Chapter 03

1340 Words
GRAY Naglalakad ako pauwi ng makasalubong ko si Seven, pareho kaming napatigil sa paglalakad. "Seven..." Tiningnan niya lang ako... "Oi,Seven!" Tiningnan ko ang lalaking umakbay kay Seven. "I-Ikaw." "Huh?", takang tanong ng lalaki na umakbay kay Seven. "Nagkita na ba tayo?", tanong nito sa akin. "Tara na.", Seven sabay lakad paalis. Nilingon ko si Seven na nilagpasan lang ako. "Seven!", tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad pati rin ang tatlong lalaki na kasama niya. "Bumalik ka na.", sabi ko sa kanya. Pero hindi ako nito tinapunan manlang kahit isang tingin ulit saka ito nagtuloy sa paglalakad palayo kasunod ang tatlo nitong kasama na lalaki. "Sandali lang,Seven!", sabi ko sabay habol kay Seven. Pero bago pa ako makalapit kay Seven ay hinarang na ako ng dalawa sa tatlong kasama niya sabay tulak sa'kin kaya napaupo ako sa lupa. Hindi siya tumigil, nagpatuloy lang siyang lumakad palayo, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. "Hayaan mo na si Seven. Hindi na siya babalik sa basura niyo ng paaralan.", sambit ng lalaki na mahaba ang buhok saka umalis kasunod ang isa pa nitong kasama. Naiwan ako na tulala at sinusundan nalang ang palayo ang bulto ni Seven. --- Sa wakas nakauwi na din ako, nakakapagod ang araw na ito grabe! "Andito na po ako!", pag-anunsyo ko sa mga tao sa bahay. "Maligayang pagbabalik,Miss!",bati nilang lahat sa'kin. Kukunin na sana ni Yo ang bag ko pero pinigilan ko siya, ayokong magbuhay prinsesa kasi para sa akin hindi namin sila mga tauhan para sa akin ay pamilya sila. Teka, bakit wala si Papa para salubungin ako? "Si Papa?" , tanong ko sa kanila. Pero bago pa makasagot si Yo ay hinanap ko na si Papa sa buong bahay habang sunod naman ng sunod si Yo sa'kin. "Miss Rie.." Hindi ko pinansin si Yo, bakit hindi ko makita si Papa?! "Mi-Miss Rie." Hindi ko pa rin pinansin si Yo, busy pa rin ako kakahanap kay Papa. "Mi-Miss Rie!" Nasaa ka na ba? Papa? Papa? Papa? "Miss Rie." "Ano?!", galit kong bulyaw kay Yo na ikinatakot nito kaya agad akong humingi ng tawad sa kanya. "A-Ah di-'di po ba ngayon ang alis ng Papa niyo papuntang Italya.", sambit nito. Natigilan ako sa sinabi ni Yo, oo nga pala ngayon ang alis ni Papa para makipagpulong sa mga pamilya na kaalyado ng pamilya namin, humarap ako sa kanila saka tumawa ng tumawa, maya-maya pa'y nakitawa na rin sila. "Handa na ang pagkain!" Napalingon kaming lahat kay Ken, ewan ko kung bakit hilig ni Ken ang magluto eh hindi naman niya trabaho ang pagluluto ng pagkain namin dahil may mga maid naman kami. "Pagkain!", sigaw ko sabay takbo papuntang hapag-kainan. Basta talaga pagkain hindi ako papahuli! Umupo na kaming lahat sa hapag-kainan namin. Hindi kami katulad ng ibang pamilya na nabibilang sa Mafia, kasabay kong kumain ang mga tauhan ng pamilya namin. Tama kayo ng iniisip. Nabibilang sa Mafia World ang pamilya ko, ang Sawada Family. Ako si Rimidie Sawada o mas kilala sa pangalan na Rie Sawada, ang nga-iisang anak na babae ng Boss ng Sawada Family at ako ang prinsesa ng pamilya na sobrang iniingatan ng buong pamilya lalo na ng mga kuya ko. Kaya nga ayaw ni Papa na isipin ko ang tungkol sa negosyo ng pamilya dahil ang gusto niya lang na gawin ko ay tuparin ang gusto ko, ang maging teacher. Isinubo ko ang kutsara na may kanin at may chicken curry. "Uhm! Ang sarap!", hiyaw ko. "Salamat naman at nagustuhan mo, Ms. Rie!", Ken. Nginitian ko siya sabay kain ulit. "Nga pala, Ms. Rie! Kamusta ang unang araw niyo bilang Teacher?", Shiro. "Ahm, binato ako ng isa sa mga estudyante ko ng bola ng lawn tennis.", sagot habang kumakain. "Binato?; Sino ang bumato?! Papata—" Tiningnan ko si Yo kaya hindi nito natapos ang sasabihin. "Nasalo ko naman kaya okay lang.", sabi ko sa kanya. "Mabuti naman!", Yo, sabay upo ulit. "Sinigawan nila ako," patuloy ko. "Sinigawan?! Uubusin ko silang lahat!", sambit naman ni Shiro sabay kasa ng baril niya. "Shiro!", Ken. "Opo!Patawad.",Shiro sabay upo ulit, napabuntong-hininga nalang ako sa mga inasta nila. "At nilayasan nila ang klase ko.", sabi ko pa. "Nilayasan?! Tara! Uubusin na'tin silang lahat!", sambit naman ni Ken habang hawak ang samurai niya. "Opo!", mga tauhan ni Ken. "Magsitigil nga kayo! Mga bata lang ang mga iyon na kinulang sa gabay at atensyon, higit sa lahat hinuhusgahan sila ng society na meron tayo ngayon dahil lang sa kilos at mga gawi nila! Tsaka, mukhang may masama silang karanasan sa mga guro na tulad ko.", sabi ko. "Sorry po, Miss!", paghingi nila ng tawad sa akin. "Kumain na nga tayo!", sabi ko. --- KINABUKASAN... "Magandang Uma—",hindi ko na natapos ang pagbati ko sa kanila dahil tumama na sa ulo ko 'yung eraser na puno ng chalk at dahil doon ay umalingawngaw sa buong classroom ang tawanan ng mga estudyante ko. "Tanga.", bulong ni Kaiser sabay tulog ulit. Tiningnan lang ako ni Louie saglit sabay tingin ulitsa binabasa nitong libro. Tinanggal ko ang eyeglasses ko saka tinanggal ang mga chalk na nasa buhok ko sabay lakad papunta sa mesa ko, nagtatawanan pa rin ang mga ito. "Ano sa tingin niyo ang nakakatawa?! Gusto niyo na bang mawala sa mundo?!", bulyaw ko sa kanila na nakapatigil sa kanilang pagtawa saka napatingin sa'kin kaya bigla akong natauhan. "A-Ah. Hahaha. Uumpisahan ko na— teka...nasaan nga pala si Seven?", tanong ko sa kanila. "'Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan na 'yan dito.", Aeron. Napatingin ako kay Aeron. Nakikita ko sa mukha niya ang galit, pero bakit? Anong dahilan? Napabuntong-hininga nalang ako. "Okay, uumpisahan ko na ang klase!", sabi ko sa kanila at gaya ng dati maiingay pa rin sila pero kahit ganun nagpatuloy pa rin ako sa pagklaklase. --- GRAY Napadaan ako sa isang eskinita at nagulat ako ng makita ko si Seven at ang tatlo niyang kasama kahapon. Sinasaktan ng tatlo ang isang estudyante ng St. Joseph Academy habang si Seven ay nakatingin lang sa kanila. "Seven.", bulong ko. Nanatili lang akong nakatayo doon habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga kasama ni Seven sa estudyante. Biglang napatingin sa'kin ang lalaking pula ang buhok, tumigil ito sa ginagawa at saka humarap sa'kin. "Look who's here!", sabi niya. Tumigil ang dalawa pa nilang kasama at tumingin sa'kin pati na rin si Seven, nagulat si Seven ng makita ako. "G-Gray.", sambit niya. Lumakad ako palapit sa kanila, nilagpasan ko ang tatlo at si Seven, nilapitan ko ang estudyante na binugbog ng tatlong kasama ni Seven. "Okay ka lang ba?", tanong ko sa kanya saka ko siya tinulungan na tumayo. "Sa-Salamat.", sabi niya. "Umalis ka na dito.", sabi ko sa kanya. Tumakbo paalis ang estudyante, ng wala na ito ay hinarap ko si Seven at ang tatlo niyang kasama. "Hindi ko akalain na sa ganito ka dadalhin ng pagkamuhi mo sa mga guro.", sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sa malayo. "Oi,Seven sino ba ang pakialamerong ito? Pagsabihan mo 'to at baka makatikim 'to.", sabi ng pula ang buhok na kasama niya. "Pabayaan niyo na siya. Tara na, Dan.", Seven saka ito tumayo mula sa inuupuan nito sabay lakad paalis. "Sandali lang!", sigaw ko sa kanya. Tumigil sila sa paglalakad. "Bumalik ka na, Seven. May bago tayong homeroom teacher at... at sa tingin ko...naiiba siya sa lahat ng guro na nakilala natin.",pangungumbinsi ko sa kanya. "Tch! Naiiba? Nagpapatawa ka ba? Pare-pareho lang sila...mga plastic.", Seven. Lumakad na uli si Seven kasunod ang dalawa niyang kasama dahil nagpaiwan ang pula ang buhok na tinawag niyang Dan, lumapit ito sa'kin saka ako kinuwelyuhan. "Tigilan mo na si Seven dahil kahit anong gawin mo hindi na siya puwedeng umalis sa grupo.", sabi niya sa'kin. "A-Anong ibig mong sabihin?" Hindi ito sumagot, nagpakawala lang ito ng isang ngiti saka bumitaw sa kuwelyo ko saka ako tinulak at naglakad na ito paalis para sumunod kayla Seven. "Oi!", sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Seven, ano ba itong pinasok mo?", bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD