Pinanood ni Laureta na bumukas ng awtomatiko ang kulay rosas na gate. Tumingin siya sa itaas kaya nasilaw siya sa liwanag na dulot ng init ng araw. Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa labas ng bahay ni Lheonnore. Ilang inhale at exhale na malalalim ang ginawa niya. Nang masiguro na kalmado na siya ay saka lang siya gumawa nang hakbang papasok. Kasabay n'on ay ang awtomatiko rin na pagsara ng gate. Isang kaaya-ayang landscape garden ang bumungad sa dalaga. Inilibot niya ang mata at saglit na tumigil upang pagmasdan ang fountain sa gilid. Madumi na ito. Puno ng sapot at alikabok. Bukod doon, wala na rin itong tubig. Malaki ang naging parte ng fountain na iyan kay Laureta at Lheonnore. Maraming ala-ala at memoryang hindi mabubura ng panahon. It is where they made a pinky promised fiftht

