was bored and in hurry. Kanina pa kasi ito naiinip sa pila, at kanina niya pa nararamdaman ang pag-vibrate ng kan'yang telepono sa bulsa. He just wanted to drink a cold water, but he ended up being stuck with this supermarket. When he learned that his parents were going to pay a visit to their company, he immediately cancelled all of his appointment and left the office. Panigurado kasing kukulitin lang siya ng mga 'to, o hindi naman kaya't ireto nanaman sa mga anak ng kakilala. Kung kani-kanino nila ito pinapares. Minsan nga'y palihim siyang sine-set up sa blind date. "Are you deaf?" tila nawalan na ito ng pasens'ya kaya't bahagyang  tumaas ang tono ng kan'yang boses. Mahihimigan mo ang pagka-inis dito. "How much would my wife's going to pay?" he asked again. Doon lamang kumurap ang babae, at saka muling tiningnan ang screen ng computer. Lumunok ito ng paulit-ulit, at saka alanganing bumalik sa dalawa. "3,455.11 sir, plus your bottled water, it's 3,500.05," aniya. Nanginig pa nga 'ata ito nang abutin ang card ng binata. Huge did not even dare to lay a glance to her. Prente lang itong tumayo habang hinihintay ang kan'yang credit card, na siya namang taliwas kay Laureta. Halos hindi na kasi ito kumurap, at nanatili ang tingin sa binata. Laureta examined her. She even tried to memorize each ang every details on his face. Hindi mawari ng dalaga ang nararamdaman. Pakiramdam niya'y nasa langit na siya, dahil sa mala-anghel na lalaki, na bigla-bigla na lamang sumulpot sa tabi niya. Nakakalungkot lang, dahil hindi nito nagawang magpasalamat man lang. How rude of her, right? "Laur, did something happened?" bungad sa kan'ya ng kapatid. Nadatnan kasi niya itong nakahandusay sa couch habang ang mga pinamili ay nanatiling nasa harap niya lang. Nasa grocery bag pa ang mga 'to. "Bakit?" "Mukha kang nalugi. What's with that face? Nasundan ka nanaman ba ng mga reporters?" She was about to answer, but their dad came into the picture. Galing ito sa kusina, at may hawak na isang baso ng wine. "Reporters? Hanggang ngayon, mainit pa rin tayo sa kanila? Kailan ba magsasawa ang mga 'yon?" "Papa, hindi gan'on. Walang reporters, walang nangyari, masyado lang advance mag-isip itong panganay mo," depensa naman nito. Sinandal niya ang likod sa couch at saka marahang ipinikit ang mata. Nakapikit man siya'y ramdam pa rin niya ang presens'ya ng dalawa. "Kung hindi reporters, sino?" takang tanong ni Domingo. Alam niya sa sarili niyang mayroong kakaiba sa kinikilos ni Laureta. She seemed bothered and angry, but why? "Hindi sino, kung 'di ano," sabay na nagmulat ng mata at nagsalita si Laureta. Nagkatinginan ang mag-ama, dahil sa pinaghalong pag-aalala at pagkalito sa turan ng dalaga. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Dumagdag pa sa pagkabagabag nila ang pagyukom ng kamao niya. Something bad happened, that's what they thought and concluded into their minds. "Laureta, anak, anong... ano ba ang ibig mong sabihin?" Laureta took a deep breathe first, as she calm herself to prevent it from crying. She can't let herself cry in front of them. As long as possible, ayaw niyang maging mahina sa paningin nila, lalo na't malaki ang problemang hinaharap nila ngayon. "Naka-freeze na rin lahat ng accounts ko." "Laur, sigurado ka ba?" paniniguro ni Domingo. Alam kasi nito na ang account ng dalaga ay mula mismo sa ipon niya. Wala itong kaugnayan sa issue na kinasasangkutan ng ina. "A hundred and one percent sure. Muntik na nga akong hindi naka-alis sa supermarket. Damn it. If it wasn't that good samaratin, tiyak nasa prisinto na rin ako ngayon." "Papa, can't you do something about it?" Domingo asked. "I'll see what I can do," sagot naman ng ama. Umalis ito at hindi sinabi kung saan pupunta. Their house helpers helped them in putting the stuffs in. Domingo was worried for her sister, hindi kasi ito bumaba upang kumain. "Senyorita, ipinatatawag niyo raw kami." "Ahh. Pasen'ya na po. Naabala ko ba kayo?" magalang na tanong ni Laureta sa kanilang mga kasambahay. "Hindi naman, senyorita." sagot naman ng isa. "Mabuti naman kung gan'on." Nagulat ang mga 'to ng isa-isa silang abutan ni Laureta ng puting sobre. Sakto rin namang dumating ang kapatid niya't tinulungan siya. "Senyorita, para saan ito?" "Oo nga, senyorita. Ang aga namang Christmas Bonus nito." Laureta bit her lower lip as she looked at his brother, trying to ask some help. Iyon nga lang ay hindi ito na-gets ni Domingo, kaya awkward lang itong ngumiti na tila nagtatanong. Wala na siyang choice. She needs to do this. "Uh, I... hindi ko po alam kung paano sasabihin ito," she paused for a while and took a deep breathe once more. "Ilang taon na kayong nagsisilbi sa amin. Actually, lahat kayo ay mababait at masisipag, kaya't hindi ko talaga alam kung paano ito sabihin, pero—" "Naiintindihan namin, senyorita," sagot ng isa. Ito 'yong pinakamatagal ng naninilbi sa kanila. Sa kwento ng kan'yang ina, ay halos ito na raw ang nagpalaki sa kan'ya. "Alam niyo naman siguro, at aware kayo sa status namin ngayon. Naka-freeze ang mga accounts namin, at hindi namin alam kung kailan ito babalik sa amin. We don't want to fire you, but we also don't want to be unfair. You need money to provide the needs of your family, I'm sorry." Noong araw na 'yon ay umalis na ang mga katulong nila. Lahat ng gawain sa bahay ay si Laureta na ang gumagawa. Paminsan-minsa'y tumutulong naman si Domingo, pero mas madalas itong wala sa bahay. Same as with their father. "Kuya!" sigaw ng dalaga. Kasalukuyan kasi niyang nililinis ang comfort room nila, nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell. "Laur? May nangyari ba?" agad nitong tanong. Mabilis niyang narating ang kinaroroonan ng dalaga, at naka-hinga naman ng maluwag ng makita si Laureta. "Shet, Laur! Akala ko naman kung paano ka na. Bakit ka ba sumisigaw?" "May tao 'ata sa labas. Can you check it out?" "Luh. Bakit ako?" "Bakit hindi ikaw?" buwelta naman nito. "O sige, ganito nalang. Ako ang titingin, pero ikaw ang maglilinis dito. Deal?" "Laur naman, sabi ko naman sa'yo titingnan ko na e." Iiling-iling na tumakbo palabas si Domingo. Sa wari niya'y naisahan nanaman siya ni Laureta. Pero sa totoo lang, naawa na siya sa kapatid. Kung susuriing mabuti, masyadong malaki ang ibinawas ng timbang niya. Laglag balikat siyang bumalik sa loob dala-dala ang puting sobre na naiwan sa kanilang mail box. "Ano 'yan? Bakit mo itatapon?" tanong ni Laureta na ngayon ay kalalabas lang mula sa banyo. Naabutan kasi nito si Domingo na akmang may itatapon. Kusang kumunot ang noo ng dalaga, at awtomatikong lumipad pabalik sa mukha ng binata ang kan'yang tingin. "Ano 'yan?" tanong muli nito. "Wala lang 'to, Laur." "Kuya," tila nambabanta niyang saad. "Ano 'yan? Bakit mo itinatapon?" "Notice galing sa bangko, at bill mula sa Meralco." Yeah. What a life, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD