Naiyukom ni Huge ang kamay habang nag-mamanaho. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote ko't pinuntahan ko siya? His jaw clenched. Ano nga ba naman kasi ang inaasahan ko? I kissed her without permission, natural lang na magalit 'yon sa akin. Kumbinsi niya sa sarili, kaso sumabat nanaman 'yong isang parte ng utak niya. But she kissed you back. She responded. Nahampas niya nalang ang manibela ng sasakyan sa sobrang inis. Binilisan niya ang takbo ng sasakyan at panay ang overtake. Usok at ingay ang sumalubong kay Huge nang bumalik sa pub na pagmamay-ari ni Drake. Maraming babae ang sumalubong sa kan'ya at lumingkis na parang ahas. Hindi niya sila pinansin, pero hinayaan niya lang ang mga 'to sa ginagawa. Palinga-linga siya upang hanapin ang mga pinsan, kaso hindi niya makita ni anino ng mg

