May narinig akong katok sa pintuan ng kuwarto ko kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko sabay tanong kung sino ang kumakatok.
"Go-Goodmorning,Miss! Kakain na daw kayo sabi ng Papa niyo po.", sabi ni Yo sa akin.
"Sige, susunod na ako. Salamat.", sabi ko sa kanila sabay tayo at pasok sa banyo.
Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa aparador ko at agad na nagbihis. Ng makapagbihis na ako ay lumabas na ako para saluhan si Lolo ng agahan. Matapos namin mag-agahan ay ang inatupag ko ulit ang job section sa newspaper. Panay ang pakli ni ko sa job section ng newspaper na basa harapan ko kasabay ang pag-dial sa mga nun kaso lahat ng dinadial ko na numero ng job opening ay puro taken na daw ang pwesto. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sobrang pagkadismaya.
"May problema ba,Rie?"
"Wala naman, Pa. Naano lang po ako kasi limang buwan na po ang lumipas pero wala pa rin akong nakikitang trabaho.", sagot ko.
Umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang malakas na tawa ni Papa, "Rie,anak hindi mo naman kailangang magtrabaho eh, tangga—"
"Papa, alam niyo naman na hindi pa ako handa para sa ganyan.", putol ko sa sasabihin ni Papa.
"Ey, goodmorning!", bati ni Choco na pinsan ko ng pumasok ito sa loob ng bahay namin.
"Oh, Choco ikaw pala iho. Napadalaw ka?", tanong ni Papa dito habang ako busy pa rin sa kakatingin sa Job section ng mga diyaryo na nasa harapan ko.
"May maganda kasi akong balita kay Rie, Tito.", sagot nu Choco ba ikinalingon ko sa kanya.
Tinignan ako nito sabay ngiti at kuha ng mga diyaryo na nasa harapan ko sabay lagay ng isang folder sa harapan ko, binuklat ko ito.
"Resume at Application Letter?", taka kong tanong dito.
"Yep! Naghahanap kasi ng English teacher ang eskwelahan na pinapasukan ko at since tapos ka naman ng education ay ikaw ang irerekomenda ko, iyang mga yan ang ipapasa ko.", paliwanag nito sabay kuha sa folder. "Tatawagan nalang kita if ano ang resulta.", sagot nito sabay kindat sa akin.
"Naku! Salamat,Choco!", tuwang tuwa kong saad dito.
"Mag-almusal ka na muna,iho.", aya ni Papa dito.
"Naku, Tito tapos na po saka gustuhin ko man ay baka mahuli na ako sa pagpasok.", pagtanggi ni Choco.
"Ganun ba. O sige, mag-iingat ka.", tanging nasabi nalang ni Papa.
"Opo. Sige, Tito. Bye,Rie! Tawagan nalang kita.", paalam ni Choco sa amin ni Papa.
"Bye,Choco! Salamat ulit!", paalam ko pabalik dito.
Kinagabihan ay tumawag sa akin si Choco, sabi niya na magreport daw ako sa Southville High bukas ng 7 am sharp. Laking tuwa ko dahil sa wakas ay magkakatrabaho na ata ako!
KINABUKASAN
"Miss?"
Wala pa ring sagot si Rie, ang sarap kasi ng tulog nito.
"Miss?"
Still no answer...
"Miss?"
"YAH!"
Hinawakan ko ang kamay ng lalaki, inikot ko ito sa likuran niya sabay bagsak sa kanya sa lupa sabay hila pataas ang kamay niya habang tinatapakan ko ang mukha niya...
"Ahhh! Mi-Miss Rie, patawad po!"
Idinilat ko ang mga mata ko...
"Yo?!", gulat kong sabi sabay bitaw sa kanya.
"Go-Goodmorning,Miss!"
Agad kong tiningnan ang alarm clock ko...
"Ah! Mala-late na ako!", sabi ko sabay takbo papunta sa C.R.
AFTER 30 MINUTES....
Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa aparador ko at agad na nagbihis...
Ng makapagbihis na ako ay agad akong tumakbo papuntang pintuan...
"Hindi ka na ba mag-aalmusal,Rie?"
"Hindi na po, Papa! Alis na po ako!"
"Teka,Rie!"
Tumigil ako sa pagtakbo at bumalik sa harapan ni Papa saka humarap sa kanya.
"Mag-iingat ka.", sabi ni Papa sa akin na nakapagpakunot ng noo ko pero tumango nalang ako saka ako nagpaalam.
"Aalis na po ako!", sabi ko sabay takbo.
"Ingat,Nak!", sigaw ni Papa.
"Ingat,Miss!"
SOUTHVILLE HIGH....
Tiningnan ko ang kabuuan ng paaralan na papasukan ko, saka ko tiningnan ang mga estudyante na dinadaanan ako. Napangiti ako dahil mukhang matitino at mababait ang mga estudyante dito, naglakad na ako papasok ng campus. Ng marating ko ang lobby ay nagtanong ako sa mga estudyante na naroon kung nasaan ang Principal's office at itinuro naman nila ito kung nasaan, ng marating ko na ang Principal's office ay tumigil muna ako sa harapan nito saka humugot ng malalim na buntong-hininga sabay katok sa pinto.
"Pasok!", sagot ng kung sino man ang nasa loob ng opisina.
Huminga muna ako ng malalim saka pinihit ang siradora ng pinto sabay bukas dito.
"Magandang umaga po.", bati ko sa Principal.
"Rie Sawada. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ngayong araw din ay mag-uumpisa ka na. Magpalit ka ng damit, jogging pants sana at tshirt na maluwag.", dir3-diretso nitong sabi sa akin.
"Maraming salamat po!", pagpapasalamat ko dito.
"Gusto lang kitang balaan, Ms. Sawada. Kung ano man ang inaakala mo ang nasa utak mo tungkol sa mga magiging estudyante mo...masasabi ko lang expect the unexpected.", sabi nito sa akin na ikinapagtaka ko.
Nginitian lang ako nito sabay kuha ng telepono nito at pindot ng kung anong numero ang nandun.
"Mr. Antonio, pakisundo dito ang bagong teacher sa opisina ko at pakituro sa kanya ang locker room ng mga teacher pati na din ang classroom ng magiging estudyante niya.", sabi nito sa kausap sa kabilang linya saka nito ibinaba ang telepono.
Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok na sa pintuan ng Principal ng tatlong beses matapos iyon ay pumasok ang isang may edad ng lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40's or 50's niya na at may pagka-panot ito.
"Magandang umaga,Mr. Principal.", bati nito.
"Paki-assist nalang si Ms. Sawada, Mr. Antonio.", utos nito.
"Opo. Tayo na,Ms. Sawada.", aya nito sa akin.
Sumunod naman ako dito palabas ng opisina, habang naglalakad kami papunta daw sa locker room ng mga Teacher ay nagpakilala ito, ito pala ang Head Teacher ng paaralang ito, sinabi niya rin sa akin kung ano ang mga dapat at bawal sa paaralang ito. Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay huminto kamo sa isang pintuan, ito na ata iyong locker room na sinasabi nung Principal.
"Pumasok ka na at magbihis saka ka sumunod sa akin sa faculty room.", sambit nito sabay lakad paalis.
Pumasok ako sa loob ng locker room saka ko hinanap kung nasaan locker ko, hindi manlang tinuro sa akin kung saan dito ang locker ko. Haist. Matapos libutin ang buong locker room ay may nakita akong isang bukas na locker, nilapitan ko ito saka tinignan ang loob nito. At napangiti ako ng maluwag ng makita na may jogging pants doon at tshirt, kinuha ko ito saka nagpalingon-lingon dahil baka may cctv sa loob ng locker pero nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakita at nagbihis na nga ako.
---
FACULTY ROOM...
"Sigurado ba kayo na babae ang magiging homeroom teacher ng 4D?", tanong ni Mr.Reyes.
"Oo. Ako mismo naghatid sa kanya sa locker room ng mga Teacher.", sagot ni Mr. Antonio ang head teacher ng faculty ng Southville High.
"Ako na ang natatakot para sa kaligtasan niya.", sambit naman ni Mrs. Sandoval.
"Patnubayan nawa siya ng Panginoon.", sambit naman ni Mr. Tan.
"Tama na 'yan baka biglang dumating iyon at marinig pinagsasasabi niyo at biglang matakot at tumakbo pauuwi.", saway ni Mr. Antonio sa mga ito.
"Matakot at tumakbo saan?"
Biglang napalingon lahat ng teacher sa may pintuan kung saan nagmula iyong boses.
"Ka-Kanina ka pa ba diyan,Ms. Sawada?", tanong ni Head Teacher kay Rie.
"Hindi. Kadarating ko lang po. Ano meron?", tanong ni Rie na walang kaalam-alam sa naghihintay sa kanya na sakit ng ulo.