Kabanata 2

1470 Words
Ilang araw na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa buong pamilya ni Laureta ang nangyari sa ina. Hindi sila makapaniwala. Naninibago silang wala ang ilaw ng tahanan, na pakalat-kalat sa kanilang bahay. Walang nagluluto, nanlalambing, nang-aasikaso, at mas lalo ng walang nagagalit. They missed her so much, specially Laureta. "Good morning, Laur! Ang aga mo 'ata ngayon," puna sa kan'ya ng kapatid na ngayon ay kakalabas lang ng silid. Mayroon pa itong muta sa kaliwang mata, at may tulo ng panis na laway pa sa gilid ng kan'yang labi. "Obviously, nagluluto ako," padarag na sagot ng dalaga. Hindi kasi maganda ang gising nito. Oh crap—hindi nga pala ito nakatulog kakaisip ka kan'yang mama. Hindi niya kasi maatim na matulog sa isang malaki, malinis, at magarbong kwarto, na mayroong maluwang at malambot na kama habang ang ina ay nagtitiis sa isang makipot, at maruming lugar. Idagdag mo pa na wala itong kama sa loob. Tanging matigas na semento at manipis na banig lamang ang hinihigaan ng ina. "Ohh. Ayan pala 'yong naamoy kong mabango, Akala ko tuloy si—" Naputol ang dapat na sabihin ng binata, nang dumating ang kanilang ama na ngayon ay humahangos at tila nagmamadali. "Ligaya?" aniya, ngunit agad na nadismaya nang makita ang dalawang anak, at hindi ang asawa. Nangungulila rin ito. Lahat sila. "Akala ko tuloy si mama," tuloy na sambit ng binata, ngunit ibinulong niya na lang ito sa kapatid.  "Papa, aren't you going to join us?" tanong ng dalaga nang mapansin ang kan'yang ama paalis. Akmang aakyat na ito at babalik sa silid kung hindi lamang siya tinanong ng anak. Habang siya ay inuusisa ng dalaga, si Domingo ay naupo na sa silya matapos ayusin ang hapag. Kumpleto na ang hapag kainan, ang pamilya na lang nila ang hindi. "I lost my appetite," sagot nito at saka tuluyang tinalikuran ang dalawang anak. Laglag balikat ang dalaga, dahil nabigo ito sa plano. Gusto niya kasing pasayahin sana ang ama dahil halos araw-araw itong nagkukulong sa kwarto. Tipid din magsalita at laging matamlay. Minsan ngay naabutan pa niya 'yong umiiyak sa labas, t'wing madaling araw. May katulong man sila noon, pero hands on pa rin si Ligaya sa kan'yang pamilya. Siya lagi ang naghahanda at nag-aasikaso sa pamilya, maliban na lamang kung talagang busy siya. Akmang aalis na rin si Laureta, pero natigil siya nang magsalita ang kapatid. "Oh, saan ka pupunta, Laureta? Dadalawa na nga lang tayo, hindi mo pa ako sasabayan?" Laureta took a deep breathe before answering his brother, even without looking. "Tatawagin ko lang sila manang. Sayang naman itong mga pagkain kung walang kakain," sagot naman nito bago tuluyang humakbang palayo. Ganoon nga ang nangyari, sinaluhan sila ng mga katulong. Nanatili sa taas ang kanilang ama, at katulad ng dati'y hinatiran lamang ito ng pagkain sa silid. "Huwag na po kayong mahiya. Kumain lang po kayo't huwag ng pansinin ang aming presensiya," wika ni Laureta nang mapansin niya ang pagka-ilang sa mga 'to. "Hindi raw masarap luto mo," panunukso naman ni Domingo sa kapatid. "Hindi po ba masarap?" tanong naman nito at saka lumabi, na siya namang agad na inapilahan ng mga 'to. "Naku, hindi po." sagot ng isa. "Told ya," bulong sa kan'ya ng binata na siya namang ikinadismaya niya. Hindi ba masarap? Turan nito sa sarili. Sinunod niya naman ang recipe ng mama, pero mukhang pumalpak 'ata ito. "Ang ibig ko pong sabihin ay masarap. Nag-aalangan lang po kami dahil baka huling beses na namin itong kakain sa mansyon." dagdag ng katabi nito. Totoo 'yon. Bagsak na kasi ang negosyo nila. Nobody wants to help them out. Nobody wants to be involve in their name. Para silang sakit na pinandidirihan at iniiwasan. Dahil doon, wala na silang maipasasahod sa mga tauhan. Kaya't may posibilidad ngang mawalan ng trabaho ang mga 'to. Kinabukasan ay ganoon pa rin ang naging routine nila. Gustuhin man niyang dalawin ang ina, ay hindi pa pwede. Hindi pa kasi humuhupa ang issue. Mainit pa sila sa balita at media ang pangalan nila, hanggang ngayon ay bantay sarado pa rin ang bawat kilos ng buong pamilya. Matapos ang ilang linggo, sa wakas ay hindi na masyadong sikat sa balita ang issue nila. Mayroon pa ring iilan, pero mayroon na silang bagong pinag-uusapan. Tila nabawasan ng kaunting tinik ang dibdib ng dalaga. Sa wakas ay madadalaw na nito ang ina. Agad siyang tumungo sa presinto, pero nabigo siyang makita at maka-usap ang ina. Hindi kasi siya nito hinarap. Kinabusakan ay sinubukan ulit niyang dalawin nito, ngunit katulad ng kahapon ay hindi rin siya hinarap nito. Wala tuloy siyang ibang choice kung hindi ang ipaabot nalang ang mga dala niyang pagkain, at regalo. "Pa, did I wake you up?" tanong ni Laureta. Pumasok na kasi ito matapos ang ilang beses na pagkatok. "Are you...okay? Is everything okay, papa?" "Huwag mo akong alalahanin, anak. Just give me more time to absorb what happened to us, to our family." "Pa, kailangan mong tulungan ang sarili mo. I need you, we need a father. Please," paki-usap nito. Umiwas ng tingin ang ama, at pinigilan ang luhang nagbabadyang tumula mula sa kan'yang mata. Ayaw niyang makita siya ng mga anak na ganito, kaya't hindi siya lumalabas at mas pinipili na lamang na mapag-isa. But then, he realizes that her daughter was right. His children needs a father. "Let's fight together as one family, pa. Ang buhay ay parang gulong, pwedeng nasa ilalim tayo ngayon, pero darating din ang panahon na tayo naman ang iibabaw." humingi ito ng malalim at akmang aalis na nang may naalala siyang dapat sabihin. Damn. She almost forgot about her real agenda. "Dadalawin ko ang mama ngayon, would you like to accompany me?" she added a question. Her father remained silent, so she take that as a no. Ayos lang, hindi niya naman pinipilit ito. At isa pa, baka mas lalo lang itong malungkot. "Susubukan ko, Laureta. Maybe... maybe next time. I'm sorry." "Naiintindihan ko, papa, pero sana ay pag-isipan mo ang mga sinabi ko." And with that, she left. The next day, her father came out. Sinaluhan niya itong kumain. "Hindi ba sasabay si Domingo?" tanong nito. "He left," mapait niyang sagot. Ilang araw na mula nang umalis ito ng walang pasabi, at ilang araw na rin itong hindi umuuwi. Hindi alam ni Laureta kung dapat niya ba itong sabihin sa ama, pero sa tingin niya'y deserve naman nitong malaman ang totoo. "This early? Where did he go?" tanong muli nito. Natigil si Laureta. Paano niya nga ba sasabihin, na ilang na araw na siyang kumakain at namumuhay mag-isa. She felt like they left her, they abandoned her, and started to live their life without thinking about her. But of course, that wasn't true. "Papa, kasi po— Oh, speaking of the devil. Ayan na pala si kuya," aniya sa mapait na tono. Hinalikan niya si Laureta sa noo, at binati ang kanilang ama, saka ito umupo at sinaluhan sila. "Saan ka pupunta? Hatid na kita," her brother offered. "Diyan lang, sa tabi tabi." "Dadalawin mo ba ang mama?" "Hindi. Diyan lang ako sa grocery," tugon ni Laureta bago tuluyang talikuran ang kapatid. Totoo namang balak nitong dalawin ulit ang ina, pero bigla itong tinamad at nawalan ng gana. Balak niya lang sanang magpahinga ngayon, pero nakita niyang paubos na ang stock nila kaya't naisip niyang mag-grocery nalang. Iyong mga essentials lang ang kinuha niya. She even brought a calculator, so she can manage the bills. Mahaba ng pila sa counter. Nagugutom na ito't naiinip, pero wala siyang ibang choice kung hindi ang pumila at maghintay. Wala naman siyang magawa upang maabala ang sarili. She accidentally left her phone earlier. Scientific calculator pala ang nadala niya, at makalimutang isama ang telepono. "3,455.11 Ma'am." Agad niyang iniabot ang credit card sa cashier. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang paulit-ulit na pag-swipe nito. "Ma'am, card denied po. Do you have either cash or another card with you, ma'am?" Naguguluhan si Laureta. Hindi niya alam kung bakit pati ang personal card niya ay denied na rin. It is her own savings for pete sake! That card doesn't have to do with her parents' and most specially to her mother. Pinaghirapan niya 'yon. Ang pero na 'yon ay mula sa dugo at pawis niya mismo. "Can you try it again?" paki-usap niya. "I'm sorry, ma'am! Access denied po talaga." Laureta bit her lower lip. Nahihiya siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin, dahil wala itong dala ni singko. Kung pwede lamang siyang lamunin ng lupa, ay kanina pa sana siya nasa ilalim. Pabalik-balik ang tingin ni Huge sa kan'yang relo, at sa counter. Isang medium size bottled water lang naman ang hawak niya, pero bakit kailangan niya pang magtiis sa ganito kahabang pila. "Access denied po talaga lahat," mahihimigan mo ang inis sa babae habang tinuturan 'yan. Mula sa pwesto niya ay tanaw na tanaw ni Huge ang isang bulto ng babae mula sa kabilang counter. Kanina niya pa napapansin na hindi umuusad ang pila sa kabila, dahil sa babaeng 'yon." "Damn. Bibili bili ng marami, pero wala naman palang pambayad," aniya sa kan'yang sarili. Bibit ang bottled water niya, ay Iiling-iling itong lumakad palapit sa babae. "I'm with her. How much would my wife's going to pay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD