Kabanata 1

1301 Words
Lahat na 'ata ng positivity niya sa buhay ay naubos na. Naniniwala naman si Laureta na ang problema ay ginawa upang maging malakas ang isa tao. Alam niya rin sa kan'yang sarili na habang may buhay ay mayroong pag-asa. Malaki rin ang paniniwala niya, na laging mayroong bahaghari sa bawat pagtatapos ng ulan. Lihim na ipinagdarasal ng dalaga, na huwag makulong ang kanilang ilaw ng tahanan. Isa itong Senatora, na kamakailan lamang ay nadawit sa issue ng corruption. Hindi lamang basta-bastang nadawit ang ginang, dahil siya pa ang itinuturong ulo ng lahat nang pagnanakaw sa pera ng taombayan. "Ang lamig ng kamay mo," puna niya sa nakatatandang kapatid, ang kan'yang kuya Domingo. "Pasmado naman ang iyo," tukso nito pabalik at saka parang bata na inilabas ang dila upas mas mainis ang dalaga. Totoo naman ang sinasabi ni Domingo, talagang pasmado talaga ang kamay niya, at mas lalo na sa t'wing kinakabahan ito. Alam niya sa sarili na inosente ang ina. Matagal na itong nagsisilbi, mula sa pagiging simpleng barangay kagawad lamang sa kanilang baryo hanggang sa senado. Mapagbigay ito at maawain, kaya't gustong-gusto ng taombayan. Lumaki man silang mag-anak sa probins'ya, ay marangya naman ang pamumuhay nila at masaya naman ang pamilya nila. Isa sila sa tinitingala, pero kahit gan'on ay nanatili pa rin sa lupa ang kanilang paa. Napilitan lamang silang lumipat sa Maynila noong kasagsagan na ng eleksyon. Magmula nang manalo ang kan'yang ina, doon na sila permanenteng namalagi. Paminsan-minsa'y bumabalik pa rin sila sa probinsya, pero hindi gaano. Malayo kasi ito at kinakailangan pang sumakay sa eroplano o barko. Hindi niya lang lubos maisip kung bakit at paano ito nadawit sa issue na kinakaharap ngayon. "Hindi ako mapakali, kuya. Parang may mali." "Huwag kang kabahan, Laur. Magiging maayos din ang lahat. Inosente ang mama, mapapatunayan natin iyon. God is with us." "Sana nga, kuya." Sana nga talaga. Inosente nga ang ina, iyon ang paniniwala nilang lahat. Saksi kasi ang dalaga sa naging paghihirap ng ina, upang kumayod. Mayaman naman sila, dahil sa mayamang angkan nagmula ang padre de pamilya. Pero ang pera na ginagamit ng ina para tumulong sa nangangailangan, ay mula sa dugo at pawis nito. Saksi siya r'on. Kaya malabo ang paratang sakan'ya ngayon. She strongly believed that her mother is innocent. "Senator Ligaya Laxamana, accused for graft and corruption, is therefore proven guilty beyond a reasonable doubt." Sa mga sandaling ito ay tila nabingi ang buong pamilya ng akusado. Tila natigil sa paghinga ang dalaga, ang nagsimula nang umiyak ang kanilang ama. Hindi sigurado ng dalaga kung narinig niya ba ng tama ang sinabi. Lihim niya pang kinurot ang sarili nang paulit-ulit upang malaman kung nananaginip lang ba ito, o totoo na talaga. "K-kuya... kurutin mo nga ako," utos niya gamit ang pinakamahinang boses. Nagmamasa na ang mata niya, ang kanilang ama, na nasa kanan niya ay tahimik na humihikbi. "Laur—" "Kuya, please! Gawin mo na lang, sige na." paki-usap niya. Kasabay nang pagkurot sa kan'ya ng binata, ay ang pagtulo ng isang butil na luha mula sa kan'yang mata. Totoo nga. Naiwika niya sa sarili. "Hindi! Hindi totoo 'yan! Inosente ang mama, inosente siya!" Ang lahat ng naroon ay nagulat sa ginawa niyang eskandalo. Nakuha ng dalaga ang kanilang atensyon at nagpatuloy sa pagwawala habang siya'y kinakalma ng padre de pamilya ng Laxamana. "Order in the court," ani ng judge na siya namang ikinairap nito. Mula sa kabilang panig ay nasaksihan niyang ngumisi ang mga ito. Umirap si Laureta sa Judge bago yakapin ang ama. Masama ang manghusga at mambintang sa kapwa, pero sa sitwasyong ito ay malakas ang kutob ng dalaga, na sa pera umikot ang kaso. "Papa, papa, wala ka bang gagawin?" aniya. Lihim na pinagmamasdan ni Domingo ang kabilang panig. Batid niyang palihim silang nagdiriwang, at kunyari'y nalulungkot din sa sinapit ng ina. "Mama! Bitawan niyo ang mama!" muling sigaw ni Laureta nang posasan ang kan'yang ina at inalalayan na ito palabas, upang dalhin sa selda. "Anak, kumalma ka. Hindi makakatulong sa sitwasyon ang ginagawa mo," bilin ng ama. "Saan... saan nila dadalhin ang mama ko?" Laureta's voice almost cracked. Mama's girl kasi ito, at labi niyang iniidolo ang ina kaya't labis siyang nasasaktan ngayon. Hindi niya 'ata kayang panoorin ang ina na nagdurusa at nagbabayad sa isang kasalanan na hindi niya naman ginawa, at hindi kayang gawin. "We'll fix this," matigas na sambit ng ama. Nakita niyang kumuyom ang kamao nito, at kasabay din n'on ay ang padgaan ng ina sa kanilang harapan. "I'll fix this, by hook or by crook," he added.  Nginitian ni Ligaya ang mag-anak nang madaanan ang mga 'to. Pinilit niya ang sarili na ngitian sila kahit na sa oras na ito ay nais niya nalang umiyak dahil sa labis na nararamdaman. Mabigat sa loob niya ang bawat hakbang na ginagawa niya, palayo sa kan'yang pinakamamahal na pamilya. Ang kan'yang tunay na kayamanan at tahanan. "Patawarin niyo ako, mga anak. Mahal na mahal ko kayo," ani ng ginang. Kasabay nang pagbuhos ng kan'yang mga luha ay ang pagkandado sa kan'ya, sa loob ng nangangalawang na rehas. "So, this is my new home?" mapakla niyang saad sa sarili. Wala na itong ibang nagawa kung hindi ang umupo sa malamig na semento at isandal ang likod sa pader, habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sa kabilang banda naman, patuloy pa ring kinakalma ng pamilya si Laureta. Kulang nalang kasi ay himatayin na ito sa labis na pag-iyak. Nahihiyang lumakad palapit sa kanila ang abogado. Ito ay tanyag, dahil isa ito sa tinaguriang 'Youngest Successful Lawyer'. Siya ang nag-iisang anak ng kanilang family lawyer na kamakailan lamang ay namayapa na, kaya siya na ang nag-take over sa pwesto nito. "I am sorry, Mr. Laxamana. I did everything that I can, but—" "Hindi, Attorney. Hindi mo ginawa ang lahat!" bulyaw ng dalaga kaya naman agad siyang sinaway ng ama. "Ms. Laxamana, calm down." "How can I, Attorney? Paano ako kakalma kung nakakulong na ang mama ko?" kinagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilan ang luhang nagbabadya nanamang tumulo. "Kasi Attorney, kung ginawa mo ang lahat, bakit naroon ang mama? Akala ko ba matalino ka at magaling, pero bakit mo hinayaang makulong ang isang inosente?" "Laur, that's absolutely out of the line. Foul na 'yan, kapatid." Hindi siya humingi ng tawad sa abogado, pero nanahimik na ito at kinalma na ang sarili. Labag man sa loob ng mag-anak na umalis at iwanan ang ina sa kulungan, ay wala na silang magagawa. Hukuman na ang nagsalita at nagdesisyon. Unang tapak pa lang nila sa labas, ay agad na silang sinalubong ng mapag-intrigang press na walang ibang ginawa kung hindi ang makichismis, upang may ma-report na balita. Nakakasilaw ang camera nila, at nakakarindi rin ang mga tanong nila. "Mr. Laxamana, ano masasabi niyo sa naging desisyon ng korte?" "May mensahe ba kayo sa kabilang panig? Sa judge o sa korte?" "Totoo ba ang lahat ng aligasyon sa Senatora? Ninakaw nga ba niya ang pera ang taombayan?" "Totoo ba na naka-freeze lahat ng account niyo?" "Mr. Laxama, just a minute, please." "Ano ang masasabi niyo sa apila nilang Death Penalty para kay Senator Ligaya Laxamana?" "Sir, uupo nga ba sa silya elektrika ang iyong asawa?" Dahil sa tanong na 'yon ay napatigil ang dalaga. Kumunot ang noo ng kan'yang kapatid at binulungan na huwag nalang pansinin ito. But knowing how much she loves her mom, hindi niya 'ata magagawang manahimik nalang. Hinawakan siya sa kamay ng kan'yang ama. Pumikit naman ang dalaga at sinubukang kalmahin ang sarili, pero kahit anong gawin niya ay hindi niya maatim na manahimik na lang. She took a deep breathe and faced the camera's bravely, with her cold fierce look on it. "My mother is innocent," she answered with a hint of hatred visible within her facial expression. "She doesn't deserve to be imprisoned. We will do everything to prove her innocence. Kung sino man ang hudas na sumisira sa pangalan niya, at sa pamilya namin, galingan mong magtago dahil hindi ka namin uurungan." Iyon ang itinuran niya bago tuluyang talikuran ang mga 'to, at saka iwinaksi ang luha gamit ang likod ng kan'yang kamay. Siya si Laureta Laxamana, at kailan ma'y hinding-hindi siya uurong sa kahit anong laban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD