What's worst than being rejected is being cheated by the person whom you trust the most, and by the person that is part of your family. Gan'yan ang nararamdaman ngayon ni Laureta matapos masaksihan ang pagtatalik ng kapatid at kaibigan. They made me look like a fool. Hindi mawari ni Laureta kung alin ang mas maganda, ang masaksihan ang buong katotohanan o ang manatili na lamang na walang alam. Parehas lang naman kasi ang output, niloko pa rin siya ng dalawang taong mahalaga sa kan'ya at dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya. "Laureta—" "Kailan pa?" tanong niya gamit ang kalmado niyang boses, pero ang dalawang kamay niya'y nanginginig na sa galit. Muntik niya na ngang mai-angat ito't maidapo sa pisngi ng dalawa. "Kailan pa!" sa pagkakataong ito, hindi na nakontrol ng dalaga ang nar

