Kabanata 19

1083 Words

"Huy! Ang aga-aga kulubot nanaman 'yang mukha mo," puna ni Carla kay Laureta nang naabutan niya ito sa trabaho. "Masakit lang siguro ulo ko," tipid niyang sagot. Totoo naman din iyon, ang kaso mas mabigat pa kesa doon ang iniisip niya. Kakakuha niya lang sa sahod niya kahapon, at tila hangin lang iyon na dumaan sa palad niya. Hindi sapat ang sahod niya para sa mga bayarin at gastusin nila sa araw-araw. Hihiram sana siya kay Carla kaso hindi naman niya masabi-sabi sa kaibigan dahil nahihiya siya. "Ang dami mong nainom kagabi e," paninisi naman nito't umiling-iling. "Kunyari ka pa kahapon na ayaw mo sumama, pero ikaw naman itong pinakanag-enjoy sa ating lahat." Nag-enjoy nga ba ako? Parang hindi naman 'yon ang naramdaman ng dalaga. Pakiramdam niya'y maling desisyon ang nagawa siya sa pag-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD